CHAPTER FOUR

0 0 0
                                    

CHAPTER FOUR

ELLIE'S POV

“Hoy! Gising, hoy Ellie ano ba! Gising sabi e.”

“Ano bang problema mo ah, Ney?”

“Gising na...tanghali na oh.” at hinila-hila nito ang kumot na nakabalot sa katawan ko. “ano ba Ellie...sabi ng bumangon kana diyan e...”

“10 minutes.” sagot ko.

E anong magagawa niya e inaantok pa nga kasi talaga ako!

“Anong 10 minutes ka diyan!” huminto ito sa paghila ng kumot . “Ellie naman e...bumangon ka na diyan at nang makapag-almusal na tayo.” minulat ko ang mga mata at tumingin sa direksyon niya. Napapadyak ito sa sahig habang nakacross ang mga kamay niya. “Nakakainis ka naman e,” lumapit ito sakin at hinila ang dalawang kamay ko, pero heto ako nagpabigat dahilan para bitawan niya ako at bumagsak ulit ako sa kama. “Nakakainis ka talaga!” ngumuso ito. “Ellie naman e...bahala ka diyan! Ikaw din mayayari kay armalite niya’n.” nauubusang pasensyang saad niya.

Ngumisi ako. Ako ba talaga o siya?

“Anong nginisi-ngisi mo diyan ah? Mayayari ka talaga kay armalite niya’n tignan mo!”

Sumulyap ako sa likuran niya at unti-unting tinanggal ang pagkakangiti.

“Sinong armalite ang tinutukoy mo?”

“Iyong Mama namin! Alam mo kasi kapag nagbunganga iyon ay walang hinto, dire-diretso talaga.” ngiting kwento niya, pero bigla rin nawala ang ngiti ng marealize kung sino ang kausap niya. “Waaaaaaaaa.” malakas na sigaw niya, dahil nakatanggap ito ng kurot sa tinatawag niyang armalite. Tumakbo ito papunta sakin. “Ma. Sorry na...” pagmamakaawa niya.

Kung mags-sorry ka! Lapitan mo hindi iyong ako ang lalapitan mo at itatago ang sarili sakin!

“Armalite pala ah? Kung ayaw mong nabubungangaan! Pwes lumayas ka sa pamamahay na ‘to!”

“Ma naman nagbibiro lang e.” nakangusong sabi niya.

“Sige na bumangon kana diyan, Ellie nang makapag-almusal na tayong lahat.” tumalikod ito. Sinenyasan ko naman itong katabi ko na sumunod kay mama ng makapagsorry.

Nakita ko naman kung paano niya ito yakapin. “Sorry na Ma. Alam mo naman na kahit armalite ka! Ikaw parin naman ang paborito kong mama no.”

“Oo na! Teka, naligo ka na ba?” inamoy-amoy pa niya si Ney.

“Oo naman no! Ano mabango ba?”

“Pwede na.”

“Ma naman e,” ngumiti ako, nakakatuwang makita silang ganito.

Kahit pa paano ay maswerte pa rin ako kasi siya ang tumatayong guardian ko.

Naalis ang pagkakangiti ko ng sumulyap ito sakin. “Oh, mag-ayos kana at nang makapag-almusal na tayo.” pero tango lang ang naisagot ko.

Mabilis akong naligo at nag-ayos, pagkababa ko nadatnam ko na silang nakaupo sa hapagkainan habang nagkukwentuhan.

“Oh? Ano pang hinihintay mo diyan, anak? Alina’t kumain.” isinenyas ang upuang nasa tabi niya, wala naman akong nagawa kundi umupo nalang do’n.

“Sino ba ‘yong kausap mo kagabi at napuyat ka ng ganyan ah?” biglang tanong sakin ni Ney.

“Wala lang ‘yon.”

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐈𝐄𝐂𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon