4

1.9K 14 2
                                    

  Muli naman akong bumalik sa likod bahay upang ipagpatuloy ang pagsasampay ko. Habang napapailing sa tuwing maaalala ko ang mga sinabi sa akin ng biyenan ko.
 
  Sa totoo lang kasi ay hindi ko maisip na gagawin niya iyon. At siguro nga ay dahil din sa kalasingan niya. At sa lahat ng nagpakita sa akin ng interest sa panliligaw ay siya lang din ang bukod tanging hindi ko mabara.
 
  Bakit?
 
  Still ay in laws ko siya. At mataas pa din naman ang respeto ko sa kanya. Sa kabila ng mga sinabi niya?
 
  Huminga ako ng malalim tsaka naman inayos ang mga pinaglabahan ko, tulad ng batya, timba at pati na din naman ang washing machine na kakarag-karag na, matapos kong maisampay ang mga damit.
 
  At pagkatapos nga ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo naman bago matulog.
 
  Maaga pa kasi ang pasok ko bukas, pero wala akong choice kundi magpuyat talaga para sa paglalaba. Dahil hindi naman kakayanin ng konsensiya kong makita ang mga Anak kong walang susuuting uniform para bukas.
 
  After kong maligo ay binalot ko lang ang hubad kong katawan ng towel. At muli namang napahinga ng malalim ng muli kong makita sa mesa ang mga bigay ni Papa.
 
  Tinikman ko pa ang isa sa mga chocolates na bigay niya. Dahil sa totoo lang ay hindi ko talaga mapigilan ang mag crave dito. Dahil kailan pa nga ba ako huling nakakain nito? Ahhh napakatagal na, bata pa yata ako noon. Dahil kahit minsan sa pagsasama namin ni Dino ay hindi naman niya ako naibili nito, kahit may mga ocasion pa o valentines day kaya.
 
  Huminga ako ng malalim, at tsaka ko dinampot ang mga alahas at tsaka ko itinago sa lugar na hindi makikita ni Dino.
 
  Mahirap na kasing makita niya ito. Hindi dahil baka pag-isipan niya akong may nag regalo sa akin nito. Kundi baka mapag diskitahan niyang ibenta at gawing pera. Para naman may pang inum na naman sila ng kanyang mga tropa. Or higit pa ay baka gamitin lang niya sa pang motmot sa mga babae niya.
 
  Napailing ako.
 
  Bago ko napagtuunan ng pansin ang ang aking phone na ngayon pala ay napakarami ng miss calls mula kay Papa.
 
  Dinampot ko naman ito at nag return call agad sa kanya.
 
  "Hello Clarrise, inisip kong baka nakatulog kana." Agad na bungad niya matapos niyang sagutin ang tawag ko.
 
  "Hindi po, nagsampay kasi ako ng damit tapos kakatapos ko lang kasi maglaba." Sabi ko pa.
 
  Napahinga naman siya ng malalim.
 
  "Maaga pa ang pasok mo niyan bukas. Napuyat kana naman." Tila nagse sermon pang sabi niya.
 
  "Sanay na po ako Papa. Nga pala nakauwi kana po ba?"
 
  "Oo pala, kaya ako tumawag para sabihing nakarating na ako dito." Sabi pa niya.
 
  "Mabuti naman pala, sige po pala Pa. Matutulog na din ako." Iwas na sabi ko pa.
 
  "Oh siya sige, hayaan mo at kapag nakuha ko ang pera ko ay ikukuha kita ng manlalaba para naman hindi ka napupuyat diba." Sabi pa niya.
 
  "Nako ay hindi na po Pa, gamitin mo yan para mapalago mo ang negosyo mo diba." tugon ko.
 
  "Mapapapalago ko iyon kahit ikuha kita ng manlalaba Clarrise. Lalo pa at may inspiration na ako ngayon diba."
 
  Nasamid naman ako sa sinabi niya.
 
  "Tulog na po pala ako goodnight."
 
  Hindi ko na nahintay pang sumagot siya at agad ko na sing ibinaba ang phone.
 
  At napapailing na pumasok sa kawarto upang magbihis. At pagkatapos nga ay isa-isa kong inayos ang mga Anak ko mula sa pagkakhiga niya tsaka ako tumabi sa kanila. At sumandal sa headboard.
 
  Nag scroll scroll din muna ako ng phone ko sa facebook, habang patuloy ko na sinusuklay at pinapatuyo ang buhok ko dahil nga basa pa ito, dahil nga kakaligo ko lang.
 
  Nang bigla itong mag vibrate at may nag text.
 
  Si Papa.
 
  Papa: "Simula bukas ay hindi na ako iinum Clarrise. Pangako yan. Matulog kana."
 
  Napangiti ako sa pamamaraan niya ng pagte text. Kaya naman sinagot ko ito.
 
  Me: "Nagpapatuyo lang ako buhok Pa. Ikaw matulog dahil ang dami mo kayang nainom noh." Reply ko sa kanya.
 
  Mabilis naman siyang nakasagot.
 
  Papa: "Mamaya na sasamahan muna kita."
 
  Muli ay nasamid ako dahil sa banat niya. At agad na sinisi ang sarili kung bakit ko nga ba sinabing hindi pa ako matutulog dahil basa pa ang buhok ko. Tuloy ay nawalan ako ng dahilan.
 
  Me: "Katabi ko na po ang mga bata kasi."
 
  Papa: "Mahal kita Clarrise. Kaya naman di ka mawala sa isip ko. Sana pala ay hindi muna ako umuwi para nasamahan ka." Malayong sagot niya.
 
  Napatawa ako.
 
  Siguro nga ay lasing na lasing pa din siya aiya kaya naman kung ano ano nalang ang tine text niya.
 
  Me: "Nako lasing ka lang Papa, bukas niyan ay makakalimutan mo na lahat ang mga pinagsasabi mo." Natatawang reply ko pa sa kanya.
 
  Papa: "Almost 50 na ako, hindi na ako bata, at kahit lasing ako ay alam ko ang mga sinasabi ko ok. Matagal na ito, at salamat sa beer dahil nasabi ko din sa iyo sa wakas"
 
  Me: "Pero diba may usapan tayong hindi ka muna iinum bago ka manligaw huh?" Birong reply ko.
 
  Kilala ko kasi siya. Alam kong may pagka introvert siya at tahimik na tao. Kaya nga yata hindi talaga kami close dahil kapag nasa kanila ako ay hindi naman siya nagkikibo.
 
  Kaya naman alam kong dahil lang lasing siya ngayon kaya naman siya ganito. At naniniwala akong kapag bumaba na ang tama niya ay limot na din naman niya ito lahat.
 
  Papa: "Kung gayon ay sige Clarrise. Papatunayan ko muna sa iyo na kaya kong sundin ang request mo. At kapag nangyari yon ay hindi mo na ako mapipigil pang ligawan ka. Dahil kahit anak ko si Dino ay masasabi kong sa walang kwentang lalake ka napunta. Dapat sa iyo ay iginagalang at minamahal ng sobra sobra."
 
  Hindi naman na ako nag reply pa.
 
  Siguro ay dahil nauubusan na ako ng isasagot sa kanya. Medyo weird kasi ang pamamaraan niya. And to think na byenan ko siya.
 
  Masyado itong immoral, at nakakahiya din kay Mama kung malalaman niya ito.
 
  Madami pa siyang mga messages, subalit nag silent mode nalang ako upang hindi ko na ito marinig pa. Sa isip ko ay maya maya lang makaktulog na sin siya.
 
 
 

IN-LAWS MISTRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon