LOUISE POV
" I vote for Louise to be the director !! " , gusto kong busalan ang bibig nitong si Mae sa ingay niya.
Nagnonominate kasi kami ngayon sa kung sinong gusto naming maging director sa short film na gagawin namin. Yes, we have a short film. A requirement para sa KOMPA subject namin. Ganyan talaga pag HUMSS.
Nakatunganga lang ako habang nilalagay nila ang pangalan ko sa mga direktor. Apat kasi ang magiging direktor, isang over-all director then the rest are co-directors. The other chosen ones have agreed to make me the over-all director.
Hindi ko pa talaga naranasan na maghandle ng gantong project. Buong klase kasi namin ang kasama sa film so it'll be a challenge.
" Whoo!! ", hindi talaga niya magawang tumahimik.
Seatmate ko na ulit ang babaeng impokrita. Pagkatapos kasi ng nangyaring iyon, ay pinilit ko siyang tumabi sakin. Mabuti na lang at nakisama siya. Tumutulong pa nga siya sa operation iwasan si Jacob.
Alam kong hindi siya komportable sa nangyayari sa amin. Ilang araw na rin kasi siyang tahimik na nakaupo sa likod namin. Ate Mariel already transferred out kasi because of personal issues kaya naman mag-isa siya sa last row.
Alam ko ring napansin niya ang ginagawa kong pag-iwas. Hindi naman siya umimik doon at sa halip ay ibinigay sa akin ang kalayaan na gawin ang gusto ko.
Gusto?
Hindi, hindi ko to gusto. Napipilitan lang akong gawin ito dahil ito lang ang alam kong paraan para maprotektahan ang sarili. Kaya kahit kapalit nito ay matinding sakit sa puso, tiniis ko at titiisin ko.
" What if mag documentary film na lang tayo? Para di na masyadong mag-acting. " , that's Francine the co-director. Nagmemeeting kasi kaming directors para pag-usapan ang mga gagawin namin for the film. Limitado na kasi ang oras kaya naman kailangan naming magmadali.
" Interesting yan sa atin kasi HUMSS tayo, e paano sa iba? We need something na nakakapukaw atensyon "
" Oo, wag niyo na lang alalahanin yung mga aacting, marami tayong actors na magaling, yan si Louise pwede siya "
" Me? Hindi ba bawal mag-act ang director? "
" Baliw, sino nagsabi? Eh kung kaya naman magmultitask why not? Si Direk Gina Alajar nga, direktor na aktres pa. "
" Sabagay, okay sige. Here's what I planned. "
I told them my idea. Ikinuwento ko ang naisip kong plot twist and on the spot ang casting namin. I was one of the main cast. Naplano na rin namin ang mga magiging staff, stylist, cameramen etc.
" Since wala us camera na magagamit, idadaan natin sa edit ang pagpapaganda and also sa quality ng camera or phone na gagamitin natin "
" Yung phone ni Jacob, maganda specs non " , I immediately went silent after hearing his name. But I kept my profesionalism at sumang-ayon sa gusto nila.
After deliberation, handa na rin kaming mag-film. Right after our last period ay pinaiwan namin silang lahat para mag-announce. Nagulat ako ng bigla akong itulak sa harap nang co-director namin. Okay I guess ako ang magpapaliwanag sa kanila.
I stood straight sa harap nila. My eyes were locked to Jacob, hindi siya nakatingin kaya naman malaya ko siyang tinitignan. When he is about to look, I immediately removed my gaze and looked the other way.
YOU ARE READING
Stupid in love
Teen FictionA freshman senior high school student, Louise, find herself in a roller coaster feels when she fell in love with Jacob another freshman student. In her attempt to get close to him, she finds herself trapped in that man's friendly gaze and ends up hu...