LOUISE POV
JANUARY, 2024. Pasukan nanaman. Our holidays are over now. Malamang sa malamang ay tatambakan nanaman kami ng gagawin. And for sure papagawan nanaman kami ng essays or whatsoever na about sa aming holidays and even our new year's resolution.
Hindi ko rin inakala ang mga nangyayari. Start na kasi ng second semester. Napagdesisyunan nilang magre-elect ng officers for a change. And for some reason I was elected as the class new secretary.
Hindi lang ako, but Jacob was elected as the president. Wow perfect combo yon ah. The class president and his secretary. Well maybe it's time for me to show off leadership.
The first few days are quiet challenging. Madali naman akong nakapag-adjust sa mga bago kong responsibilidad. Buti na lang nandyan si Jacob.
Luh siya.
Pakiramdam ko bumabalik nanaman kami sa kung ano kami dati. Hindi ko na nga siya kailangan pang bakuran dahil ang alam ng lahat ay kami na kahit hindi. I was surprised na hindi niya manlang ito itinatanggi at hinahayaan niya lang.
It feels like were committed but not together. The way we act around each other are just unusual. This whole reconciliation thing with him is wholesome. Hindi ko na kailangan pang iwasan o itago ang totoo kong nararamdaman sa kanya.
Napapansin ko rin ang ilang changes sa kanya although not entirely. Medyo distant na siya sa ibang babae unless kaclose niya na talaga yon. Mas naging clingy rin siya.
Our classmates would constantly ask kung ano ba kami. Kung kami na ba. Sinasabayan nila yon ng pangagaslight na di nila ipagkakalat at ang pang-aasar nila. Hindi ko na lang iyon pinapansin kahit deep inside natutuwa ako.
I love this renewed of our relationship. Teka, ano nga ba talaga kami? Alam niyang gusto ko siya. Pero di ko alam na gusto niya ko. Halata naman yon sadyang gusto ko lang yon marinig mula sa kanya. But doesn't matter for now as long as i'm happy.
Kase sa huli pa naman yung sakit.
Agoi. Overthink much.
" Gemma, baba daw officers sa guidance, tara. " , ayan at kinarir na niya ang pagtawag sa first name ko.
Pinatawag kami ng adviser namin. Nagbigay siya ng mga instructions. Need namin na umattend ng seminar sa sti college. It's about mental health. Our adviser handed us our permit para papirmahan sa parents namin.
FEBRUARY 5, 2024. 6 am ang usapan namin at 5:45 ay nandito na ko sa meeting place namin. I messaged the officers but they're not ready yet kaya nag-intay ako. Maaga pa naman e.
Sunod sunod ang messages ni Jacob, he's actually just making sure I had breakfast before the seminar. Maya maya lang ay dumating na nga si Jacob, he's wearing a black and yellow hoodie. Nagretouch na ko bago dumating ang iba pa naming kasama.
Sumakay kami ng jeep at bumaba sa tapat ng mall. Kailangan pa kasi naming maglakad at umakyat sa footbridge. We are already walking kaya lang dahil nakasuot ako ng black heels ay nahuhuli ako sa paglalakad. It's hard to keep up lalo't crowded rin ang place.
Suddenly inabot ni Jacob ang kamay niya, attempting to hold my hand but instead I held unto his arms. I was still shocked with the sudden gesture. Naglakad na nga kami sa footbridge at nakarating na sa sti.
We are sitting in their waiting area dahil di pa nagsstart ang seminar. Jacob and our male classmate went to the comfort room. Bigla na lang akong tinanong ng mga kasama naming higher level na same school, kakilala rin kasi ito ni Jacob.
" Jowa mo pala yon be? "
Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin naman alam ang isasagot. Kaso tinignan ako ng mapang-asar na tingin nitong mga kaklase ko. Nag-aassume tuloy silang lahat na kami nga talagang dalawa. Pagkabalik nila Jacob ay saktong pinapapasok na ang mga participants ng seminar.
The room was cold. Hindi lang ako makapagcomplain. Jacob's seriously just sitting beside me. Pero dahil malakas akong manalangin ay bigla na lang iniabot sa akin ni Jacob ang hoodie niya.
The speaker of the seminar is lively. Ngunit di namin inaasahan ang kuwentong ikinuwento nito sa amin. Masyadong mabigat ang kuwento na yon na kahit ang strongest soldier ni lord ay tatablan. Nasa kalagitnaan na siya ng kuwento at halos kalahati ng mga nasa seminar ay umiiyak na.
Not me. I actually dont want to be seen crying in public . Kaya kahit sobrang sakit na e hindi talaga ako umiyak. Nakarinig ako bigla ng pagsinghot sa tabi ko. And, it was Jacob crying. It breaks my heart just seeing him in that state.
Hindi ko na siya tinitigan ng matagal dahil baka mailang siya. Inakbayan ko na lang siya at hinimas himas ang braso para mapakalma. It's normal to cry naman e.
The speaker is nice. Niyakap niya kaming lahat isa isa to comfort. Bigla kasing nalabas iyong mga natatago naming hinanakit. This is why it's a mental health seminar.
Natapos ang seminar sa isang masayang picture taking with the speaker. Nandon ang adviser namin as co-advocate of mental health sa seminar. Luckily, sti provided us food after the seminar.
Imbes na umuwi kaagad ay naisipan namin na dumaan sa school. I was sleepy kaya nakatulog ako sa jeep. I woke up and all of them are staring at me. Gosh, di ko napansin, nakahilig pala ako sa balikat ni Jacob.
Hindi naman siya nagreklamo kaya okay lang yon. Natulog pa nga ako ulit e. Tumambay kami sa guidance office. Natulog pa nga ako ulit doon. Siguro dahil napakaaga kong nagising kaya antok na antok ako.
Nang magising ay kaagad akong inayang umuwi ni Jacob. Naglakad lang kami kaya parang hinatid niya ako. I had a great time today. Kahit alam kong walang kasiguraduhan tong nangyayari sa aming dalawa, handa pa rin akong sumugal.
Hinding hindi ko na itatago ang nararamdaman ko. At sana ganon din siya. Sana marealize niya na sa sarili niya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sakin, nang sa ganon ay maging masaya na nga kaming talaga.
Sana.
YOU ARE READING
Stupid in love
Ficção AdolescenteA freshman senior high school student, Louise, find herself in a roller coaster feels when she fell in love with Jacob another freshman student. In her attempt to get close to him, she finds herself trapped in that man's friendly gaze and ends up hu...