2

1.8K 10 2
                                    

Ngunit sa kabila nito ay patuloy akong naging faithful sa asawa ko. Sa kabila kay dami din namang tukso sa paligid ko nanatili akong tapat sa kanya.

Dahil kung gwapo siya ay maganda din naman ako. At ito nga ang dahilan kahit kay daming babaeng lantarang nagpapakita ng pagkagusto sa kanya dati ay ako ang pinili niyang pakasalan.

Subalit tama pala sila Nanay, hindi ako mabubusog sa kagwapuhan lang ng isang lalake. Na dapat ay ginamit ko ang ganda ko dati upang makahanap ng lalakeng desente at may trabaho.

Subalit magsisi man ako ay huli na. Ngayon ay naanakan na niya ako ng hindi lang isa kundi tatlo pa nga. Kaya naman minsan ay nagtataka pa din ako kung bakit sa kabila nito ay madami pa ding nagpaparamdam sa akin. At nangangakong babaguhin ang buhay ko pati na din ang mga anak ko.

Siguro ay sadya lang ligawin ako, dahil alam nilang may experience na ako sa kama?

At sa panahon kasi ngayon ay tila kay daling makarelasyon ng isang kagaya ko dahil nangangailangam kami ng kalinga ng isang lalake diba? Dahil isa ako sa mga tinatawag na buttered wife.

At ito ang isa sa mga bagay na sobrang nagkamali sila. Dahil hindi naman porket pinataksilan ako at may tatlo na ding Anak ay madali na nila akong makukuha at maikama din naman ng walang kahirap-hirap. Dahil madami na akong experience sa sex?

Isa pa ay sino nga bang matinong lalake sa panahon ngayon ang seseryoso sa isang kagaya ko?

At kabaliwan ding sabihin na kaya nilang itaguyod at buhayin ang mga Anak ko. Basta iwan ko lang ang asawa kong napaka ireponsable.

Ano yon? Humanap lang sila ng batong ipu pukpok sa ulo nila?

Kaya naman kahit isa sa kanila ay wala akong in-entertain kahit isa. At nag focus nalang sa pag-aalaga at pagpapalaki sa aking mga Anak ng mag-isa. At tama, dahil nga batugan ang asawa ko. At ayoko ng umasa pa sa kanya kahit konti.

Sa ngayon ay 29 years old na ako. May tatlo din kaming Anak, at ang panganay ko ay 10 years old na din naman na babae. Habang ang sumunod 9 years old , babae din at ang ikatlo ay 7 na isa namang lalake.

Dahil nga maaaga akong nag-asawa kaya naman sa ganito kong edad ay sino nga ba ang maniniwalang ganito na karami ang anak ko.

Sa ngayon ay nagta trabaho ako as Sales Lady sa isang kilalang Department Store dito sa kabisera ng aming probinsiya.

At sa maliit na sweldo ko din naman kinukuha ang panggastos namin sa araw-araw. At ganon din naman sa pag-aaral nila.

Kaya naman ang lahat ng manliligaw sa akin, ay ito palagi ang ipinapangako nila. Dahil sa pag-aakalang dahil dito ay mapapalambot nila ang puso ko. At tuluyan akong magpapatukso.

Dahil alam naman nilang sobrang struggled ako talaga pagdating sa pinansiyal. Subalit, ang lahat ng ito ay alam kong hindi naman nila kayang matupad. Dahil unang-una ay hindi pa naman siguro sila nasisiraan ng ulo para patayin ang katawan sa trabaho, upang itustos lang naman nila sa tatlo kong Anak. At sa reyalidad ng isang buhay. At wala naman talagang ganong lalake.

Or sabihin na nating ako lang naman talaga ang gusto nila at hindi naman ang mga Anak ko. At nagagamit lang naman sila bilang pain sa akin.

Ngunit sa kabila ng mga nasabi ko ay may isa din namang masasabi kong naiiba talaga sa kanilang lahat.

At alam na alam ko din naman, na kumpara sa kanilang lahat ay siya lang ang kayang tumupad sa mga pangakong mamahalin ako at lalo na ang mga Anak ko, dahil kahit dati pa naman ay mahal na niya ang mga ito.

Bagamat hindi ko talaga akalain...

At nangyari ito mismo at the middle of the night. Habang lasing na lasing siya.

Siya si Papa Steven Sebastian, my 49 year old Father-in-Law.

IN-LAWS MISTRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon