𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

0 0 0
                                    

𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

From: ugly fiancee
Kailangan natin mag-usap.
3:59pm

Kahit kailan talaga napaka walang kwenta nang text niya, hindi man lang sinabi kung saan kami magkikita.

Naibaling ang paningin sa pares ng sapatos na nasa harapan ko. Unti-unting umangat ang paningin dito, hanggang sa magtagpo ang paningin namin. Nabitawan ko ang phone na hawak-hawak ko.

Am I hallucinating?

Or

Not?

Ano ba itong nakikita ko! Baka nagkakamali lang ako. Baka kapag umasa akong siya ito...ay masaktan na naman ako. Imposibleng nandito siya! last time I saw her that was 4 years ago, maglilimang taon na nga e.

I close my eyes and forget what I just saw.

Nasanay lang siguro ako nang husto sa kanya, kaya heto nakikita ko na naman ang mukha niya.

Unti-unting kong binuksan ang mga mata pero masyado na yatang malinaw ang paningin ko para makita pa siya sa harapan at walang nagbago.

Is she really here....standing in front of me?

“How are you?” A question that made me tear up.

I step closer and hug her tight. I miss her.

“Hahayaan kitang gawin ang mga bagay na gusto mong gawin sakin ngayon pero pagkatapos nito ay pagbigyan mo ako sa mga gusto ko.” she whispered.

Humiwalay ako sa pagkakayakap. “You came back.” masaya at hindi makapaniwalang tugon ko.

“But sadly I am not coming back in your life.”

“What do you mean?”

“You know what I mean.”

Humakbang ito papalayo, bagay na ikinabahala ko.

“Pumunta lang ako dito para makipagkita sa sister ko at ipakiusapan narin na kalimutan mo na ako!”

“Bakit ba sa lahat nang bagay na pwede mong ipakiusap e iyong pinaka mahirap pang gawin!”

“Give up on me, and move on.”

“I can't, how can I move on when I'm still holding you-”

“Bumitaw na’ko,” sigaw niya na ikinatahimik ko, “kung may Isang bagay ka man na pinanghahawakan ngayon....iyon ay ang mga ala-ala nalang natin noon. Nagmamakaawa ako, kalimutan mo na ako...kasi kahit ano pang pilit mong gawin...wala ka nang aasahan sa akin. Hindi nako babalik sayo!”

Tumalikod siya at sinimulang maglakad, sumakay sa sasakyan at pinatakbo iyon ng mabilis. Hanggang sa makita nalang ang sariling hinahabol ang sasakyang iyon.

Ayokong tapusin ang nasimulan natin kaya hanggang ngayon sinusubukan ko parin ibalik ang dating atin. Ayokong mag- move on kasi gusto kong manatili kalang dito! Hindi ko sinubukan, kasi kapag sinubukan ko, baka tuluyan na kitang makalimutan. Ayoko nang ganon. Ayokong kalimutan ka nalang ng basta. Ayokong kalimutan ang babaeng nagparanas sa akin kung gaano ako kahalaga.

Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nanatili ako sa pagiging high school, kasi hinihintay ko ang pagbabalik mo! Lahat ng ala-ala natin ay nandito at hanggang ngayon pinanghahawakan ko, pero mukhang hindi na ito mahalaga sayo.....

Bumalik ka nga dito... pero hindi kana nanatili dito sa tabi ko.

“Van...p-please come b-back.”

“Van....bumalik kalang m-magiging o-okay ang lahat.”

Gusto kong bumalik ka! Kahit napaka imposible na..

Napahinto ako sa pagtakbo at naupo sa kalsada bumuhos ang likido na nangagaling sa mata ko, kasabay niyo’n ang pagbuhos ng ulan.

Mukhang hindi parin umaayon sa atin ang pagkakataon. Imposible na bang mapasakin ka muli. Ano ‘yon tatanggapin ko nalang na hindi ka na talaga para sakin? Ang hirap naman yatang tanggapin no’n!

Naiangat ang paningin nang may tumapat na payong sakin. “Mahal mo parin pala siya.” saad ng malamig na boses.

“W-what are you d-doing here! I don’t need you here. Umalis kana! Hindi ko kailangan ng Isang taong hindi nakakaramdam ng emosyon. At hindi alam ang sakit na pinagdadaanan ko!”

“Siguro tama ka! baka nga hindi ko alam ang sakit na pinagdadaanan mo! Ano bang alam ko sa sakit na pinagdadaanan mo? E hindi ka naman nagkukwento.”

“Umalis kana. Umalis ka na rin sa buhay ko! Ayoko nang maging fiancee ka!”

“Sigurado ka na ba dyan sa gusto mo? Kasi kapag sinimulan ko nang maglakad papalayo sayo, hindi mo na ako makikita kahit kailan. Ako kasi iyong tipo ng tao na hindi na bumabalik kapag binitawan na....”

“Get out of my life.”

“Hindi mo ako kailangan ipagtabuyan...aalis ako..” sapilitan nitong kinuha ang kamay ko upang ilagay doon ang payong na hawak niya. Umakbang ito paatras at tinalikuran ako. “I don't have any reason  to live....pero nung nakita at nakilala kita....naisip ko na, kahit pa paano pala may silbi ang buhay ko, na gusto ko pang lumaban kahit gaano pa kagustuhing bawiin ng ibang tao ang buhay na meron ako..... I’m leaving, please..don’t catch a cold. Dahil sa oras na magkasakit ka! Wala ako upang manatili sa tabi mo...”

–mezsyi❤️

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐈𝐄𝐂𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon