CHAPTER 15

0 0 0
                                    

CHAPTER 15

GRAY’S POV

Nagising ako sa init ng sinag nang araw, na tumatama sa mukha ko. “Huh? Nasaan ako?” iginala ang paningin sa kabuohan ng kwarto, napapikit nang biglang sumakit ang ulo ko. Hindi yata nakatulong ang pag-inom ko! Mas lalo pa yatang nadagdagan ang isipin ko. Nangunot ang noo ng wala akong maalalang nakauwi ako nang maayos kagabi. “baka tinawagan ko na naman si Dio para sunduin ako at iuwi dito!” bumangon ako at dumaretso ng bathroom upang maligo, pagkatapos maligo ay lumabas na rin ako, paglabas ko ay nakita ko si Mom na inilalapag ang soup sa table.

“Oh, good morning, Son.”

Lumapit ako sa kanya at humalik. “Good morning, Mom.” nakangiting bati ko sa kanya. “hindi ka na sana nag-abalang dalhin dito ‘yan, Mom! Ako nalang sana ang bumaba.” nangunot ang noo niya at sinuri ako. “bakit?” takang tanong ko. “wala naman siguro akong dumi sa mukha, lalo na kakaligo ko lang.”

“Lasing kang umuwi kagabi, pero bakit parang ang ganda ng gising mo ngayon?” kung alam mo lang, Mom! Sobrang sakit ng ulo ko kanina, pero buti nalang nakatulong ang pagligo para maalis ang sakit ng ulo ko.

“Well, binungaran mo kasi ako,” yumakap ako sa kanya. “binungaran ako ng napakaganda kong Mama.”

“Ang sweet mo ngayon!”

“Ayaw mo no'n! Bakit issue na ba ang pagiging sweet sa magulang ngayon?”

“Hindi naman, natutuwa lang ako.”

“Patingin ako nang mukhang natutuwa? Luh! Umiiyak ka na, Mom e.” hinampas niya ako, pero hampas ng may lambing. “Hahaha.” ginala ko ang paningin upang hanapin ang kapatid ko. “gising na ba si Gabrielle, Mom?” kapag kasing ganitong umaga at may lakad kami, talagang naaabutan ko siya dito sa kwarto ko na nagbabasa, hinihintay na magising ako. Nakapagtataka lang na wala siya ngayon.

“Mm, kanina pa! Kanina ka pa niya hinihintay, may lakad ba kayo?”

“Hm, ipagshoshopping ko siya ngayon. Alam niyo naman tuwing saturday ipinangako ko sa kanya na ‘It siblings day!’”

“May pera ka ba diyan?”

“I still have, Mom.” nakangiting sabi ko at umupo sa sofa.

“Okay, baba ka nalang kapag natapos mong kainin ang soup, okay?” lumabas ito, habang ako ay naiwang nakaupo.

Five years old palang si Gabrielle nang magsimula kaming lumabas. Lagi ko siyang pinapasyal sa mall, ibinibili ng mga damit at laruan. Madalang din naman kasing magawa ng magulang namin na ipasyal kami, dahil na rin sa busy sila parati, pero sa tuwing may mahahalagang okasyon naman ay parati silang dumarating, kaya masasabi ko paring hindi nila kami pinapabayaan. Tsaka hindi naman namin alintana ang pagkawala ng presensya nila, dahil simula palang may isang taong umaantabay sa amin ni Gabrielle! Tuwing malungkot kaming dalawa ay nandiyan siya, gumagawa ng paraan upang pasayahin kaming dalawa ni Gab. Siya ang nakakatanda naming kapatid, si Eavan. Hindi na rin naman ganoon kaganda ang relasyon naming magkapatid ngayon, at wala na rin naman akong balak makipag-ayos sa kanya. Sabihin nalang natin na may isang mahalagang parte ng pagkatao ko ang winasak niya, na kahit kailan ay hindi na niya mabubuo pa.

“Kuya, are you done?”

“Oh, yah!”

“Ang lalim ng iniisip mo! Iniisip mo ba kung paano ka nakauwi?”

Umiling ako. “Hindi may iba lang akong iniisip.”

“Hintayin nalang kita sa baba, ah?” at sinara nito ang pinto, kasabay niyo'n ang pagtunog ng cellphone ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐈𝐄𝐂𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon