CHAPTER SEVEN

0 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN

ELLIE’S POV

Grabeng bwenamanu ‘yun ah? Ano bang problema ng mga batang ‘yon? Bakit kailangan pa nilang mambully! E pwede namang idaan sa mabuting usapan, hindi iyong kailangan pa nilang manakit. Psh, nadumihan tuloy ako!

Pinagpagan ko ang damit pero kahit anong pagpagpag ang gawin ko mukhang hindi na maalis ang duming dumikit sa damit ko.

Nang may madaanan akong gripo ay pumunta ako do’n at hinugasan ang nadumihang parte ng katawan ko, kasunod no’n, tinanggal ko na rin ang nadumihang benda sa kamay ko.

“Tsk, ano naman ang ipapalit ko dito?” tanong sa sarili, kahit na alam ko namang ako rin ang sasagot sa sarili. Hinugasan ang kamay kong may hiwa pero napapikit sa sobrang hapding dulot niyo’n.

Pagmulat ko, bumungad sa akin ang bulto nang tao. Napakaganda ng ngiti nito. Iniabot nito ang benda at bimpo, pero tinignan ko lamang ang mga ‘yon, kaya wala na siyang nagawa kundi ilapag nalang sa lababo. Kinuha ko ang benda.

Binigay naman niya sa akin, diba?

“Need help?”

“Hindi na, kaya ko naman.” kinagat ang kabilang dulo at sinimulang iikot iyon sa kamay ko at nung matapos...tumingin ako sa kanya. “Salamat.”

Nakamot nito ang ulo, parang may nakalimutang ibigay. “Diba dapat nilagyan mo muna ng bettadine?” nilabas nito ang bettadine.

Nginiwian ko siya. Kung kailan tapos na doon niya lang inilabas. “Okay na ‘to, papalitan ko din naman mamaya! Salamat ulit.” tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad papuntang likod ng building.

Dito nako dadaan para wala ng magtatangkang mambully sakin.

Pero ganoon nalang ang gulat ko ng may bigla nalang may humila sakin, sunod ko na lamang naramdamang nakasandal nako sa pader. Kinukulong nako ng dalawang kamay niya. Naiangat ang ulo upang tignan kung sinong siraulong may lakas ng loob gawin ang bagay na ito.

Napahawak ako sa sintido ng makita ang mukha niya. Ano naman ang gusto niya ngayon? Uulitin niya ba ulit iyong ginawa niya kanina! Kung ganon...okay pa naman ako! Hindi pa naman ako nagpapalit. Kaya ko pang tumanggap ng galos o kaya naman masasakit na salita! Kahit ano pa ‘yan...tatanggapin ko! Kung iyon ang makakapagpanatag ng loob niya.

Nanatili akong tahimik at nakatitig lang sa kanya. Ngayon ko masasabing natitigan ko na siya ng husto, at masasabi kong gwapo naman talaga siya. Wala naman talaga akong balak titigan siya! Kung hindi naman niya ako ikinulong dito! Hindi na rin ako magtataka kung bakit andaming babaeng nahuhumaling sa kanya.

Panandalian kong iniwas ang paningin nang maramdamang may matang nakatingin sa amin. Hindi ko ito tinignan! Nakabaling lang sa ibang direksyon ang paningin ko upang hindi niya mahalatang nakikita ko siya.

Naibalik ang paningin sa lalaking nasa harapan ko nang maramdamang hinahaplos na nito ang buhok ko. Nakita kung paano niya pinisil ang pisngi ko.

Anong trip nito?

Pinigilan ang sariling maikuyom ang kamay, dahil sa oras na maikuyom iyon ay hindi ako madadalawang isip na suntukin siya. Inilapit nito ang labi sa bandang leeg ko. Hindi ko maiwasang mapalunok! Amoy pawis at carbonara ako! Nagsitayuan ang balahibo ko ng maramdamang dumampi ang labi niya sa leeg ko. Mas pinigilan ko ang sariling walang magawang masama sa kanya, dahil baka masira ang mukha niya.

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐈𝐄𝐂𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon