CHAPTER FIVE

0 0 0
                                    

CHAPTER FIVE

BRITNEY’S POV

“O ikaw? May tyansa bang magkagusto ka sa kanya?” nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya pero bigla din itong nawala.

“Wala.” sagot niya at tinalikuran ako.

Ang sabihin mo wala kang balak magustuhan ang fiance mo! Dahil hanggang ngayon ay na nanatili ka pa rin sa nakaraan mo...tulad ka rin nang fiance mo!

“Kung wala kang balak magkagusto sa kanya? E bakit pumasok-pasok kapa diyan!”

“Ayoko lang madismaya sila.”

Ayaw niyang idismaya sila pero sarili naman niya ang pahihirapan niya. Okay lang sa kanya ang hindi maging masaya, basta para lang sa kasiyahan ng iba ay okay lang sa kanya.

“Sabagay ganyan ka naman...kaya mong isakripisyo lahat para sa mga taong nakapaligid sayo!” pagkasabi ko niya'n ay nagtuloy-tuloy ako sa pagdribble.

“This is my things that you cannot understand! I always love to protect  what I care the most.”

Natigil ako sa pagd-dribble at nang tignan ko ito ay malayo na ang tingin niya.

You always love to protect what you care the most even if will destroy you! Really?

Sa pagpagp-protekta niya sa mga mahal niya e sarili naman niya ang napapabayaan niya! Kung ganyan na ganyan din ang nangyayari! Just stop protecting them! Stop sacrificing yourself! Just focus on yourself dahil napapabayaan mo na ang sarili mo.

What is love, anyway? Kung hindi naman ito nag-eexist sa isang tulad niya! Lalo na wala naman siyang natatanggap na pagmamahal sa mga taong pinuprotektahan niya!

Sa hindi kalayuan may naaninagan akong mga batang tumatakbo papunta sa gawi namin.

“Ate Ney...” hingal na hingal na tawag nung isa.

“Oh bakit?”

“I-iyong ta-tambayan.” habol ang hiningang sabi niya habang nakahawak ang Isa niyang kamay sa tuhod at ang Isa naman niyang kamay ay nakaturo kung saan.

“Oh? Napano iyong tambayan?”

“Nilusob!”

Nilusob? Grabe naman iyong nilusob! Hindi ba pwede iyong may nanggulo lang?

“Nilusob! Paano nilusob?”

“Basta ayon may pumunta sa tambayan, nakipagpustahan! Tapos hindi man lang nagbayad nung natalo.”

Siraulo iyong mga iyon ah?

“Magkano ba ‘yong natalo nila? Magkano ang dapat nilang bayaran sa inyo?”

“550, kasama na iyong mesa do’n, ate...” 550? Sayang din ‘yon.

“Sige na, mauna na kayo do’n at tatawagin ko lang ang Ate Ellie niyo.” at nagtakbuhan naman sila pabalik.

“Psssst.” tawag ko kay Ellie. Binalingan naman ako nito. “Tara! May kailangan kang takutin do’n.”

Tumayo siya. “Saan ba?”

“Sa tambayan.” formal na sabi ko, hindi na ito sumagot pa basta naglakad nalang kami papuntang tambayan.

Hindi pa man kami nakakadating ay may naririnig na kaming boses na parang nagwawala at naghahamon ng suntukan.

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐈𝐄𝐂𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon