ISAAC
I feel nauseous.
Halos kalahati na ng klase ang natatawag ng Animation instructor namin na si Mr. Eman Cunanan pero ang apelyido ko, hindi pa rin. Ang mga kaibigan kong sina Maya Avila at Aki Sanchez, natawag na rin. Partner pa nga sila.
Hindi ko maiwasang kabahan kung kaninong apelyido ang tatawagin kasama ng sa akin. Ito kasi ang magde-determine kung sino ang magiging ka-partner ko sa summer animation project at ang magiging roommate ko na rin ng isang buwan sa Calatagan sa susunod na linggo.
Trenta kami sa klase at natawag na ‘yong unang sampung magkakapares. Limang pares pa ang tatawagin. Tatlo sa lalake at dalawa naman sa babae. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil anim na lang kaming lalake na natitira at kasama roon si Bench Nelson. Si Bench na deep inside, hinihiling kong maging ka-partner ko sa animation project at maging roommate ko sa Calatagan.
O madidismaya ako dahil kasama rin sa mga hindi pa natatawag si Amir Evans? Na kabaligtaran ni Bench, ayokong maging ka-partner.
“Neslon and…”
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang marinig ang apelyido ni Bench. I freaking want the next surname to be mine. Hinihiling ko na sana De Jesus ang sunod na banggitin ni Mr. Cunanan. Sa lahat ng mga natitirang kaklaseng lalake, si Bench lang ang gusto kong maka-partner at wala nang iba pa.
“Trinidad.”
“Yes!”
Tuluyang nawala ang pag-asang nararamdaman ko.
Napatingin ako sa humiyaw na si Rodney at na-dismaya. Naasar rin nang makita ang reaksyon niya. Malamang ay masaya siya dahil siya ang magiging ka-partner at roommate ni Bench. Sino ba namang hindi sasaya?
Si Bench Nelson ‘yon.
Kilala siyang matalino sa Mount Eros University. Sikat siya sa buong department ng Multimedia Arts kahit second year pa lang. Pati nga sa ibang program, matunog ang pangalan niya. Hindi naman nakapagtataka ‘yon dahil bukod sa palaging nangunguna sa klase, iba rin talaga ang angkin nitong kagwapuhan at karisma. Idagdag pa na galing siya sa isang maimpluwensyang pamilya ng mga abogado. He has everything.
Kaya nga siya ang gusto ko, hindi lang maging ka-partner kundi in general.
At ngayon, wala na. Hindi ko na siya magiging ka-partner sa animation project. Hindi ko na rin siya magiging roommate. Sayang!
“Next, De Jesus and…”
Hindi ko pa man gaanong napoproseso ang lungkot dahil hindi natawag ang apelyido ko kasunod ng kay Bench, otomatiko akong naging alerto nang marinig si Mr. Cunanan na banggitin ang apelyido ko.
Para bang nagslow motion ang lahat sa loob ng classroom habang tinitingnan ko ang mga natitirang kaklaseng lalake na hindi pa natatawag. Apat na lang kami. Hindi ko ka-close ‘yong dalawa sa kanila. Ang isa sa dalawa pang lalake ay si Lucifer Dela Cruz, ang presidente ng klase namin na kilalang puro kaloohan lang ang alam. Pero mas pipiliin kong siya na lang o alin man sa kanila noong isa kong kaklaseng lalake ang maging ka-partner ko kaysa kay Amir.
Hindi ko kasi alam kung paano ko siya pakikisamahan kung sakali. Hindi kami close. Hindi rin kami magka-vibe. At sa palagay ko, hindi rin kami magkakasundong dalawa. So, it’s an early no for me.
Bumalik sa normal ang bilis ng paggalaw ng lahat sa loob ng classroom kasabay ng pagbanggit ni Mr. Cunanan ng sunod na apelyido.
“Evans.”
Oh, shut up.
Nang marinig ang apelyido ni Amir ay bigla akong nanghina. Is this some kind of joke? Siya ang pinartner sa akin ni Mr. Cunanan? What kind of sorcery is this?
BINABASA MO ANG
A Dark Cloud's Bright Side [Completed]
RomanceKung si Isaac De Jesus ang tatanungin, kung hindi rin lang ang kaklaseng si Bench Nelson ang magiging partner niya sa animation project nila, kahit sino na lang...huwag lang si Amir Evans. Date Started: April 22, 2024 Date Finished: May 31, 2024