CHAPTER THREE

0 0 0
                                    

CHAPTER THREE

GRAY'S POV

Wala na akong nagawa kundi pagmasdan na lamang siyang maglakad papalayo. Ibang klaseng babae...hindi man lang nag-aksaya nang minutong tapunan ako ng tingin! Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at nagpara ng jeep.

Napailing nalang ako ng tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Hindi ko alam kung anong klaseng babae ka! Wala akong kaalam-alam sayo? Maliban sa pangalan mo! Wala akong pakialam kung mahirap ka! Ang important lang ay manatili ka sa tabi ko...kahit na napakahirap gawin no’n.

Muli kong minaneho ang sasakyan papunta sa bahay ng Isa sa mga kaibigan ko.

“Beep, beep.” bumusina ako para malaman niyang dumating ang pinaka gwapo niyang kaibigan.

Lumabas ng sasakyan at nilock ito, sunod ko naman pinindot ang doorbell. Ilang segundo pa ang lumipas nang tuluyan na akong mainip.

“Dammit, open this fucking gate.” sigaw ko, pero mukhang wala yatang talagang may balak na bumukas nito. Kaya naman marahan kong inabot ang lock at binuksan iyon.

Nang makapasok ako ay muli ko itong isinara at pa cool na naglakad papunta sa pinto. Tinaas ang kamay at sunod-sunod na kumatok habang nakatingin sa gilid ko.

“Nyemas naman dude!” napatingin ako sa harapan ko, sobrang sama nang tingin nito sakin, naibaba ko tuloy ang kamay.

“Pagkamalan ba daw akong pinto!”

“Sorry...Akala ko talaga pinto ka e.”

“Peste! Mukha ba akong pinto ah?”

“Hindi naman, look like lang naman.” dahilan para mas lalo niya pa akong samaan ng tingin.

“Sige mang-insulto kalang nyemas.”

“Hindi naman magkamukhang-kamuha, magkakulay lang naman at mas makinis ka parin naman dude....”

“Gago! Pumasok ka na nga..”

“Okay.”

“Hoy, dumaretso kana nang kwarto ko ah, kuha lang akong beer.”

“Ge.”

Pumasok ako nang kwarto niya at dumaretso ng balcony, napahawak sa railings at nilanghap ang sariwang hangin, napapikit sa inis ng maalala ko na naman ang ginawa nila. Pwede naman nila akong pangaralan sa mga pagkakamali ko! Pero iyong ganoong ginawa nila ang hirap tanggapin.

Hindi ko lubos maisip na makakagawa sila ng isang desisyong labag sa kalooban ko! Isang desisyon na hindi ko magugustuhan kahit kailan.

“Ang lalim ng iniisip natin ah? May problema na naman no?” napamulat ako sa nagsalitang iyon.

“Nagmukha akong tanga sa ginawa nila!”

“Ano bang nangyari?” tanong niya at inalok sa akin ang Isang beer.

“I’m engaged.”

“Congrats hahaha.” pabiro nitong sabi, kaya naman nangunot ang noo ko.

“I’m engaged, Dio. I am fucking engaged!”

Nalulun nito ang iniinom na beer. “Seryoso?” nagugulat na tanong niya. Akala niya siguro ay nagbibiro lang ako. “Hindi nga?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Wag mo kong niloloko Gray!” Imbes na sagutin siya ay nginiwian ko nalang siya. “Seryoso talaga?”

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐈𝐄𝐂𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon