6

1.7K 14 2
                                    

"Meh bakit ayaw ikaw kumain? Masarap food diba..." masiglang sabi pa sa akin ni Cloe. Ang pangalawa kong anak na babae.

Napabugtong hininga naman ako at ngumiti sa kanya.

"Ok lang ako mga Anak, basta kumain lang kayong mabuti ok." Sabi ko pa habang nakaupo sa mesa at nakaharap lang sa kanila.

Sapat naman para sa aming apat ang iniluto ko, ngunit masyado akong naba bother sa banta sa akin ni Mang Joaquin. At paano nalang kung totohanin niya ang banta niya na palayasin kami dito sa apartment?

Paano na ang aking mga anak na walang kamalay malay sa totoong sitwasyon namin.

Kaya naman labag man sa loob ay tumayo ako at tinungo ang likod bahay namin at kinuha mula dito ang mga alahas na bigay sa akin ni Papa kagabi.

At pikit matang inilagay ito sa aking bulsa...

"Papa sorry, pero sa tingin ko ay kailangan ko talaga itong isanla para makabayad kami sa renta. Pero ipapangako kong tutubisin ko din ito kapag nakluwag na ako..." sabi ko pa na tila ba si talaga ang kausap ko habang sinasalat salat ko pa ito sa aking bulsa.

100 MINUTES LATER, ay laman na ako ng isang kilalang sanlaan dito sa mall mismo na pinapasukan ko. At dahil kilala naman nila ako ay nakakuha ako ng high appraisal para sa kwintas at bracelet na 24k pala lahat.

At aaminin kong napakalaki ng amount nito na sobrang lumula talaga sa akin.

"Maari bang 10k lang para matubos ko din siya kapag nakaluwag ako huh?" sabi ko pa sa isang staff na lalake.

"Sure Miss Pretty. May one month pa naman bago mag accumulate ang interest niya. Tapos pwede din namang interest lang ang bayaran mo muna while nag-iiipon ka diba."

In short, ay nagkasundo kami sa 10k para sa dalawang jewelries na galing kay Papa. Na pagkakasabi pa niya ay nasa 20k ang market price nito while ang bracelet na nasa 15k daw ang market price. Tapos half daw ang price nito kapag naisanla. Kaya naman almost 13k itong dalawa sa sanlaan.

Napahinga pa ako ng malalim. At hindi ko maisip bakit nabigyan ako ni Papa ng ganito kamahal na jewelries?

Ngunit mas mabuti na siguro na nandito nalang siya sa sanlaan dahil hindi din naman siya safe sa bahay, sa sandaling makita ito ni Dino at ibenta upang may pang inum at magamit sa pambababae niya.

I sighed, at mahigpit itinago sa bag ko ang pera na nakuha ko. Bago din bumalik sa post ko bilang sales lady.
.
.
.

4:00 PM

Aaminin kong may gaan sa kalooban idinulot sa akin ang hawak kong pera. Nakaramdam ako ng security dahil dito. At napanatag din naman sa mga isipin ko. Sa kabila ng katotohanan na band aid solution lang naman talaga ito sa totoong kalagayan ko.

Matapos kong mag out ay masigla akong lumakad sa magiging tagpuan namin ni Mang Joaquin dito sa loob ng Mall.

Nag chat kasi ako sa kanya kanina lunch break upang sabihin na babayaran ko na renta namin. Na mabilis namang sinang-ayonan niya at nagprisinta pa nga na dito na niya sa Mall kukunin dahil may bibilhin din naman siyang mga gamit.

Bagay na sinang-ayunan ko na din dahil mas delikado pa kung sa bahay. Dahil malamang sa oras na ito ay nasa bahay na din ang aking asawa.

"Ting"

"Nasan kana Clarissa?" chat pa niya sa akin.

Mabilis naman akong nag reply dito, "Malapit na ako diyan, maki wait po."

"Ting"

"Nandito ako sa KFC, hintayin kita dito." reply niya

Sandaling napakunot ang aking noo at natigilan pa sandali.

Bakit sa fast food chain? Malinaw naman ang usapan namin na sa harap lang supermarket dapat.

Hindi na ako nag reply pa, at kahit medyo duda ay dumiretso ako sa fast food chain na sinabi niya...

>>>

"Upo ka Clarissa, Mas mabuti na kumain muna siguro tayo diba?' masiglang bati pa niya sa akin ng mahanap siya sa pinaka sulok na bahagi nito.

Mapapansin din ang napakaraming pagkain na nakalatad sa isang pang-apatan na table.

"B-Bakit may ganito?" tanong ko pa.

Ngumiti naman siya sa akin.

Halata din ang mga pelegis sa kanyang mukha na ngayon ko lang din napagtuunan ng pansin.Matanda na din kasi Mang Joaquin, na siguro ay halos ka edaran na din ni Papa kung hindi ako nagkakamali.

"Huwag kang mag-alala Clarissa, treat ko ito sa iyo. Alam mo kung bakit? Dahil masyado akong natuwa sa chat mo na magbabayad kana. Tara upo kana." magiliw na sabi pa niya.

Napahinga ako ng malalim at naupo sa tapat niya.

"Hindi ako maaring magtagal dito Mang Joaquin, At hindi po ako nagugutom. Kasi nandito lang ako para magbayad ng renta diba?" medyo iritableng sabi ko pa sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya at inalis sa tray ang isang bucket ng fried chicken.

"Sayang naman siya diba kung hindi mo kakainin. Napakaraming taong nagugutom at nangangarap makatikim niyan. Habang ikaw naman ay nag-iinarte pa diba?" napapailing na sabi pa niya.

Napatirik ang mata ko, kasabay ng mga bugtong hininga...

"Hindi naman po sa ganon Mang Joaquin. Pero magbabayad lang naman ako diba? At ano nalang iisipin ng mga makakakita sa atin dito? May asawa kayong tao at ako din naman po." sabi ko pa.

Napatawa naman siya.

"Malisyosa lang at madudumit ang isip ng mga ganon, kaya naman huwag mo silang pansin." kampanteng sabi pa niya.

Napailing ako at inilabas ang isang sobre sa bag ko. At iniabot ito sa kanya.

"7,500 po iyan, makibilang mo na din para sigurado ka." sabi ko pa.

Mabilis naman niya ito iniabot at inilagay sa bulsa.

"Sa bahay ko nalang bibilangin Clarissa, tiwala naman ako sa iyo diba?" sabi pa niya.

Napakunot naman ang noo ko at, "Kung ganon ang bigyan mo ako ng resibo po para naman may pinaghahawakan ako diba?" prangka na sabi ko.

Natawa naman siya.

"Iyan ang gustong-gusto ko sa iyo Clarissa eh. Di lang masarap at tummy, napa smart pa diba. Napasarap mo sigurong maging may bahay diba/" sabi pa niya habang napapatitig sa akin.

Inirapan ko naman siya.

"Sige igagawa na kita ng resibo. Mabuti nalang at dala ko ang bag ko diba?" napapailing na sabi pa niya.

Hindi naman ako kumibo at hinintay lang siyang magsulat.

"O eto pala, 7,500 para tatlong buwan na renta mo. Nakasulat din diyan na updated kana at pirmado ko din yan para mapanatad ka na."

Mabilis kong kinuha ito sa kanya.

"Salamat..." matipid na sabi ko.

Tsaka ako tumayo at...

"Teka, hindi kaba kakain huh?" tanong pa niya.

Mabilis naman akong umiling.

"Sorry po pero naghihintay ang mga Anak ko sa akin."

Mabilis akong tumalikod sa kanya.

"Kung gusto mo, ipa takeout mo nalang para sa mga anak mo diba?"

Muli naman akong umiling.

"May mga Anak at Apo ka din Mang Joaquin, bakit hindi mo sa kanila ipasalubong diba? Besides mas deserve nila yan kesa sa mga anak ko na hindi mo naman ka-ano ano."

Mabilis akong lumakad palayo sa kanya. Habang napapahinga pa din at napapatingin sa paligid kung may nakakita ba akin habang kasama siya sa isang fast food chain.

Napahawak nalang ako sa sentido ko mabilis na lumabas ng Mall.

IN-LAWS MISTRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon