CHAPTER TEN

0 0 0
                                    

CHAPTER TEN

ELLIE’S POV

"Ellie..." malakas na tili ni Britney nang makapasok siya sa kwarto ko. Hindi na ba ako tatantanan neto? Kanina pa ito maingay. "Alam mo bang napanuod ko iyong interview ni Theo ngayon lang." tuwang-tuwang sabi niya.

"Oh, tapos?" walang kaganang-ganang sabi ko. Kapag kasi ipinakita ko sa kanyang interesado ako... paniguradong hindi na naman siya titigil sa kakasalita niya.

"Psh, hindi ka naman interesado sa sasabihin ko."

"Hindi ba pwedeng ayaw na muna kitang marinig na nagsasalita? Sa totoo lang para kang nakamegaphone lagi, lalo na tuwing kinakausap mo ako ng harap-harapan!"

Ngumuso siya at inismiran ako. "Meanie."

"Kung gusto mo ng kausap, puntahan mo si Chad sa kwarto niya nang makita mo ang mga skeleton sa kwarto niya."

"Gusto ko siyang makausap pero ayoko din naman." Umiling siya. "Mamaya nalang no! Hihintayin ko nalang siyang lumabas." Tsk, ano bang kinakatakutan ng babaeng ito do'n? E hindi naman totoong mga skeleton ang mga nandon. Mga kahoy lang na pinahugis na bungo at pininturahan ng puti ang mga iyon! Tsk, napakahina niya. "Saan ang punta mo?" tanong niya ng makitang sinusuot ko ang jacket ko.

"Mag-jojogging."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Nang katanghalian tapat? My god, Ellie! Mag-aalas dose palang oh, teka-" lumapit ito sakin at sinimulang kapain ng leeg at noo ko. "Baka nilalagnat ka o kaya naman nagdidiliryo ka!" hinayaan ko siya sa ginagawa niya. "Teka, hindi ka naman nilalagnat ah?"

"Wala naman talaga akong lagnat."

Ngumiwi siya. "Ewan ko sayo! Ang weird mo. Maiwan na nga kita diyan." tulad ng sabi niya ay iniwan na niya ako at hindi na muling bumalik pa.

Kinuha ko ang papel na nasa study table at pinakatitigan ito. Bumuntong hininga nang sandaling makita ang nakasulat doon. Nang magsawa ako sa kakabasa niyo’n ay ibinalik ko na rin sa pagkakatupi at ipinasok sa drawer. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis sa nabasa ko e. Sa dinami-rami ng pwede niyang utusan ay bakit ako pa!

"Damn it!"

"Okay lang ba sayo iyon?" napaayos ako ng tayo nang bigla kong marinig ang tanong na iyon.

Sa susunod maglolock na talaga ako ng pinto para hindi na sila basta-bastang nakakapasok ng kwarto ko.

"Ang alin?"

"Having a fiance."

"Oo naman."

Nagulat siya sa sinabi ko. "Hindi okay sayo 'yon, Ellie! May rason ba kung bakit ka pumayag sa fixed marriage na 'yan?"

"Kahit naman may rason ako. I don't think kailangan mo pang malaman iyon!"

"Haha." tawa niya pero may halong pagkasarkastiko. "Haha wow ah."

Hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Ayoko lang talagang nagsasabe.

"Ah, oo nga pala! Hindi pala namin pwedeng pakialaman ang mga desisyon mo sa buhay at ang mga ginagawa mong hindi namin maintindihan, sorry ah! Nakakapagod ka na kasing intindihin!" naikuyom ko ang mga kamay ko. Kung hindi ganon ang isinagot ko, malamang hindi magiging ganito ang pagsagot niya sa akin. "Mali siguro talagang maging concern sayo, ano? Maling mag-alala sa isang tulad mo!" sigaw niya. "Gusto ko lang itanong sayo ito, Ellie! Are you even a human? May nararamdaman o pakiramdam ka pa ba?"

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐈𝐄𝐂𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon