LOUISE POV
The moment I got home ay kaagad kong binuksan ang messenger ko. Kanina pa kasi ito tunog ng tunog habang ako'y pauwi.
Tsk. Mga di makapaghintay.
I opened it and there, I was added to another groupchat.
FILM DIRECTORS
Julia added you to the group.
Julia added 3 others to the group.Julia: So every weekends, we'll have to shoot the scenes that are needed to shoot outside the school.
Maybe we could spare sunday.
Fam day kasi yon.
And also church day.
So i think, we shoot only on
saturdays.Lance: Yes, yes i agree.
Final na ba yung sinabi kong plot?
Julia: Yes yun na yun.
Sige, we'll work on the script na.
Announce na kayu sa gc natin.Lance reacted ♥️ to your message.
Kinailangan naming magmadali kaya naman inannounce na nila kaagad ang mga paalala at lahat ng aming napag-usapan. I requested na si Zoey, another cameraman will assist me. Ayaw ko kasing lumapit kay Jacob.
I stayed up all night to finish the script. Luckily I finished it. Inumpisahan ko na kasi ito kanina sa school kaya naman natapos ko ito. Kaya lang alanganin na matulog. 5am na kasi. Kaya naman nagready na kong pumasok.
Maaga tuloy akong pumasok ngayon. Ako ang unang tao sa room. Nagbukas ako ng isang electric fan at itinutok sa akin. Wala pa namang tao kaya walang magrereklamo. Naisipan kong magrevise na lang muna ng mga mali sa script.
Minutes have passed and finally someone arrived. The most punctual guy, Jacob. Ewan ko ba bakit lagi tong maaga pumasok. Hindi ko na lang siya pinansin ng naupo siya sa upuan niya na nasa likod ko. I continued what I was doing.
Natapos ko ang pagrerevise sa script and was turning it into a pdf file. Sa directors gc ko muna ito sinend para makita nila. Nag-inat ako sandali dahil kanina pa ko nakayuko. I can still hear Jacob's phone, naglalaro kasi ito pampalipas ng oras.
Kahit hindi ako lumilingon ay nararamdaman ko ang galaw nito at kung anong ginagawa niya. I suddenly heard a swish sound. Kahit nagtataka ay hindi talaga ako lumingon.
I sense him and he is fanning himself. Nagtaka naman ako samantalang mayroon namang electric fan pero bakit init na init siya. And then i realized something.
Sh*t.
Nakatutok nga pala sa akin ang electric fan. Bakit kasi hindi siya nagsasalita sa likod?. Kaagad kong pinindot ang fan para umikot ito. Jusko, sa init ng panahon malamang pinagpapawisan na siya.
Napaka-aga ko kasi pumasok e. Tutal wala pa naman ang mga kaklase namin at mamaya pa ang first period, dumukdok ako sa mesa at umidlip. Wala kasing tulog e kaya drained ang utak.
Bangag.
Nagising na lamang ako sa pagtapik ni Mae. Malapit na kasing magfirst period kaya ginising niya na ko. I was confused and looked around. Andito na pala sila? Bakit di ko manlang narinig? As a light sleeper, I find this very amusing. Unless tahimik sila the whole time.
YOU ARE READING
Stupid in love
Teen FictionA freshman senior high school student, Louise, find herself in a roller coaster feels when she fell in love with Jacob another freshman student. In her attempt to get close to him, she finds herself trapped in that man's friendly gaze and ends up hu...