3

2K 12 3
                                    

"O hello Pa..Bakit napatawag ka? May problema po ba?" walang emosyong tugon ko sa kanya matapos kung sagutin ang tawag niya sa phone ko.

"Uhh ehh buti gising kapa?" malayong sagot niya.

Napatirik naman ang aking mata dahil dito. Ang akala ko ay may emergency na kaya siya tumatawag sa akin, at the middle of the night.

"Opo naglalaba ako kasi Pa, wala ng uniform maisuot mga Anak ko kasi." Casual na tugon ko.

"P-pwede ba akong magpunta diyan Clarrise?"

"S-Sige po patapos na din ako. Pero bakit pala, may problema ba? At para saan po ang pagpunta niyo?" Usisa ko pa. Dala din curiousity ko.

"May sasabihin ako sa iyo sana. Mamaya nalang bye."

Napakunot ang noo ko matapos niya ibaba ang tawag. Kaya naman kahit napapaisip ay muli kong hinarap ang mga sinasampay kong uniform.

At hindi nga nagtagal ay kumakatok na nga siya sa pinto.

"Ang bilis huh... " bulong ko pa.

Napahinga ako ng malalim bago pinunasan ang kamay ko mismo sa suot kong t-shirt tsaka ko siya pinagbuksan.

"Tuloy ka po Papa." Malamig na bati ko sa kanya tsaka ko tumalikod.

Pumasok naman siya.

Halata ding lasing siya dahil sa kilos at paglakad niya. Dagdag pa na naaamoy ko din ang alak na humahalo sa perfume na ginamit niya.

"Gusto mo ba ng kape?" Alok ko pa sa kanya, matapos naman niyang maupo sa medyo may kalumaan na naming sofa.

Hindi naman siya kumibo.

"Sige timpla kita, tingnan ko lang kung meron pa ha. Kasi alam mo naman hindi ako mahilig sa kape." Sabi ko pa tsaka ako dumiretso sa kusina.

Bahagya akong natuwa ng makakita ako ng isang sachet pa ng 3 in 1 kaya mabilis ko itong kinuha at nag init ako ng tubig sa may kalumaan na ding takure na gamit ko. Na kung hindi ako nagkakamali ay nabili pa namin noong nanganak ako sa panganay ko.

Matapos namang uminit nito ay inilagay ito sa isang mug. Tsaka ko isinalin dito ang lahat na laman ng sachet.
.
.
.

"Eto pala kape mo Pa." Sabi ko pa tsaka iniabot sa kanya ang umuusok pang mug ng kape.

"Salamat dito Clarrise. Nakakahiya namang nag abala kapa." Nakangiting sabi pa niya at agad din naman itong hinigop.

Napailing ako at naupo malapit sa kanya.

Hindi namam kasi kami masyadong closed na dalawa. Pero still ay biyenan ko siya. At kailangan ko pa ding makisama.

Siguro, at dahil nga madalang naman siya sa bahay dahil busy siya sa trabaho. Isa kasi siyang government employee. Pero saktuhan lang naman ang sweldo niya dahil hindi naman mataas posisyon niya sa opisina nila.

"Ano pala sasabihin mo Pa?" Muling tanong ko sa kanya.

Habang tumitingin din naman ako sa wallclock na ngayon nga ay halos alas dose na ng hating gabi.

Ibinaba naman niya ang mug at tumingin sa akin.

Na tila kinukundisyon ang isip niya.

"Pa ano na?" Pangungulit ko.

Tumikhim siya ng kaunti. And also he cleared his throat.

"Kasi nga ay matagal ko na itong inisip. At ngayon lang ako nakakuha ng sapat na lakas ng loob na sabihin ito sa iyo Clarrise." Simula siya.

Aaminin kong kinabahan ako ng bahagya sa intro niya.

"Ok... Ano po ba yon kasi? May problema kaba na kailangang sabihin sa akin?" Pag-uusisa ko.

"Gusto kita Clarrise. At kung papayag ka ay liligawan kita kung kinakailangang gawin ko ito. Para ako na din naman ang aako sa lahat ng responsibilidad na pinabayaan ng asawa mo. At pati din naman ang mga Anak mo ay ako na magpapa aral, para hindi kana mahirapan pa." Matatag na sabi niya.

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Ano?!" Tanong ko pa habang nakakunot ang noo ko sa kanya.

Nalito naman siya.

"Kasi napapansin kong ang daming nanliligaw sa iyo diyan sa labasan. At masyado akong natatakot na baka mapahawak ka sa mga iyon kung------"

"Kung papatulan ko sila ganon ba?" Ako na ang nagdugtong sa kanya.

Hindi naman siya nakakibo.

Huminga ako ng malalim.

"Pa, alam ko lasing ka lang ok. Siguro magpahinga kana muna at sigurado ako, bukas ay ok kana." Sabi ko pa.

Umiling naman siya.

"Ok lang ako, nakainum ako oo. Pero hindi ako lasing." Sabi pa niya.

Napakamot ako sa ulo. At bahagya ko din namang nasabunutan ang buhok ko.

"Ganito na lang, sabihin mo yan kapag hindi ka na lasing Pa. Isa pa ay hindi mo naiisip na asawa ko ang Anak mo? Tapos ano nalang ang sasabihin ni Mama?" Sabi ko pa, tsaka ako tumayo.

Napatango naman siya.

Well, sinabi ko lang naman ito para magtigil na siya sa mga sinasabi niya. At siguro nga ay masyado lang malakas ang tama ng alak sa kanya, kaya naman ganito siya.

"Sabihin mo kasi ang mga dapat kong gawin. At susundin ko naman lahat." Sabi pa niya.

Nagbugtong hininga ako.

"Ok Pa, una kaya mo bang i promise na hindi kana iinom ng alak?" Dare ko.

Mabilis naman siyang tumango.

"Ok, yan lang muna Pa. Tsaka hating gabi na din kasi. Baka mahirapan kang umuwi niyan diba?" Sabi ko pa tsaka ako naghikap, upang ipaalam na inaantok na ako.

Huminga naman siya ng malalim at tumayo na din.

"O sige, bukas nalang. At pangako, hindi na ako iinum pa, kahit kailangan. Kung yan lang naman ang request mo. Tsaka nga pala, nag resign na din ako sa trabaho kaya ang nakuha kong terminal pay at pati din naman other benifits dahil ay gusto kong ipangaimula ng isang negosyo. Gusto kong makaipon para sa mga Anak mo. Dahil obligasyon ko na sila mula ngayon." Sabi pa niya.

"Yes Pa, dahil apo mo sila remember? At taaka bakit padalos dalos ka naman. Sure ka ba diyan sa negosyo naisip mo Pa?" Napapailing na sabi ko pa.

"Oo alam kong mas malaki ang kita kesa naman namamasukan ako. Dahil buo na sa loob ko ilaan sa inyo mag-ina ang lahat ng kikitain ko." Patuloy niya.

"Sige na Pa, masyado na late kaya. Basta yung promise mo muna hindi ka na iinum huh. Para din naman sa iyo uon diba at kay Mama na din na asawa niyo." Sabi ko pa

Tumango naman siya.

"May sarili din namang negosyo si Mariel, ang Mama mo. Kaya naman kaya hindi na niya kailangan ng tulong ko diba."

Hindi naman ako kumibo bilang hindi pagsang ayos sa sunabi niya.

"Sige uwi na ako. Mag lock kang maige ng pinto at mahirap na, wala kayong kasamang lalake dito." Sabi pa niya.

"Opo dahil nakalimutan na yata ng Anak niyong si Dino na may asawa at mga anak siyang naghihintay sa kanya." Inis na sabi ko pa.

"Alam ko yan, kaya naman gustong ako ang magpuno ng mga kakulangan niya."

"Sige Pa, Goodnight na." Pagtataboy ko.

"Nga pala, para sa iyo ito."

Sandali naman akong natigilan.

May iniabot siya sa aking malaking paper bag. Tsaka siya tuluyang tumalikod at.

"Mamaya mo nalang buksan. Para yan sa iyo at sa mga bata. Good night hija."
.
.
.

Matagal ng naka alis si Papa ay tila tulala pa din ako.

Habang ngayon nga ay hawak ko ang isang gold necklace at bracelet na laman ng paper bag na may kasama pang groceries at mga chocolate. At may simpleng note pa na mabilis ko lamg pinamulsa at hindi naman binasa.

OMG, at ano ba ang ibig sabihin nito?

At bakit siya?

At bakit niya naisip ang mga bagay na ito?

Totoo ba talaga? O sadyang malakas lang tama niya tonight?

Namalayan ko nalang na hawak ko ang phone at tumatawag sa kanya.

"Oh Clarrise? Bakit ka napatawag?" Tanong pa niya matapos sagutin ang call ko.

"Nakauwi kana ba sa bahay?" Tanong ko.

"Hindi drive palang ako motor pauwi, bakit?" Takang tanong niya.

"Ah wala later nalang, at wag ka ngang sasagot ng tawag kapag nagmo motor ka Papa, delikado kaya. Tapos lasing kapa noh." Sita ko pa sa kanya.

"Sige tawagan kita pagdating ko sa bahay."

"Sige Pa, ingat ka."

Napapailing man ay muli akong bumalik sa likod bahay upang muli ay ituloy ang mga isinasampay ko.

Habang maya't-maya ay napapa-isip sa sa mga sinabi niya.

Ngunit natutuwa ako.

Well, hindi dahil sa sinabi niyang kung ano-ano. Kundi ang katotohanan na baka maging close kami dahil dito. At yong closeness sa isang biyenan na nakikita ko sa iba. Ay magawa din naman namin.

Dahil sa nasabik ako sa bagay na yon. Ang kalinga at pagmamahal ng isang Ama.

IN-LAWS MISTRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon