CHAPTER TWO

0 0 0
                                    

CHAPTER TWO

ELLIE'S POV

Nagulat ako ng hawakan niya ang Isa sa kamay ko, at hinila papalabas ng salang iyon, kaya naman wala nakong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Ngunit bigla din itong huminto, dahilan upang mapahinto rin ako.

Bumuntong hininga ito. “I don’t have any choice.” halos pabulong na sabi niya. “Wala akong magawa kundi sumunod nalang ng sumunod sa mga inuutos niyo..kahit na labag sa kalooban ko.” ramdam ko ang lungkot sa pagbitaw niya ng linya. “At hindi niyo rin kailangan ipamukha sa akin na pabalik-balik ako ng high school dahil aware ako doon. At tungkol naman sa sex na sinasabi niyo! Wag kayong mag-alala...hindi pa ako umabot do’n! Wala akong planong gawin ‘yan sa babaeng alam kong magiging panandalian lang sa buhay ko!”

Huwag kang mag-alala hindi lang naman ikaw ang nakakaramdam ng lungkot, hindi lang ikaw ang nasasaktan ng todo, maraming ibang tao diyan na mas mahirap pa ang pinagdadaanan kesa sayo, kaya wag mong isipin na ikaw lang ang nasasaktan. Hindi ko naman sinasabing wala kang karapatang masaktan...syempre lahat naman ng tao ay may karapatang masaktan–nakakaramdam ng sakit. Iba't-ibang klase nga lang ng sakit.

Pain? Kapag nasanay ka na diyan...nakakamanhid narin.

“Get in.” mahinang sabi niya, nang buksan ang pintuan ng sasakyan, mabilis naman akong pumasok habang siya ay pumasok na rin sa driver seat. Inayos nito ang seatbelt at kunot no'ng tumingin sakin. “Tsh, magseatbelt ka!” akma ko na itong kukunin ng bigla ko nalang nakita ang kamay niyang dinampot ito at inayos.

“Oxygen...” mahinang naisambit ko.

Napatingin ito sakin. “Huh?” takang tanong niya, pero kaagad ding iniwas ang paningin sakin.

“Wala.” sagot ko.

Kahit na Ang totoo ay mawawala nako ng hininga doon sa ginawa niya, masyado siyang malapit at masyado rin siyang mabango, kumpara sa Isang tulad kong pawisan at hindi kaaya-aya ang amoy–ramdam ko ang kaibahan ng pabango niya sa pabangong gamit ko.

Sinindihan nito ang makina at dahan-dahang inilabas ang sasakyan, hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng garage nila. Mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan, hanggang matanaw ko na ang gate ng subdivision nila, pero bigla nalang niyang hininto ito. Ngumisi ito at yumuko, may kinuha sa bulsa ng pantalon niya, dahilan para mapatitig ako do'n. Nang makita kung anong nilabas niya ay napaiwas ako ng tingin at tumingin sa labas. Halos walang mga bahay na nakatayo sa bandang parteng kanan...madalang din ang mga taong dumadaan.

Bakit niya ba hininto ang sasakyan niya dito? Ano ang pinaplano niya?

Hindi man ako nakatingin sa kanya ng diretso pero nakikita ko siya sa gilid ng mata ko na titig na titig siya sa akin.

Bawat galaw niya ay ramdam ko. Isinandal nito ang likod sa upuan nang hindi parin inaalis ang pagkakatitig sakin.

Ano bang tinitingin-tingin ng lalaking ito? May dumi ba ako sa mukha o sadyang may sapak lang talaga siya!

“Huwag mo nga akong titigan!”

“Tch,” Singhal niya at hinithit ang sigarilyong kinuha sa bulsa kanina. “Bakit masama bang titigan ka?”

“Masama.” tipid na sagot ko. Alam kong nakatitig parin siya, dahil ramdam ko iyon. “wag mo kong titigan sabi e.”

“Tsh, bakit ba kasi?”

Tsk, sinabi ng masama e.

“Wag mo akong tinititigan! Dahil kapag sinuklian ko na ang titig na yan e baka mamatay-matay kana sa kilig diyan.”

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐈𝐄𝐂𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon