14

10 4 0
                                    

LOUISE POV

Friday. It's already friday. Abala ang lahat dahil sa sabay sabay na requirements. Mamayang after class ay nakaschedule ang aming filming. Ang venue namin ngayon ay ang bahay ng kaklase namin.

May event rin ang mga co- directors mamaya kaya malamang ay mag-isa akong maghahandle sa eksenang gagawin. It's fine as long as Zoey's there. Para ko nang assistant si Zoey.

Sa kanya ko kasi muna sinasangguni dahil marami siyang alam sa cinematography. Inaalam ko kung appropriate at maayos ang mga eksenang gagawin at ang mga ideas ko. Magaan siyang maging katulong dahil bukod sa hindi siya nagrereklamo ay masipag pa siya.

I was about to approach Zoey para sabihing maghanda na siya sa shooting. Tapos na kasi ang klase. Lahat ng kasama sa eksenang gagawin lang ang naiwan at ang iba naman ay pinauwi ko na. Maglalakad na sana ako papunta sa kanya pero palapit na pala siya sakin.

" Ready na for shooting? "

" Uh, yun na nga Louise. Sorry ah baka kasi di muna ako makasama ngayon. Pwede ba late? May emergency meeting kasi sa club namin e at need ako doon. Sinabihan ko naman na si Jacob na sumama sayo para mag-camera " , sinsero nitong sabi.

Naiintindihan ko naman dahil maging ako ay abala rin sa ibang bagay. Ganyan ang buhay kapag student leader ka. Malelate lang naman siya so I guess its fine.


Makakaya ko naman siguro na maging propesyonal sa harap ni Jacob e. Tinawag ko na silang lahat para sabay-sabay na umalis. I was leading the way. Normally, Zoey or Mae or Julia would walk beside me but they are not here so I am walking alone. Nasa likod ko silang lahat.

Palingon lingon ako para siguruhing walang nahuhuli. I was responsible for all of them. 9 lang naman kami dito kaya I think I can handle them. Mabuti na lamang at mabilis kaming nakarating. I can sense Jacob from the back trying to keep pace with me.

Hinayaan ko silang kumatok sa bahay ng kaklase namin. We waited patiently outside until our classmate opened the door for us. He welcomed us in his house. Wala ang mga magulang niya kaya naman tahimik ang paligid.

Sinabihan ko na ang mga gaganap na magbihis na at magsisimula na kami. Gusto ko kasi itong tapusin kaagad. Ang iba ay nagsilabas sa bakuran kaya lumabas na rin ako habang inaantay silang makapagbihis. I was checking the garden and thought it'll be a great background for the scene.

Pinagpatuloy ko ang pagtingin-tingin sa paligid. Natigilan lang ako dahil muntik na ko matamaan ng bola. May court din kasi dito sa loob. I picked up the ball and turned around na sana di ko ginawa. I saw Jacob..... shirtless.


For god's sake, he's half naked infront of me. How am I suppose to react?. Ibinigay ko kaagad ang bola at ibinaling sa iba ang aking atensyon. Napansin kong hindi lang pala siya ang walang tshirt kundi ang iba pang boys. Naglalaro ang mga ito ng basketball habang naghihintay.

I felt uneasy. Hindi talaga ako makatingin ng maayos sa kanya. Hindi ko rin alam bakit ganon, nakahubad rin naman ang iba pero parang wala lang sakin. Pumasok na lamang ako sa loob ng bahay.

This b*tches.

Nakabihis na pala sila at walang ginagawa. Kanina pa kami nag-aantay na lumabas sila. Gusto ko silang sabunutan dahil nagpipicture picture lang sila. Kaya naman pinalabas ko na sila.

Stupid in loveWhere stories live. Discover now