CHAPTER NINE

0 0 0
                                    

CHAPTER NINE

BRITNEY'S POV

"Britney! Britney! Britney! Britney!"

Hiyawan ng mga estudyante ang nagbibigay ng lakas sakin ngayon, Apat na taon na rin ang lumipas simula ng hindi ako makarinig nang ganitong ingay. Ang sarap pa rin pala sa pakiramdam ng may sumusuporta pa rin sa kabila ng pagkawala ko.

I miss this crowd maingay man pero ansarap sa pakiramdam.

Muli kong tinanaw ang kinaroroonan nang dalawa. Hindi man sila ganoon kagaling magsalita pero ramdam ko ang suporta nilang dalawa. Natapos ang laro sa score na 80-83.

"Wala ka pa rin palang pinagbago, Britney." tuwang-tuwang bungad sa akin ni Dean. Napangiti ako at sumulyap sa kinaroroonan nang dalawa.

"Sila lang naman ang nagbago, Dean." kinuha ko iyong papel sa bulsa at yumuko ng bahagya nang ibigay iyon sa kanya. "Sana ho... tanggapin niyo pa rin ako."

"Of course, magiging masaya ang mga estudyante nang YUME ACADEMY na nandito ka na ulit at paniguradong magiging masaya ang darating na Interhigh kapag nakita ka nilang maglaro muli." nakangiting sabi nito, kaya naman hindi ko na napigilang matuwa ng husto.

Sa kabila ng pagkukulang ko bilang estudyante nila noon ay heto sila at tinanggap pa rin nila ako ngayon.

Nakangiting tinalikuran ako ni Dean. "Oh by the way," huminto ito sa paglalakad na para bang may nakalimutang sabihin. "I would be happy if you convince them to play again." hindi man nito sabihin kung sino ang tinutukoy niya, batid kong ang mga kasamahan ko sa basketball ball noon ang tinutukoy niya.

Itong paglalaro ko ngayon ay dedicated iyon sa kanilang apat. Sa apat na nakasama ko sa loob ng court, 4 years ago.

Tumingin ako sa dalawa at binigyan sila ng matamis na ngiti. Hindi na nawala ang matamis na ngiti at patakbo kong pinuntahan sila at niyakap.

"I won."

"Alam namin! Nakita kaya namin." pambabara ni Chad.

"Hindi ko inaasahang darating ang araw na ito." naluluha kong sambit habang yakap-yakap pa rin sila. "Sa wakas mabubuo rin tayo."

"Oh napano ka?" nakangiwing sabi niya at parang hindi natutuwa sa inaakto ko. "At anong pinagsasabi mong mabubuo na rin tayo? Walang ganyang mangyayari!"

Itong babaeng 'to ang kj niya. Hindi man lang marunong makisama, tapos panira pa!

Binatukan ko siya. "At ano ring pinagsasabi mo diyan! Alam mo naman masaya lang ako kaya ko nasabi iyon e. Alam mo panira ka talaga ng moment kahit kailan no?"

Tinulak niya ako. "Andrama mo!" muntik na akong mahulog buti nalang nahawakan ako ni Ellie.

"Napaka ano mo talaga, chading!" pero hindi ako nito pinansin, hinayaan niya lang akong magsalita ng magsalita.

"Tara na, baka hinihintay na tayo niyan ni Armalite." yaya ni Chad, sinabayan naman nito ni Ellie. "Oh, iyong jacket mo!" pabato nitong ibinigay sa akin.

"Napaka sweet mo naman talaga, Chad!" sarkastiko kong sabi. "Ramdam na ramdam ko, oh. Daloy na daloy talaga sa dugo ko."

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐈𝐄𝐂𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon