LOUISE POV
" May assignment na kayo? "
" Syempre wala "
" Tatamad niyo talaga gumawa "
" Wow ah, ganyan rin naman kayo"
Napaangat ang tingin ko sa kumpulan ng mga estudyante. Well syempre andoon si Jacob. I still can't forget the moments we had last friday. Napatigil sila sa pag-uusap at nagmadaling bumalik sa kanya-kanya nilang upuan nang pumasok si Ms. Marquez sa classroom.
" Nasaan si Mr. Justine " , kaagad naming itinuro kung saan nakaupo si Justine.
" Hindi ka pala dapat dito sa section courageous. Grade 12 ka pala dapat, irregular lang. " , kanya kanya namang bulungan at reaksyon ang iba. Bakit? Jolly kasi tong si Justine plus siya rin ang peace officer namin.
" Hala, lilipat siya nang section? "
" Gagi di pala natin siya kaklase "
" Eh? Officer natin siya ah "
" Hindi naman siya mawawala rito sa courageous ", everyone went silent waiting for what's more to come.
" Dito pa rin siya makakasama niyo pero iba lang ang adviser niya. Kaya lang since di siya dito sa courageous kailangan niyang magstep down kasi officer siya ", well as expected.
" Okay anyways, since may ginagawa kaming mga teachers ngayon, iiwanan ko na muna kayo, nandon lang ako sa guidance office kung kailangan niyo ko. "
Naghiyawan naman ang mga kaklase namin. Hindi dahil hindi magkaklase si Ms. Marquez, kundi dahil nakalimutan niyang icollect yung mga assignments na inassign niya sa amin.
Buti walang bida bidang nagpaalala.
Well may gawa naman ako. Pero syempre i have sympathy naman, alam kong wala pang gawa yung iba kaya naman di na ko umimik. I started cleaning my desk to get ready for the next class.
" Lou, may load ka? pa-hotspot nga ko "
" Wala akong cellphone "
" Luh. Hotspot lang e, damot "
Minsan ang sarap manabunot ng kaibigan e.
" Baka gusto mo masapak "
" To naman, biro lang e "
" Mae, nasan si Julia? "
" Bumaba sa guidance office. President things "
Yes. President. Presidente namin si Julia. I actually loves it. Having connections with a class officer gives some benefits. You get some of the juiciest issues within the classroom. Well not for gossip.
Sa way kasi na yon. Through her i can voice out what i observes. Like lowkey tumutulong sa paglead sa class like what an officer 'must' do. She's a great class president though.
But wait.
Nasaan si Jacob?. Tinapik ko naman tong katabi ko para magtanong kung napansin niya si Jacob. Bago pa man siya makasagot ay pumasok sa pintuan si Jacob making her stop and just points at him. Pero may kasama si Jacob. Our female classmate, well im not sure if shes really a girl. Her name's Mary.
YOU ARE READING
Stupid in love
Teen FictionA freshman senior high school student, Louise, find herself in a roller coaster feels when she fell in love with Jacob another freshman student. In her attempt to get close to him, she finds herself trapped in that man's friendly gaze and ends up hu...