LOUISE POV

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod sunod na alarm.

" 6:20 na! Shucks malelate na ko."

Kumilos na ko nang mabilis dahil malelate na ko. Mabilis akong natapos maligo at mag-ayos kaya naman lumabas na ko and guess what umuulan. Kaya naman pala napahimbing ang tulog ko dahil umuulan.

Wait. Wala pa bang suspension?

Medyo malakas kasi ang ulan kaya sa tingin ko ay magsususpend. Bumalik ako ng bahay at saglit na nanood ng balita. Nang nakumpirma ko na hindi suspended ang klase ay nagmadali na kong naglakad papuntang school.

Hingal na hingal akong umakyat sa 4th floor kung nasaan ang classroom namin. Kung bakit naman kasi sa 4th floor pa. Eto ang araw araw na kalbaryo ng mga estudyante.

Top 1 na miserable ang buhay : mga estudyanteng nasa 4th floor ang classroom.


Pawis na pawis akong pumasok ng classroom. Kaagad akong nanlumo dahil nagsisigawan na sila sa loob. Sinalubong naman ako ni Jacob.

" Pumasok ka pa kung kelan suspended na HAHAHAH"

Napasimangot naman ako roon. Malay ko bang isususpend ang klase kung kelan nasa school na ko. Isa talaga to sa kinaiinisan ko.

Late suspension.

Tuloy tuloy pa siya sa pang-aasar pero hinayaan ko na lang. Nag-eenjoy kasi siya. Ginatungan pa siya ng mga kaklase namin.

" HAHAAH KAWAWA"

" SIPAG "

" MALAS MO NAMAN LOUISE"

Naupo na muna ko sa upuan para magpahinga. Grabe talaga nagmadali pa ko, isususpend rin pala. Isa-isa na ngang nagsialisan ang mga kaklase kong pumasok ng maaga. Kakaunti na lang kaming natitira dito. Nagyaya na nga silang bumaba kaya sumama na rin ako.

" Ayaw ko pa umuwi e ", napalingon ako kay Jacob habang bumababa ng hagdan.

" Same "

Ayaw ko talaga kasi sa bahay. Maraming ginagawa at malamang uutusan lang ako. Imbes na umuwi ay tumayo lang ako sa harap ng guidance para sana tumambay.

" Hindi ka pa ba uuwi? " , napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. I almost had a heart attack when Jacob appeared beside me.

" Maya maya siguro. Ayaw ko pa e, tinatamad pa ko"

" Samahan mo na lang ako kung ganon "

" Saan naman? "

" May kakausapin lang na dating kaklase, sa kabilang building "

Napaisip ako saglit bago tumango. Wala rin naman akong gagawin. Though it makes me nervous just being beside him. Para kasing di ako makapagsalita lagi kapag nariyan siya sa tabi-tabi. Gotta keep it cool baka mahalata e.

He introduce me doon sa kakilala niya. Hindi nga lang ako umiimik. Occupied kasi ang utak ko. Iniisip ko siya.

Ay wow inday. Nariyan lang siya sa harap oh. Konting respeto.

Napangiti na lang ako sa iniisip ko. Natapos na sila mag-usap nung kausap niya kaya bumalik kami sa tapat ng guidance at doon naghintay.

Ha? Eh anong hihintayin?

Malakas pa rin ang ulan. Nakakalma ng isip. Ang awkward nga lang na kaming dalawa lang ang naiwang magkasama. Palagi kasi naming kasama ang mga kaibigan namin.

So this is how it feels to be with him alone. Hindi ko alam kung nararamdaman niya rin bang tense ako. Kating kati na kasi akong kausapin siya. You know to deepen his understanding about me. Get to know each other deeper.

Wow. Pumaparaan.

Who had thought that this storm will benefit me. An angel in disguise. Opportunity na to para kausapin siya. Pero bakit ganon. Sobrang kinakabahan ako. Should i talk first? Or just stay silent.

Napatingin ako sa kanya at kasalukuyan siyang nagtitipa sa cellphone niya. Ano kayang tinatype niya. I thought of peaking pero nagulat ako kasi nag-angat siya ng tingin kaya napaiwas ako kaagad.

" Alam mo ba hindi ko talaga ineexpect na magkakaroon ako kaagad ng kaibigan sa klase " , and there it was he initiated the conversation.

" Ako rin e. Mahiyain kasi ako. " na medyo makapal ang mukha hehe.

" Akala ko nga mahihirapan akong makipag-usap buti na lang kinausap ako ni Justine e transferee kasi ako. "

" Yeah ako rin. Kung hindi ako kinausap ni Mae, hindi talaga ako magsasalita. "

" Ha? Eh di ka naman transferee diba. "

" Oo hindi nga. Pero alam mo kasi ever since napunta kami dito sa Quezon City nahirapan akong makipagcommunicate. Wala akong sariling circle of friends until last year. I always feel left out upon being with groups so, i am thankful na may group ako this year. Hindi na ko magiging alone. Wow lonely yarn", lumalabas na ang pagiging madaldal ko.

" Hmm. Ganon ", napatango tango pa siya habang nakahawak sa chin niya which i find attractive. Well everything about him is attractive.

I rested my head sa railing na nasa harap ko. Sinundan niya naman ako at ginaya ang ginawa ko. As much as i think about it para kaming nasa kdrama. You know the typical raining scene sa mga telenovelas. Sakto namang umuulan ngayon and the feels and vibes are just nostalgic.

" Hindi ka pa ba uuwi? "

Ayaw ko. Gusto pa kita makasama.

As much as i want to stay pero para kasing uwing uwi na siya kaya tumango na lang ako. Sabay kaming naglakad papalabas ng gate. Hawak hawak ang sari-sarili naming payong. Napakagaan ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko nakabuo ako ng ewan ko basta parang koneksyon sa kaniya.

The feeling when he initiated the conversation is just so good. Feeling ko nga ay ang special special ko na sa kanya.
Pero di ko pa rin inaalis sa isip ko na friendly siya. I erased the meaning that i gave to those gestures of him.

Alam kong para sa kanya ay casual lang iyon. But its different for me. Para sa akin na gusto siya. Naglalaban na ang isip ko kung titigil ko na ba tong pagkagusto ko sa kanya para habang maaga pa ay hindi ako masyadong masaktan.

Ay wow inday. Kakasimula lang ng crush era mo .

Iyon kasi ang isa sa traits na ayaw ko ang masyadong friendly. Mamamatay kasi ako sa selos. Oo na selosa na. Kapag nakikipag-usap siya sa mga kaklase naming babae ay para bang pinupunit ang puso ko.

Ang dramatic ha.

Call me oa pero ganon talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami ng school. He waved at me and said "Goodbye see you on monday" when we parted ways.

I walked at the opposite direction as his. The moment i turned my back at him, i immediately feel my heart as it was beating so fast. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad. My mind fully occupied by the thought of him.

That day i reminisce those moments with him all weekend.

Stupid in loveWhere stories live. Discover now