45

309 10 2
                                    

Third Person

Sa pagpapatuloy ay tuluyan ng na-windang ang relasyon ni Clarisse at Dino. At ngayon ay rektahan na silang napaloob sa isang forbidden affair.

Forbidden affair dahil parehas silang nakipag relasyon sa mga in-laws nila.

Clarisse on her Father-in-Law while si Dino naman to his Sister-in-Law.

Ngunit may pag-asa pa nga ba ang relsyon nilang sa simula pa lang ay wasak na?

Maibabalik pa kaya ni Clarisse ang pagmamahal niya para sa asawa niya na tila kay tagal ng inanod dahil sa pagiging iresponsable ni Dino?

Ngayong si Clarisse ay nahanap na niya ang tunay na saya sa kanyang biyenan na lalake. Habang si Dino naman ay nagsisimula ng lumusong sa kumunoy ng pagkakasala dahil sa napakaganda at batang-bata niyang hipag na si Le-Anne...

"Oh bakit nandito kana Le-Anne? Dumating naba ang Ate mo at umalis kana?" Gulat na tanong pa ng Nanay niya matapos siyang masayang pumasok sa kanilang bahay.

"Opo Nay, kaya nga umuwi nako diba." Natatawang sagot pa sa kanya ng batang dalaga.

"Hay ewan ko sa iyo, napaka pilosopo mo kahit kelan kang bata ka! Malayong malayo ka sa Ate Clarisse mo na——-"

"Na ano na magalang at mabaet ganon? At ako maldita? Nay ano ba ginawa ni Ate Clarisse, ayon lumandi agad porket gwapo at nagpabuntis pa." Napapailing na sabi ni Le-Anne.

Huminga naman ng malalim ang matanda.

"Kaya nga palagi niyang sinasabi sa iyo na mag-aral kang mabuti at magtapos. At ang pagbo boyfriend ay makakapaghintay yan." Saad pa ng Nanay niya.

Hindi naman kumibo si Le-Anne at masayang iniabot sa kanya ang isang bucket ng fried chicken.

"Nga pala Nay, eto pala padala ni Kuya Dino."

Halata naman ang pagkagulat sa mukha ng matanda sa inabot ng dalaga. Hindi dahil natuwa ba siya o na-excite kaya dito, kundi....

"Tsss... Totoo ba ang narinig ko Le-Anne? Sa magaling na manugang kong si Dino ito nanggaling? At bakit daw? Mamamatay na daw ba siya at gumagawa na ng kabutihan huh?" Napapailing pang sabi niya sa dalaga.

Tumirik naman ang mga mata ni Le-Anne sa naging sagot ng Nanay niya.

"Hay nako si Nanay, mamamatay agad? Pwede bang concern lang yung tao noh." Pagtatanggol pa ni Le-Anne.

"Hayy ewan ko, pero di lang ako mapalagay diyan. Wala kayang lason yan Anak?" Napapailing pang sa sabi niya.

"Nay.... Bakit naman niya tayo lalasunin? Ok ka lang? Basta ilalagay ko ito sa table ok. Tapos magsasaing na din ako para di kayo mabitin sa kanin kung sakali." Napapailing pang sagot ni Le-Anne sa Nanay.

"Hayy bahala ka, basta ako ayokong kainin yan. Pero teka, alam ba ni Ate Clarisse mo na nagpadala ng ganyan ang Kuya Dino mo?" Muli ay nagtatakang tanong niya Anak na dalaga.

"Oo nga Nay, sabi pa nga ni Kuya eh, sana daw ay magustuhan niyo." Katwiran pa ni Le-Anne sa Ina.

"At ano naman sagot ng Ate Clarisse mo pala?" Muli tanong ng matanda.

"Ayon wala lang, alam mo namang di sila ok palagi ni Kuya diba? Para silang mga tanga lang kasi, away ng away."

Napabugtong hininga naman ang Nanay niya.

"Ayoko nalang magsalita pa Le-Anne. Pero sa ganda ng Ate mo ay pwede naman siyang pumili ng anak mayaman o kaya naman ay Engineer kaya. Ang dami kayang nanliligaw diyan noong araw na may sinasabi sa buhay. Tapos malaman mo nagpabuntis lang sa tambay at basugelerong si Dino." Napapailing pang sabi ng Nanay niya.

Napangiti naman si Le-Anne.

"Nay, di mo masisisi si Ate, dahil ang hot kaya ni Kuya Dino, tapos badboy pa. Ganyan kaya ang nakakakilig sa mga k-drama pinapanood ko hmmp."

"Aanhin mo naman ang gwapo kung kakalam naman ang sikmura mo." Patuloy pa ng Nanay niya.

Napa-ismid naman sa kanya si Le-Anne at...

"Nay bigtime na kaya si Kuya Dino, imagine may sarili na aiyang business tapos ang laki ng kinikita niya. Kaya naman good catch pa din siya para kay Ate Clarisse. Tapos ang hot pa niya." Kinikilig pang sabi ni Le-Anne sa Ina.

"Hay ewan ko ba, para kasing di pa din ako bilib sa kanya. Kaya ikaw Le-Anne, naging matalino ka sa pagpili ng mapapangasawa mo hmm."

"Luhh, asawa agad Nay? Diba pwede munang boyfriend lang at tsaka kilig kilig lang muna? Dahil ayoko pang mag-asawa noh!" Katwiran pa ni Le-Anne.

Napakunot naman ang noo ng matanda sa sinabi ng Anak na dalaga.

"Anak ng... At anong kilig kilig naman sinasabi mo. May pagkakaiba pa ba yon?"

Tumawa naman si Le-Anne.

"Oo naman Nay... Pwede namang for fun lang diba. Bakit naman kailangang hanapin ko agad magiging asawa ko. Kadiri naman yon..."

"Hay ewan ko diyan sa sinasabi mong bata ka, basta mag-aral kang mabuti at walang ligaw ligaw tapos!" May diing sabi pa ng Nanay niya.

"Oo na Nay, sabi ko nga eh." Napapailing pang sabi niya sa Ina.

"Sige na magbihis kana don, at ako na ang magsasaing. Para kapag nagutom ka mamaya ay may kakainin ka."

"Nay nga pala may sasabihin ako sa iyo."

Isang bagay na mabilis na nagpatigil sa matanda at muling hinarap ang anak.

"Ano pala yong sasabihin mo Le-Anne?"

Sandali naman siyang humugot ng hingang malalim at bahagya pang yumakap sa Ina bilang paglalambing.

"Eh Nay, sabi kasi ni Kuya Dino. Kung gusto ko daw sa bakasyon e doon ako magtrabaho sa kanya sa Batangas. Tapos bibigyan daw niya ako ng malaking sweldo dahil kapatid naman ako ni Ate." Pagsisimula niya sa Ina.

"At anong trabaho naman, aber?"

"Cashier daw sabi ni Kuya. Sayang din kasi diba? Kikita ako ng pera habang bakasyon tapos sa pasukan babalik din ako dito." Malambing na pagpapa-alam ni Le-Anne sa Ina.

Sandaling natigilan ang matanda at...

"Alam ba ito ng Ate Clarisse mo?"

"Hindi pa Nay, pero si Kuya daw ang magsasabi kung papayag si Ate." Tugon ng magandang dalaga sa Ina.

"Kung papayag siya ay ok din naman sa akin. May mga kasama ka daw ba doon na babae din?" Paninigurado pa ng Nanay niya.

"Opo Nay, puro naman daw kami babae sa apartment na tutuluyan namin. Ano Nay payag kana ba?"

Sandaling hindi nakakibo ang matanda. At makaramdam din naman ng kaba.

Kabang hindi niya maipaliwanag.

A mother instinct...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IN-LAWS MISTRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon