CHAPTER 174

607 14 5
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hello everyone!! Good luck sa first day ng school nyo sa lunes! Enjoy your school year and make a fun and happy memories❤️✨🌼😚.





"It's been a long time since i last saw you zen" Sabi sakin ni kuya david habang nakaupo sa gilid ng kama ni nicholas. Mag katabi silang mag kapatid. "Ok na ba kayong lahat? Umorder ako sa isang restaurant ng pagkain nyo, Hintayin nyo nalang maya maya" Mahinhin na dagdag nya at bahagyang ngumiti.




Narinig ko agad ang malalakas na sigaw ng mga kasama ko.




"Yes! Makakakain nadin ng masarap!" Tuwang tuwang sigaw ni Terry habang inaalog alog si jacob. "Ayaw ko ng champorado ni jane! Kinulang sa evaporada!"





"Tang*mo! buti nga may kinakain ka e!" Sigaw ni Nicko sa kanya sabay basal ng unan. "Para sakin lang kasi yun! Sino ba kasing nag sabing kumain ka? Edi sana bumili ka ng lata ng evaporada sa labas, Girlfriend kopa mag a-adjust?!"





"Edi ikaw na may girlfriend!"







"Ang papangit nyo, Tumigil nga kayo dyan! Nandito si kuya David!"
Awat sa kanila ni Nine na nag pu-push up sa gilid. Pawisan na ang loko!




"Medyo ok na po kami. Thank you sa pag aalala" Sagot ko kay kuya.






Katabi ko ngayon si Kole. Sa harap naman namin si Nicholas na nakatingin lang sakin at si kuya David na nakangiti lang din. Kelan nga ang huli naming pag kikita? Hindi kona maalala. Siguro dahil sa daming nangyayari.







"Nabalitaan ko ang nangyari-" Bumuntong hininga sya. "Tumulong na ako para hindi kayo masyadong mag alala. Masyado pa kayong mga bata para dumaan sa gantong sitwasyon"






"Hindi natin maiiwasan. May gantong pangyayari talaga ang dumadaan sa buhay" Singit ni kole kaya nag katinginan kaming dalawa.


Sang ayon ako sa kanya...




"I agree" Pag sang ayon ni Nicholas kay kole. Tumingin sya sakin bago kumindat. Hay nako. "Pwede na kaming umalis bukas diba? Madami pa kaming aasikasuhin. Lalo na sa school namin" Dagdag nya pa sa kuya nya.





"Kakausapin ko ang Doctor na naka assign sa iny--"




"Pwedeng dito nalang tayo? Sira kasi aircon samin! hindi ganto kalamig samin!" Biglang lumapit si Milan at yumakap sa leeg ko. Napaubo ako ng alog alugin nya pa ako!.




"Hey!" Parehas na sigaw ni Nicholas at Kole kaya napanguso si milan. Pero hindi parin inalis ang yakap sa leeg ko.




"Edi mag stay ka dito. Sino bang napigil sayo?" Sagot ni Clark sa tanong ni Milan. Nag babasa sya ng libro malapit sa bintana. Nakasalamin pa ang loka habang preskong nakaupo doon. "Do you want me to punch you so hard until you cry in pain?.. Para mala one month ka talaga dito. Sawa kang bata ka"
Loko lokong sabi nya pa kaya mahina kaming natawa.



Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now