8

1.5K 13 5
                                    

"Ang totoo niyan Clarissa ay nahilingan lang naman ako ng aking Anak na si Dino. Baka daw mabigyan ko sila ng pag-inum." katwiran pa niya.

"So, at binigyan niyo naman Papa? Kaya namimihasa ang asawa kong iyon eh." Diniinan ko pa ang word na "asawa ko" upang ipaalala din naman sa kanya na anak lang naman niya ang asawa ko kaya.

She sighed for a while.

"Sorry Clarissa. Subalit hindi na din ako nakatanggi pa dahil naisip kong mas malaya akong makakapunta dito kung ganon ang gagawin ko." Matapat na sabi niya.

At tama naman, may point siya sa bagay na iyon. Ngunit masyado yong red flag para sa kin. Masyadong selfish ang ganitong gawain.

"Sana po ay sinamahan mo ang Anak mo pala. Para naman nasulit ang ibinigay niyong pera sa anak niyo diba po?" Sarcastic na sabi ko pa.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ang totoo niyan ay pinipilit ako ng barkada niya, subalit sabi ko nga ay hindi na ako umiinom, dahil may isang babae akong napangakuang hindi ko na ako iinum pa kahit kailan. At ikaw nga iyon, pero syempre ay hindi ko naman maaring sabihin kay Dino ang bagay na ito."

Napahawak naman ako sa aking sentido, dahil pakiramdam ko ay nanakit ng husto ang aking ulo sa sinabi niya.

"Nga pala Clarissa, maari ba kitang masundo sa trabaho mo bukas? Nasa mall kasi ako bukas upang ipamili ng gamit ang mga Anak mo, kaya naman naisip kong sabay na din tayong umuwi at kumain din sana sa labas."

Napalunok ako sa sinabi niya.

At dito naba siya magsisimula sa totong panunuyo   niya? At aaminin kong napaka weirdo talaga nilang mag-ama.

"Inaantok na po ako Papa, salamat po pala sa mga pasalubong mo. Itatabi ko na lamang siguro upang hindi makita ni Dino ang mga bagay na ito."  Napapailing sa sabi ko pa tsaka ako tumayo.

At ito na din ang sign ko upang sabihin umuwi na siya.

"Alam mong nabibigla ka sa mga ginagawa ko Hija. Subalit si Dino ay hopeless na, at napapagod na din akong itama siya." Sabi niya bago tumayo.

"Alam ko po yan Papa. Ngunit sapat naman na ang payuhan mo siya. At hindi na po ganito sana." Sabi ko pa.

"Nanghihinayang ako na ang isang katulad mo ay sa tamad at iresponsableng anak ko lang napunta. Kaya naman gusto kitang bigyan ng maayos na buhay. Yung buhay na nararapat lang sa isang prinsesang kagaya mo."

Hindi naman ako nakakibo sa sinabi niya. At tahimik lanflg siyang inihatid sa pintuan ng aming bahay.

"Goodnight Clarrisa, at bukas ay hihintayin kita sa Mall ma pinapasukan mo ha." sabi pa niya.

Nagbugtong hininga naman ako.

"Sige Papa, pero huwag mo po sanang isipin na sasama ako dahil kung ano pa man. Sabihin na nating papasalamat ko ito sa inyo, dahil din sa necklace at bracelet na binigay mo. At naiwasan kong mapalayas kami dito sa apartmnet ni Mang Joaquin." Finally ay nasabi ko sa kanya.

At pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil dito.

"Isinanla mo ba ang mga ibinigay ko sa iyo? Ito ba ang ibig sabihin mo?" malumanay na tanong niya.

Sandali akong natigilan, dahil tama naman talaga ang iniisip niya.

"Sorry pero aaminin ko naman sa inyo. Pero tutubusin ko din naman siya sa sandaling makaluwag luwag kami Papa." kinakabahang sabi ko.

Napakibit balikat naman siya.

"At totoo niyan ay inaasahan ko naman ito, dahil sa napakabatugan kong Anak, ay tama lang naman ang ginawa mo. Ngunit sana ay sinabi mo nalang sa akin para naman hindi mo na kinailangan pang magsanla. May pera naman ako dito." Sabi pa niya.

"Nako Pa, hindi na po labis labis napo iyon." Nahihiyang sabi ko pa.

At totoo naman ako sa sarili ko na hinding hindi ko naman magagawa ang ganing kakapalan ng mukha.

"Bweno, aalis na ako Clarissa. I-lock mong mabuti amg pintuan mo pagkaalis ko. Mahirap na ang panahon ngayon. Napakaganda mo pa naman at alam mo naman ang tao dito sa atin, ay ikaw lang palaging tinitingnan nila. Gago lang talaga ang anak kong si Dino at hindi niya nakikita ang halaga mo." Napapailing pang sabi niya.

Hindi naman ako kumibo. At marahang isinara ang puntuan matapos siyang makaalis.

At ngayon ay masasabi kong na excite naman ako sa sinabi niya kahit papano. Dahil ang bagay na sinasabi niya ay hindi ko naranasan kahit minsan sa aking asawa.

Yun bang sunduin ka sa trabaho at dalin man lang kahit sa mumurahin kainan.

Napahinga ako ng malalim sa isiping yon.

At agad ding sinaway ang sarili ko. Kinuha ko naman ang flowers na bigay niya at napangiti pa ako ng itapat ko ito sa aking mukha uoang samyuhin ang natural na bango nito.

Dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang naman talaga ako naka tanggap ng ganito. At masasabi kong may kilig at kurot pala ito sa puso. Kahit na madalas ay sinasabi ko dati ay gastos lang ang bulaklak dahil nalalanta lang din naman ito kinabukasan. Ngunit may kung ano pala itong saya sa pakiramdam bilang isang babae.

Napailing nalang ako at tsaka inilagay ito sa tagong lugar, yung lugar na sa tingin ko ay hindi talaga makikita ni Dino. Habang ang mga chocolates naman ay  isiniksik ko sa lumang ref namin.

KINABUKASAN

Literal na nag ayos ako ng sarili. Nagbaon din ako perfume at extra lipsticks na dati ay hindi ko naman ginagawa dahil meron naman ako nito sa aking locker. Subalit ginawa ko ito dahil gusto ko ng ibang color shade ng lipsticks mamaya. Bago din naman tumutok sa maliit na salamin ay matiyagang inayos ko ang kilay ko. Nag trim din naman ako nito upang maging mas pointed ang tip nito.

I'm not saying na ganito ka-excite sa pagsundo niya sa akin mamaya. Mas mabuti sigurong sabihin na gusto ko lang maging maganda mamaya. At sabihin din naman sa kanya na hindi basta basta ang napiling asawa ng anak niyang si Dino.

Sandali ko pang pinagmasdan ang aking sarili habang suot naman ang pinaka bago kong unifrom. Na matiyaga kong nilabhan kagabi at itapat sa bentilador upang maisuot ko ito ngayon.

Nagbilin din ako sa mga anak ko na bak late ako makauwi dahil may kailangan akong puntahan. Tsaka ako tuluyan ng kumabas ng pinto.

IN-LAWS MISTRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon