CHAPTER 14

0 0 0
                                    


CHAPTER 14

BRITNEY’S POV

“Tingin ko kasalanan ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi!”

“Kasalanan?”

“Pumasok kasi ako kahapon sa kwarto niya! Tinanong ko kung okay lang sa kanya ang magkafiance.”

“Oh, tapos?”

“Eh hindi ko masyadong nagustuhan ang isinagot niya sa akin, kaya ayon inaway ko siya.”

My god! Ano bang iniisip niya? Bakit niya ginawa iyon?

“Malamang hindi okay sa kanya ang magkafiance, Chad! Sino ba naman ang may gusto no’n! Diba sabi ko naman sayo ako nalang ang magkukwento, pero bakit naman hindi mo na ako nagawang hintayin sa pagkwento! Edi sana nagka-ideya ka man lang bago mo siya pinuntahan sa kwarto.” huminto ako sa paglalakad, at tumingin sa kanya ng diretso. “Masyado ng maraming iniisip si Ellie, Chad! Wag mo na sanang dinagdagan pa nang kung anomang sinabi mong ‘yan sa kanya! Ellie is having a hard time! Halos hindi na nga nakakatulog ng mahimbing ‘yon sa dami ng iniisip e, tapos malalaman ko pa sayo na nag-away kayo!”

“Edi sana nagkukwento siya para kahit pa paano ay nababawasan ang iniisip niya.” sigaw niya.

“Kilala mo si Ellie! Hindi siya iyong tipong nagkukwento ng mga inaing niya sa buhay! Mas gusto no'n sinusolo ang problema! Mag-isang niyang hinaharap ang problema, dahil iyon ang nag-iisang solusyon niya! Kung umasta ka parang hindi mo naman alam iyon, Chad! You know what I'm worried the most? Kapag hindi na siya bumalik sa atin! Dapat inintindi mo nalang kung bakit ganon siya at kung bakit ka niya ganoon sagutin! Sana inintindi mo nalang na ayaw niyang problemahin mo ang problema niya.”

“I’m sorry...”

“Forget it, Chad!” tinalikuran ko siya at tinungo ang kusina para maghugas ng plato.

Since grade school! I hate Ellie! Bata palang kami halos magkalaban na kami, lalo na sa basketball. Laging natatalo ang school namin pagdating sa larangan ng basketball, parating pumapangalawa noong dumating siya sa kalaban naming basketball team.

Nagsawa ako sa parating pangalawa, kaya nagdesisyon akong lumipat ng eskwelahan nung High school, at ang napili kong eskwelahan no'n ay ang YUME ACADEMY nung malaman kong naghahanap sila ng bagong magiging miyembro ng basketball team ay nakipila ako sa mga nagt-try-out. Ang nasa isip ko lang no'n ay ang talunin si Ellie sa basketball, pero lahat ng iyon ay nanatili nalang sa isip ko! Kasi nung sandaling isisigaw ko sa Gymnasium na gusto ko siyang talunin ay nakita ko namang isa siya sa mga nagt-try-out.

FLASHBACKS

Nang matapos ang laro namin sa EAST INTERNATIONAL SCHOOL ay pinuntahan ko ang isang batang halos kasing edad ko lang. Nakaupo siya sa bleacher at ni isa walang kinakausap sa mga kasamahan niya.

Tinanggal ko ang twalyang tumatakip sa ulo niya para mapansin niya ako. Umangat ang ulo nito at tinignan ako.

“Hoy, ikaw! Sinisigurado ko sayong tatalunin kita pagdating ng High school!”

“Hm, hihintayin ko ang araw na ‘yan.”

“Talagang tatalunin kita! Tignan m– ouch!” malakas na daing ko nang makatanggap ako ng isang malakas at pamilyar na sapok.

“Kahit kailan talaga, Britney! Hindi ka na tumigil sa kakaamok mo sa kanya!” humarap ito sa batang kausap ko. “pasensya na...” paghingi niya ng tawad kay Ellie at hinila na niya ako kung nasaan ang buong team.

“Captain naman.”

“Pang-limang beses mo ng sinabi iyon sa kanya, Britney! Hindi kapa ba nagsasawa?”

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐈𝐄𝐂𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon