CHAPTER 13

0 0 0
                                    

CHAPTER 13

ELLIE’S POV

Dahil sa oras na saktan ako nang Gray na ‘yan! Ako lang ang may karapatang manakit sa kanya.

“Tara na nga! Marami pa tayong pagsisilbihang mga customer, saka mo na kami kwentuhan ulit nang tungkol sa gwapo mong fiance, okay?”

“Tsk.”

Nagtuloy kami sa pagtatrabaho, hanggang sa unti-unting nauubos ang mga customer.

“Ellie! You can go now. May pupuntahan ka pa, diba?”

“Pero–” nakakahiya sa kanya kung hindi ko sila matutulungan dito!

“Sige na, kami ng bahala dito ni Fey! Puntahan mo na siya.”

“Oo, puntahan mo na, baka hinihintay ka na no'n! Huwag mong isiping hindi ka nakatulong sa paglilinis sa amin ngayon! Basta sa susunod na pasok mo, ikaw ang maglilinis mag-isa, ah.”

Nakita ko pa ang pagpalo sa kanya ni Ate Kai. “Fey!”

“Biro lang, Ate Kai! Masyado ka namang seryoso diyan!”

Napatingin ako sa labas. Mag-isa ‘yon simula nung dumating siya dito, lalo na ngayon, baka hindi rin siya kinakausap ng pinag-iwanan ko sa kanya. Kinuha ko ang jacket sa upuan at tinanguan sila. “Sige, salamat.” at lumabas na ako ng café.

“Ingat,” paalala nila sa akin ng sumakay na ako nang motor, pero bago sinindihan ang makina ay dinampot ko ang cellphone at nagtype.

To: Unknown number
Meet me at the top of the mountain tonight.
Message sent

Muling binulsa ito at tumingin sa kanila. “Sige, ingat din kayo.” sinindihan ang makina at pinaharurot iyon sa bundok na nasabi ko. Ilang minuto ang lumipas nang makadating ako sa lugar na nasabi ko. Hindi pa man ako nakakababa ng motor ay nakita ko na itong naghihintay sakin.

“Ansarap ng hangin dito.” nakangiting sambit niya ng makalapit ako.

“Gusto mo bang manatili na muna dito? Kahit pansamantala lang muna.”

“Syempre gusto ko, pero alam mo namang hindi ako pwedeng magtagal dito.”

“Pwede naman nating gawan ng paraan.”

“Huwag na, baka mapagastos ka lang ”

“Heto,” ibinigay ko sa kanya ang sobreng ibinigay sa akin ni Ate Kai. “Yara fixed everything, kaya mapupuntahan mo na ang bansang gusto mong puntahan, pero kung gusto mo pang manatili dito...pwede ko namang ipakansela ang flight mo! Hindi naman kaso sa akin ang gumastos, basta ikaw ang pinagkakagastusan.”

“Hindi na, thank you kasi pinatuloy mo ako sa bahay mo ng isang araw. Iyong pinatuloy mo ako sa bahay mo ay malaking bagay na ‘yon.”

“Tsh, maliit lang naman na bagay iyon.”

“Sayo maliit pero sa akin...malaki! Ellie... I need to go.”

“Sige, ipasusundo na kita kay Yara.” kinuha ang cellphone at tinawagan si Yara.

“Yes, hello?”

“Yara, sunduin mo na siya.”

“Okay.”

Nang may humintong kulay itim na sasakyan malapit sa amin ay mabilis akong nakatanggap ng mahigpit na yakap mula sa kanya. Nang marinig ang mahinang hikbi niya ay hinalo ko ang likuran niya.

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐈𝐄𝐂𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon