5

1.8K 15 1
                                    

Kinabukasan

Gaya ng dati ay maaga akong gumising. At muli ay inaaikaso ang mga anak ko sa mga kakailanganin nila sa school.

Nagsaing din ako at nagprito ng egg at hotdog na galing sa pasalubong ni Papa kagabi.

Napahinga pa ako ng malalim ng muli namng maalala ang mga eksenang ginawa ni Papa dito. At napapailing din sa isiping paano kaya kung malaman ito ni Dino?

Marahil ay napakalaking gulo nito.

Napahinga pa ako ng malalim.

"Mga anak gising na kayo, need niyo pang pumasok ng maaga!" Sigaw ko pa sa kanila matapos ko namang isa isang ligpitin ang mga pinaghigaan namin.

Sama-sama lang kasi kaming natutulog sa isang room. At ito din yata ang dahilan kung bakit mas nagustuhan ni Dino ang manbabae. Dahil an din sa kawalan namin ng pagkakataong gawin ang mga bagay na dapat na ginagawa ng mag-asawa.

Napapikit ako at umiling-iling...

"Good morning Mommy!" Masiglang bati naman sa akin ni Julia, ang panganay ko lng anak.

Agad naman akong ngumiti sa kanya.

"Good morning din Anak... Gisingin mo na pala yung mga kapatid mo. Para makapag agahan na din tayo bago pumasok." Bilin ko pa sa kanya.

"Si Tita Le-Anne ba ulit maghahatid sa amin Mommy?" Muling tanong pa ni Julia.

"Oo Anak, kasi opening ang shift ko ngayon e, kaya naman si Tita ang pupunta dito mamaya. Para sabay-sabay na kayo papasok." Sabi ko pa.

Si Le-Anne ang bunso kong kapatid. Ngayon ay 18 years old na siya at pumapasok sa University na malapit lang din sa pinapasukang school ng mga Anak ko.

Hindi naman na ito sumagot pa, at bagkus nga ay sinimulan na niyang gisingin ang mga kapatid niya.

Ganito ang buhay namin sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Walang naiiba halos parang routine lang na paulit-ulit.

Nabubuhay lang kami sa pinakapayak na paraan. Na kung minsan nga ay sobrang hirap pa. Na may pagkakataon nga na kape lang tig-iisang pirasong pandesal sa umaga ay ok na.

Ngunit salamat pa din sa biyenan ko, dahil ngayon ay makakain sila ng favorite nilang breakfast. Bagamat may kakaiba siyang ginawa bago niya ito ibinigay ay ok na sin siguro. Tutal ay lasing lang naman siya kagabi. At marahil ay kung maaalala niya ito ay matatawa nalang siguro siya sa kanyang sarili. At worse kung mahiya siya ng sobra sa akin.

Nasa ganitong pag-iisip ako ng may biglamg kumatok sa pinto. Kaya naman iniwan ko ang mesa at mabilis na nagtungo sa pintuan at agad sing binuksan ito.

Iniisip ko kasi na si Dino na ito.

Ngunit nagkamali ako.

"Magandang umaga po Mang Joaquin." bati ko pa sa kanya.

Siya ang aming landlord.

"Mas maganda ka sa umaga Clarrisa." Nakangiting tugon nito habang napapatingin sa kabuuan ko.

Mabilis naman akong napauromg at napahawak pa laylayan ng shorts ko upang ibaba ito ng pasimple.

Ngunit hindi din ito nakaligtas sa kanya.

"Siguro naman ay alam mo na kung bakit ako narito Clarissa?" sabi pa niyo habang nakatitig lang sa akin.

Mabilis naman akong napakamot sa ulo at, "Pasensya na muna Mang Joaquin, di pa kasi bumabalik si Dino kaya naman pwede bang ipadala ko nalang ang bayad sa inyo?" Mabilis na tugon ko sa kanya.

Na kahit sa totoo lang ay hindi ko pa din alam kung saan nga ba ako kukuha ng ibabayad sa kanya.

"Tsk, tatlong buwan na kayong delay sa pagbabayad ng renta. Paano ba yan Clarrisa? Alam mo namang pinapa ikot ko din ang pera para sa mga negosyo ko. Kaya hindi naman pwede yung palagi ka nalang pass diba?" sabi pa nito habang nakatingin ng masama sa akin.

"Hayaan niyo po at igagawa ko ng paraan yan, ba-vale po ako sa pinapasukan ko kung kinakailangan. Pero sana po ay pumayag kayo kahit isang buwan lang muna." Bahagyang naka ngiting sabi ko.

"Hayys, sinabi mo na din yan noong isang buwan ah, at ngayon ay eto naman tayo. Hindi naman siguro tamang lokohin mo nalang ako buwan-buwan diba? Namuhunan din naman ako sa pagpapagawa diyan sa inuupahan niyo, para naman ipaubaya ko lang sa inyo diba." Napapailing pang sabi niya.

Nalito ako. At sandaling nag-isip paano ko nga ba siya maku kumbinsi.

"Madami namang paraan para makabayad ka Clarisaa. Pwede naman nating pag-usapan yan. At madali akong kausap, alam mo yan." himig pahiwatig pa niya habang ngayon ay nakatitig lang siya sa mga hita ko.

Mabilis naman akong napauromg. At nakaramdam din ng pagka-irita sa sinabi niya.

Alam ko ang pinapahiwatig niya. At ito siguro ang bagay na hinding hindi ko gagawin.

"Pera po ang napag-usapan nating kabayaran sa renta. Kaya naman dapat ay pera ang ibayad ko di po ba?" Sabi ko pa.

Mabilis namang nagbago ang tabas ng mukha niya sa sinabi ko.

"Ang yabang mo naman, akala mo naman may ibabayad ka kung maka asta ka." Tula napahiyang sabi niya.

"Hindi naman po sa ganon, pero nakakabastos kasi yung sinasabi niyo e."

Napamura pa ito ng pabulong.

"Anak ng.... Bweno sige, pagbibigyan kita ng isang linggo. At kapag hindi ka pa din nakabayad ay pasensiyahan tayo Clarissa." Sabi pa niya tsaka mabilis na tumalikod sa akin.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Bahala na talaga." Bulong ko pa sa sarili bago naman muling isinara at pinto at muling bumalik sa kusina.

"Mommy kain na po tayo, kanina ka pa namin hihintay eh." Mabilis na sabi naman ni Julia.

"Oo mga Anak kakain na tayo."

Nakita ko naman ang pagsigla nila ng ilabas ko ang pagkain nila.

At bahagya pa akong nakaramdam ng awa sa sarili habang tila sabik na sabik silang kinain ang iniluto kong pagkain. Ganito ba sila katagal hindi nakakain ng ganito?

Na kung sa iba ay napaka ordinary lang nitong agahan, ngunit sa amin ay napaka special na talaga nito.

"Meh, di po ba umuwi ulit si Daddy?" Tanong pa akin ni Michelle ang pangalawang anak ko.

"Nasa work pa kasi Daddy niyo kaya naman kain lng kayo diyan dahil maliligo pa kayo pagkatapos diba."

Aaminin kong kumukulo ang dugo ko sa tuwing maiisip ang mga nangyayari. At pati din naman sa pagiging pabayang Ama ng aking asawa. Subalit may magagawa pa nga ba ako?

Mababago pa nga ba ang sitwasyon namin?

Huminga ako ng malalim.

IN-LAWS MISTRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon