3

10 6 0
                                    

LOUISE POV

Isang buwan na ang nakalipas nang magsimula ang klase. I've gotten more close to two of my classmates na kasama rin sa cof na nabuo within the first week.

Samahan ng mga bobo sa math.

Funny group name diba. Mas close ako sa dalawa, Mae and Julia. Para na nga kaming trio e. Kapag may group na activities kaming tatlo talaga ang magkakagrupo particularly sa genmath. Marami kasing pinapagawa ang teacher namin sa subject na to e. Sobrang sipag kasi magturo.

Kala madali subject niya. Chariz.

Nahihirapan talaga ako sa math honestly but thanks to this teacher napapadali ang pag-aaral ko ng math.

" Lou, pengeng papel", mabilis na kumuha ng piraso ng  papel galing sa pad paper ko si Mae. Bruhang babae. Hindi manlang inantay na um-oo ako.

" Ano ba naman ito, umoo na ba ko ha?!", di naman niya ko pinansin marahil ay sanay na. Napasapo na lang ako sa noo ko. Jusme unang buwan pa lang oh wala na kaagad siyang papel. Nagulat naman ako ng biglang kuhanin ni Julia ang papel ko.

" Pakopya ako Lou".

I just sigh. Ganyan yan sila lalo kapag may activity sa genmath. Hindi na nga nila tinatanong paano nakuha yung sagot e sige kopya na lang. Paano ko ba naging kaibigan tong mga to.

" Okay for your next peta. Groupings to, by three's itong peta na to ah. Monday ang  deadline so make sure na makakapagpasa kayo "

Automatiko akong napatingin sa dalawang bruhang katabi ko. Kami nanaman ang magkakagrupo. Nakangiti naman sila sa akin knowing na di sila gaanong mahihirapan dahil ako ang kagrupo nila. Well di sa pagmamayabang medyo maalam naman kasi ako at medyo madaling makapick up. That's why.

" Unfair magkakagrupo yung matatalino", pa-angil na bulong ni Jacob sa likod namin.

Aww wawi.

Napaisip naman ako. Medyo nahihirapan nga sila doon sa likod dahil lagi kaming magkakagrupo nila Mae. So i had to make a decision. Hihiwalay muna ako sa kanila para tulungan silang mga nasa likod na friends rin naman namin. I organized everything. Ako na ang nag-grupo sa amin para naman hindi sila magreklamo.

Mae, Julia and Justine ay magkakagrupo while Me, Jacob and Ate Mariel ang magkakasama. Of course, nakita ko ito as opportunity to know Jacob a lot more kaya pinilit ko talagang magkasama kami sa grupo. Well of course i made it not so obvious .

I purposely did not make a groupchat for us 3 dahil gusto ko sa dm kami mag-uusap. I started planning everything and distributed the tasks. And of course sa kanya ko sinasabi yon. Hehe. Hindi ko naman hinahayaan na maleft out si Ate Mariel kaya sinasabi ko rin yon sa kanya. Pero syempre may kasamang humor ang pakikipag-usap ko kay Jacob with the intention of getting close to him.

Dahil medyo mahaba yung time na binigay sa amin kaya i used that time wisely. For the landi ang ate niyo.

Jacob sent you a message.

I immediately smiled at the notification knowing he messaged me. Huminga ako ng malalim bago buksan ang message.

Jacob: Lou paano ba gawin
yung part ko di ko kasi
masyadong nagets. Okay lang ba paexplain?.

Sure. Saang part ka ba nahihirapan.

Jacob: Doon sa may table something.
Ano ba yung Domain and range?

Well madali lang siya actually.
If susundin natin yung trick ni
Maam Mylene.

I smiled and taught him the things he wanted to learn. Marami na kong napansin sa behavior niya. And gusto ko kung paano siya umasta. Hindi gaya ng iba, hindi siya takot na aminin na nahihirapan siya.

Well its because of the gender stereotypes.

Lagi kasing ineexpect na malakas ang mga lalaki e. Ewan ko ba pero bakit ba parang para sa karamihan ay nakakababa ng pagkalalaki ang paghingi ng tulong.

Natutuwa ako dahil matiyaga siya na pag-aralan ang mga bagay na nahihirapan siyang intindihin. Saksi ako roon dahil madalas siyang magtanong sa akin ng mga bagay bagay gaya ng paano gawin ang mga homeworks and activities. Kahit na hindi ganon kabilis magpick up ang utak niya ay matiyaga talaga siya mag-aral.

Hindi niya nga makuha na gusto ko siya.

I thought of that. Hindi niya napapansin na gusto ko siya. Hindi niya pansin yung effort ko sa kanya but that's fine. Ayaw ko pang malaman niya.

Sa ngayon.

" Lou!!!. Alam mo na ba?", kaagad na bungad sa akin ni Mae pagkapasok ko ng classroom.

" Tama na kakachismis te."

" Huy hindi, narinig ko sa Abm magpapaquiz daw si Maam Eapp. "

" Maam Eapp?"

Aba ang gaga napakabastos talaga. Hindi magandang halimbawa. Tawagin ba naman sa subject ang mga teachers.

" Oh ano naman kung magpaquiz.", naupo na ko sa upuan ko at nilapag sa sahig ang bag ko.

" Di mo ba narinig ha? May quiz sa Eapp!! " niyuyugyog pa ko ng bruha habang sinasabi yon.

Inalis ko ang kamay niya sa akin.

" Ano ba! Napaka-oa ha. Alam mo kesa gumanyan ka magreview ka na lang para may maisagot ka mamaya"

Nagpout pa siya kala mo bagay sa kaniya. Ganyan rin kaya siya sa girlfriend niya? Yes. Girlfriend. Bisexual kasi itong si Mae. Anyways, napalingon ako dahil may nag-abot ng bond paper sa akin.

And i wished di na lang ako lumingon. Si Jacob pala iyon, inaabot sakin ang printed group peta namin. Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya umiwas kaagad ako ng tingin.


Gosh. My heart beats so fast.


" Pasa na ba natin yan?" kaswal niya kong kinausap. I tried to play it cool para di mahalata na kinabahan ako sa interaction namin.

" Sige pasa mo na para wala na tayo iisipin "

" Naks iba talaga pag matalino, on time magpasa ng output" sabay tawa niya.

Napatingin lang ako sa kanya habang tumatawa siya. Cute. Hindi ko akalain na 20 years old na ang lalaking ito. Napakagwapo niya talaga. I admire him so much. Marami akong nakikitang desirable qualities sa kanya na sa tingin ko ako lang ang nakakakita.

The way he talks to me is just... different. May kasama kasing biruan ang usapan namin e. Sa tingin ko ay napasok ko na ang comfort zone niya. Nakakapagrant rin siya sa akin which is hindi gagawin nang "magkaklase" lang.

I think this is it.





Author's note:  Happy reading (⁠ ⁠╹⁠▽⁠╹⁠ ⁠)

Stupid in loveWhere stories live. Discover now