21

1.1K 13 1
                                    

Mabilis akong pumasok ng bahay at iniwan siya sa labas. At tila walang lakas na inilapag ang mga dala ko kong damit sa isang upuan sa kusina.

Muli naman akong napahawak sa aking mukha.

"Muntik na kami doon. Paano nalang pala kung hindi niya binuksan ang ilaw at hindi siya nagsisigaw kanina na parang ewan lang? Marahil ay huling huli niya kami sa akto ni Papa, habang may ginagawang milagro..."  Napapahingang bulong ko pa sa sarili tsaka dumiretso sa lababo upang maghilamos.
.
.
.

"Taena naman oh, bakit mo ako iniwan don Clarisse?" sunggab pa niya sa akin matapos naman siyang galit na pumasok at padabog na isinara ang pinto.

Huminga naman ako ng malalim at inirapan siya. "At ano paba kasi ang aasahan mong gagawin ko dapat sa labas huh? Kailangan bang pati sa pagpasok ko ay magpapa alam pa talaga ako sa iyo huh?" tugon ko.

Hindi naman na siya kumibo at pabalagbag na kumuha ng tasa at nagsalin ng mainit na tubig mula sa kettle na isinalang niya siguro kanina bago siya lumabas. Tsaka niya inilagay ang lahat ng laman ng 3 in 1 coffee sachet sa tasa.

"At kailan kapa natutong mag kape? Ang alam kong iniinum mo lang palagi ay alak. Baka makasama yan sa iyo diba? Sikmurain ka pa." sarcastic na sabi ko pa sa kanya.

"Masyadong madaming kape dito sayang naman kung hindi ko titimplahin diba? Unless kung may pinaglalaanan ka ng mga ito." sabi pa niya.

Hindi naman ako kumibo at muling kinuha nag mga uniform na isinilong ko at tsaka ako naupo upang itupi naman ito isa-isa sa lap ko.

"Gusto mo bang idamay kita ng kape Clarisse?" tanong pa niya sa pagitan ng pananahimik naming dalawa.

Hindi ko naman siya nilingon at nagpatuloy lang sa ginagawa ko... "Ayoko Dino." sabi ko.

"Ok" matipid na sagot niya.

Maya maya pa ay bitbit na niya ang tasa ng kape tsaka naupo sa harap ng mesa na sakto din namang nakaharap sa akin.

"Bukas pala ay babalik ako sa Batangas, Clarisse." muli naman pagbubukas niya ng topic.

Tumango lang ako. At napanatag din na ok na siya, na napaniwala ko siya sa alibi ko kanina sa labas.

"Di pa kasi natapos yung mga pinagawa ni Papa. Kaya naman pinababalik niya ako upang makumpleto ko na ito." pagmamalaki pa niya.

Mariin naman akong napakagat sa labi sa nadinig ko.

"Sige Dino ok lang." matipid na sagot ko sa kanya.

Humigop naman siya ng kape at muli itong inilapag sa mesa.

"Nga pala sa Sunday ay birthday na ni Mama, pinapasabi niya pala sa akin na isama ko daw kayong mag-iina ko dahil may konting salo-salo na gaganapin sa bahay. At special mention ka pa niya talaga." Patuloy niya.

Agad naman akong napatigil sa ginagawa ko.

"Kailangan ba talagang pati ako ay sumama pa Dino? Alam mong Linggo lang ang pahinga ko. At yon lang din ang pagkakataon ko upang makapaglinis ng bahay at pati nadin ng gabundok nating labada. Isa pa ay siguradong inuman lang yan at alam mong hindi ako umiinom Dino." Palusot ko. At sa tingin ko ay hindi ko kayang harapin si Mama matapos ang mga nangyari sa amin ni Papa.

Napangiti naman siya. Tsaka tumayo at mabilis na yumakap sa likuran ko.

"Bakit ba kasi ang sungit na naman ng maganda kong Misis huh? Don't tell me na nagkaron ka?" Sabi pa niya habang nasa likuran ko.

Hindi naman ako kumibo.

"Kung sabihin ko ba sa iyong walang inumang magaganap ay sasama kana? Ang totoo niyan kasi ay hndi na umiinom si Papa, kaya naman mahigpit na din niyang ipinagbabawal sa bahay ang inuman." sabi pa niya.

Mabilis namang napa angat ang aking mukha sa nadinig ko at muling maalala pangako sa akin ni Papa dati na hindi na siya iinum dahil ito ang request ko sa kanya.

"Kelan pa Dino?" interesadong tanong ko.

"Kelan lang, basta bigla na lang siyang nagbago, ewan ko ba para siyang ewan kung minsan. Palagi din masaya at nasa mood. Minsan tuloy ay naiisip kong in love kaya si Papa? Pero kanino naman? Hayy para siyang bata, ewan ko ba." Patuloy niya habang napapailing pa habang ibinibida ang Papa niya.

Bagay na nagpasamid pa nga sa akin.

At kung maaari lang sabihin sa kanya na pwede bang huwag siyang gumanito sa akin ay nasabi ko na din siguro. Subalit nanatili akong tahimik.

Malakas ang kurot ng kunsensya sa akin.

At bakit ba kasi nagpapaka sweet ng ganito? At bakit nga ba kailangan pa niyang ibida niya sa akin ang Papa niya?

"Matutulog na ako Dino."

Mabilis ako tumayo at matic din napakalas siya mula sa pagkakayakap sa akin.

"May problema ba Clarisse? At ano ba kasi pinagkakaganyan mo?"

Muli naman akong huminga ng malalim. "Napapagod lang ako Dino, sorry. Bukas ay lipas na din ito siguro." sabi ko pa.

"Kung ganon ay sige, pero sinasabi ko lang sa iyo na inaasahan ka ni Mama na dadalo sa Birthday Celebration niya Clarisse."

Muli naman akong natigilan kasabay din ng malalim na bugtong hininga. At labag man sa loob ko ay tumango ako sa kanya.

"Sige Dino sasama ako."

"Yess!! At kung yung paglalaba lang ang pino problema mo ay ako na ang bahala doon. Tatawagan ko si Aling Tacing para ipaglaba ka muna." sabi pa niya.

"Hayss wag na, wala akong pera Dino, dagdag lang yan bayarin ko, utang na loob." napapailing na sabi ko pa.

Napangiti naman siya. "Pwede bang maupo ka muna Babe. May sasabihin din ako sa iyo tuloy." malumanay na utos niya.

Mabilis naman akong napasunod sa kanya, at muli nga ay hinila ko ang silya at naupo dito.

"A-ano pala yung sasabihin mo D-Dino?" halata ang kaba sa aking mukha habang tinatanong siya.

Napangiti naman siya sa naging reaction ko. "Ano kaba relax ok. Kaka-kape mo yan eh, kaya yata nagiging nerbiyosa kana ngayon." sabi pa niya.

"Hindi naman, isa pa ay alam mong hindi ako nagka-kape diba?"

"Oo nga naman. Wait lang diyan ka muna, may surpresa ako sa iyo." masiglang sabi pa niya.

"A-ano yung s-surpresa mo?" kinakabahang tanong ko.

Muli naman siyang napatawa, at tsaka tinungo ang sling bag niyang nakasabit sa likod ng pinto at may kinuha dito tsaka muling bumalik sa akin, At may inilapag sa mesa na isang brown envelope.

"A-ano ito Dino?" kinakabahan pa din tanong ko.

"Bakit hindi kasi buksan para malaman mo."

Huminga ako ng malalim at kinakabahan man ay kinuha ko ang sobre at dahan dahang binuksan ito....

IN-LAWS MISTRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon