1

30 9 1
                                    

LOUISE POV

"Kuya guard, saan po namin makikita
yung listahan ng mga enrollees and
kung saang section po naka-assign?"

Itinuro naman sa amin ng guard ang aming hinahanap. Narito kami ngayon ng mga kaibigan ko upang kumuha ng mga kailangang requirements nila para makapag-enroll sa ibang school.

Yes. Ibang school. Kakatapos lang kasi ng moving up namin last week at eto kami ngayon at naghahanda na mag-enroll sa senior high school.

Ayoko na mag-aral.

" Sure na ba talaga kayong lilipat kayo ng school? " tanong ko habang tinitignan ang listahang nakadikit sa isang blackboard.

" Siyempre, bulok naman tong school na to e " aniya ni Daisy, ang pinakamatanda sa grupo. Chariz. Isang taon lang naman ang tanda niya sa amin.

" Sus, nanlait ka pa. Ikaw nga lilipat sa Catholic School, edi banal ka na niyan? HAHAHAHAHHA." si Riozel iyon na mahilig mang-asar. Lilipat din siya ng school. Hays. Wala kasi sa school na to ang gusto niyang senior high school strand.

Bulok nga tong school.

Charot.

" Ingay niyo naman, eh kung tulungan niyo na lang si Louise na hanapin yung section niya. " Realyn, the mother of the group. Her personality is like a mother always ready to scold her child. Kaso lang palaging lutang at slow.

Saan ka naman nakakita ng honor student na slow.

Napatawa na lang ako sa naisip ko at tinuloy ang paghahanap sa listahan.

" Humss- 11- Courageous" basa ko sa nakasulat. Inisa isa ko ang mga pangalan hanggang sa makita ko ang pangalan ko.

Gemma Louise Keller.

Gandang pangalan diba. Kasing ganda ng may-ari. I scanned the paper once again and read the names of my new classmates.

"Cordero, Dayap, Delos Reyes, Finnigan. Whoa tignan niyo ang cool ng pangalan. Jacob Adler Finnigan."

" Oo nga cool, banal siguro yan kasi sa bible yung pangalan" sabay tawa nilang tatlo.

" Oh nakita mo na section mo, tara na."

" Kj talaga Realyn. Tignan muna natin kung saan classroom ni Louise."

" Oo nga, kawawa naman to siya lang maiiwan sa public school. "

Sumama ang tingin ko sa sinabi ni Riozel. Sama talaga ng ugali. If only i have a choice i would rather transfer out of this school. Seriously, this school needs renovation. I couldn't help but to roll my eyes on them.


After naming magkatakutan dahil 4th floor ang classroom ko at naisipan pa talaga nilang puntahan kahit na nakakatakot dahil halos walang tao sa school ay ang mga bruha tinuloy pa talaga.


Sigh. I'm definitely gonna miss this. Our bond and inseparable squad.


" Yan nanaman siya sa pagiging madrama niya" napanguso ako sa sinabing iyon ni Daisy.

Stupid in loveWhere stories live. Discover now