7

1.5K 9 2
                                    

Sa Bahay

"Buti naman at umuwi kapa Dino, at ano ang akala mo sa pamamahay natin boarding house mo huh!?" Sita ko kanya matapos ko naman ito abutang may kausap sa phone habang nakahiga sa sofa.

Masama naman itong napatingin sa akin. Mabilis na tinakpan ang phone at galit na hinarap.

"Anak ng patis naman Clarissa. Nakita mong may kausap ako diba? Bastos din talaga yang bunganga mo eh!" Bulyaw pa niya sa akin.

"At bakit? Nahihiya kaba diyan sa kabit mo na dito sa oamamahay mo ay wala ka naman talagang silbi!"

"Taena! Kabit agad? Di ba pwedeng tropa lang kausap sa phone ah. At oo nahihiya ako sa pinaggagawa mong kakabulyaw sa akin!"

Dinampot ako ang throw pillow at ibinalibag sa kanya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo Dino. At ako pa ngayon ang nakakahiya."

"Oo nakakahiya ka."

Mabilis naman itong tumayo at nagbigis ng sando.

Sandali akong natigilan.

"At saan ka pupunta?"

"Sa langit Clarrisa, dahil sawang sawa na ako sa impyernong pamamahay na ito, okay."

Tiningnan pa niya ako ng masama at pabalibag na isinara ang pinto matapos makalabas.

Napaupo nalang ako sa sofa, na kanina lang ay hinihingaan niya. At agad ding napahawak sa aking mukha at umiyak.

>>>

Muli ay hindi siya umuwi, at kung saan lupalop ba siya nagpunta ay wala na din akong pakialam pa. Minsan pa nga ay naiisip kong mas napapanatag pa ang buhay ko kapag wala siya.

"Meh kakain naba tayo huh?"

Mabilis ko naman pinahid ang luha ko at nakangiti silang hinarap.

"Oo mga Anak, at siguro ay baka mamaya pa uuwi Daddy niyo. Kaya naman mauna na tayo diba?" Sabi ko pa habang pilit na pinapasaya ang sarili.

"Nga pala Meh, nandito sa Lolo kanina."

Sandali naman akong natigilan at,

"A-Ano ang sinabi ng Lolo niyo pala?" Kinakabahang tanong ko.

Bigla kasi akong nag over think.

"Sabi lang may daw sana siyang sasabihin sa iyo. Tapos ayun pupunta daw siya mamaya."

Napahawak naman ako sa aking bibig. At agad sing kabahan. Dahil baka niyang naalala yung mga jewelries. At ngayong hindi na siya lasing ay paano kung bawiin niya ito.

"May problema po ba Mhe?" Worried na tanong naman sa akin ng panganay ko.

Marahil napansin niyang bigla akong naging uneasy mula sa kinauupuan ko.

"Ahh ehh wala Anak, nagtataka lang si Mommy diba." Sabi ko nalang.

>>>

Literal na na-praning ako sa sinabi ng Anak ko. At ngayon ay hindi ako mapakali habang maya't-maya ay panay ang silip ko sa phone ko.

Ngunit hindi naman siya nagte text o tumatawag kaya.

Huminga ako ng malalim...

"What if tawagan ko siya?" Tila wala sa sariling sabi ko pa.

Mabilis naman akong napailing, "No! Hindi pwede. At ano nalang iisipin niya? Na naghahabol ako sa kanya?"

At sandali ko pang ibinaba sa table ang phone ko at muli ay tinungo ang banyo at sandaling pinagmasdan ang sarili mula sa isang maliit na salamin.

IN-LAWS MISTRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon