CHAPTER 12

0 0 0
                                    

CHAPTER 12

ELLIE'S POV

Bahala nga kayo sa buhay niyo. Andami niyong sinabi pero ni isa wala namang tumama.

Kinuha ko sa sampayan ang mga damit na nilaba ko nang makita kong natuyo na, itinupi ko ‘yon at inilagay sa paper bag, kung saan nakalagay kanina. Pagkatapos ng trabaho ko, isasauli ko ito sa kanya.

Ayokong gamitin si Draon pero mukhang magagamit ko siya ngayon, wala e...hindi ko nahiram iyong susi ni Tandang Greg.

Sinindihan ko ang makina ng motor ko.

“Ellie!” tawag sakin ni Nanay, at ibinigay ang paperbag. “Kung pupunta ka sa bahay ng fiance mo? Pakibigay ito sa kanya.” anong nakain nito at bakit napakagenerous naman yata? O pinapabango lang talaga ang pangalan niya sa mga Monteverde!

“Sige,” sagot ko, at kinuha ang paper bag. Hindi ko na binuksan pa, malamang pagkain lang naman ang laman nito.

Minaneho ko ang motor papuntang cafe. Pagpasok palang ay bumungad na sa akin ang mukha ni Fey.

“Langya, ngayon kalang? Nauna pa akong dumating sayo dito ah?”

“Marami akong inasikaso.”

“Tulad ng ano?”

Seryoso akong tumingin sa kanya. “Tulad ng pakikipag-usap mo sa akin ngayon, at kapag nagtuloy-tuloy pa ang pakikipag-usap mo sakin...wala tayong matatapos na trabaho, at ang lagay ay parehas tayong pagagalitan ng may-ari nang café na ‘to, dahil walang benta!” wala itong nasabi sa mahabang sinabi ko. “bumalik ka na nga do'n, barista! Server lang ako dito...hindi ba? Higit na kailangan ka ng mga taong umuorder do'n sa counter.”

Ngumuso siya. “Ewan ko sayo, dami mong alam!”

“Ellie! Pumasok ka sandali dito sa loob.” bumuntong hininga ako at sinundan si Ate Kai. Pagpasok ko, may inilapag itong sobre sa mesa.

“‘yan iyong ipinakiusap mo kay Yara, binigay niya sa akin kasi hindi ka niya ma-contact at mas lalong hindi ka niya matrace.”

“Hm, thank you.”

“Sige, bumalik kana do'n.” tinanguan ko siya at lumabas na.

“Ellie! Serve mo ito sa table 2.”

Ibinulsa ko ang sobre, at nagsuot ng apron. “Here's your coffee, Ma'am.” saad ko do'n sa magandang babae. Pagkatapos ko siyang tignan ay humarap naman ako dito sa kasama niya. “Sir-” nakita ko ito kung paano magulat, hindi ko inaasahang makikita ko siya dito! Sa tagal ko nang nagtatrabaho dito...ngayon ko lang siya nakitang pumunta dito. “Excuse me.”

Tumayo ako sa tabi ni Fey nang wala na akong sineserve.

“Ang sweet nila no?” kinikilig na sabi niya. “alam mo bang lagi silang pumupunta dito, pagkatapos ng klase nila.” ah, talaga? Bakit ngayon ko lang sila nakita? “at balita ko...magjowa daw ang dalawang ‘yan.” halata naman, kahit hindi nila sabihin o sabihin sakin ni Fey. “Sikat na volleyball player ang babae, wing spiker daw e, bukod sa pagiging volleyball player, famous din daw ‘yan sa campus, tinitilian nang nakakarami ang loveteam nila.” ngumiwi siya. “bukod sa pagiging volleyball player at famous....wala na akong alam tungkol sa kanya, hindi naman kasi ako ganoon ka interesado sa kanya no!”

Umiling ako. Sa dami nang sinabi niya tungkol sa babae ay hindi pa siya interesado sa lagay na ‘yon? Nakakatakot naman siya kapag naging interesado sa tao.

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐈𝐄𝐂𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon