25

1.1K 15 0
                                    

Hindi ako pinatulog ng isang mahalagang decision na ginawa ko bilang isang babae. Subalit sa tingin ko ay wala naman akong dapat pagsisihan dito.

Ginawa ko ito hindi naman dahil nagbabait baitan sa akin si Dino. Kundi mas pinili ko pa din ang tama.

At gaya din naman ng mga masasakit na pinagdaanan ko before ko ay lilipas din ito...

"Mehh hindi ba uuwi si Daddy?" Tanong pa sa akin ng panganay ko ng madatnan niya ako sa may kusina at tahimik lang na nakaupo at nakapangalumbaba lang sa mesa.

Agad naman akong ngumiti sa kanya at niyakap pa ito.

"Uhmm mamaya pa siya uuwi anak e. Kasi busy na si Daddy sa pinapaayos niya sa Batangas." Sabi ko pa.

Infairness to him, ay kahit naman madalas kaming mag away ni Dino ay closed pa din naman siya sa mga anak niya.

"Ayy oo nga pala, yun nga pala sabi niya may bago na siyang business kaya gaganda na daw buhay natin. Tapos mabibili na daw namin lahat ng magustuhan namin." Patuloy pa niya.

Napahinga naman ako ng malalim at bahagya pang humigpit ang pagyakap ko sa kanya.

"Sana nga Anak. Para naman makatikim tayo ng ginhawa kahit papaano. Teka bakit pala bumangon kana? Madaling araw pa lang kaya, kaya mapupuyat ka Baby." Sita ko pa sa kanya.

"E kasi Meeh naalimpungatan lang ako, tas ayun wala ka sa tabi ko, kaya naman lumabas ako para hanapin ka." Katwiran pa niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Ok lang ako dito Baby, sige na matulog kana ulit maaga kapa bukas." Sabi ko pa.

Humalik naman siya sa pisngi ko.

"Sige na pala Mommy, matutulog na ulit ako. Bakit pala gising kapa at nandito sa kusina?" Usisa pa niya.

"Ahh ehh hinihintay ko nga kasi ang Daddy mo. Naisip ko baka kasi di pa din siya kumakain dahil sobrang traffic daw kasi sa dinadaanan niya ngayon." Pagsisinungaling ko.

"A ok, sige po Mommy."

Muli naman siyang humalik sa pisngi ko bago din naman tuluyan na ding tumalikod at iniwan ako.

Napabugtong  hininga nalang ako. At tsaka kinuha ang phone at nag check ng messages ko.

May text si Dino at sabi pa nito ay malapit na din daw siya, habang si Papa naman ay nanatiling tahimk. Na noong una nga kasi  ay inisip ko din namang kukulitin niya ako at pipiliting baguhin ko ang desisyon ko. Subalit hindi niya talaga ginawa.

Marahil ay mabilis naman niyang tinanggap ang pakikipaghiwalay ko sa kanya.

Bagamat wala pa naman kaming formal na relasyon, ay maituturing ko na ding naka relasyon ko siya dahil sa mga nangyari sa amin.

Napailing ako...

At isiping mabuti na din ito. Dahil malalayo kaming dalawa sa tiyak na kapamahakan. Lalo pa at mag-ama sila.

Fast Forward >>

Patuloy na dumaan ang mga araw, habang si Dino ay patuloy pa din sa bait-baitan niya na unti-unti ko namang nakakasanayan na din.

At minsan nga ay napapaisip pa ako kung totoo naba talaga ang lahat ng ito?

Mga tanong ko na sinasagot din naman ni Dino ng mga maiinit na gabi naming dalawa.

Dahil wala yatang gabi na hindi siya umuwi  na hindi kami nag sex.

At kung iyon ang magiging basehan ko ay masasabi kong nagbago na nga siya. At ngayon ay sa pamilya na namin ang focus niya.

IN-LAWS MISTRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon