ISAAC
Alas cuatro pa lang ng madaling araw, gising na ako. Ang totoo n’yan, hindi naman talaga ako nakatulog nang tuloy-tuloy dahil kada oras, naaalimpungatan ako. Kaya minabuti kong bumangon na nang tuluyan at lumabas ng kwarto.
Dama ko pa rin ang hilo dulot ng kalasingan kagabi. Siguro ay mag-a-alas dose na rin kami nakabalik sa kwarto namin. Sinulit ng lahat ang kasiyahan sa dalampasigan even after the fireworks display. Nagpatuloy ang inuman doon. Dala na rin ng panghihinayang sa huling gabi namin sa resort, bumalik ako sa mga kaibigan ko kahit sinabi kong didiretso na sa kwarto pagkatapos ng fireworks display. I also convinced Amir to join us. We had fun.
Pero noong kami na lang ni Amir sa loob ng kwarto, doon na bumalik ‘yong pagkailang na nararamdaman ko sa kanya. Lalo na noong maalala ang sinabi niya habang nagaganap ‘yong fireworks display sa may dalampasigan kanina. He wanted me to pretend…that I’m in love with him…instead with Bench.
Of course, I took it as a joke. Hanggang sa hindi na napag-usapan ulit ‘yon at sumama na kami sa kasiyahan ng mga kaklase namin.
It’s just that…habang nasa kwarto kaming dalawa. He said it again. That time, inakala kong lasing lang siya at pinagtitripan ako. Pero hindi, eh. When I looked at him, he stared at me and told me how serious he was. Hindi ko maalis sa isipan ko ‘yong sinabi niya bago kami tuluyang matulog.
“I want you to use me to forget him, Izzy…”
I never replied to that kasi ano namang sasabihin ko? Sige? The idea was stupid. Bakit ko naman siya susundin? Bakit ko siya gagamitin para kalimutan si Bench at ang nararamdaman ko para roon sa tao? Isa pa, why do I need to pretend that I like him when in fact…I really do like him? Gano’n pa man, hindi pa rin tama, eh. Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n na lang siya ka-concern sa akin. Malabong may gusto rin siya sa akin.
Paglabas ko ng kwarto, dumiretso ako sa may dalampasigan. Maliwanag naman ang buwan kaya maliwanag rin ang paligid. Naiinitan ako kahit mahangin naman. Siguro dahil sa dami ng alak na ininom ko kaya ganito.
Naghubad ako ng damit na suot hanggang shorts na lang ang matira. Marahan akong naglakad sa maalon na dagat at dinama ang lamig nito. Unti-unting pumresko ang pakiramdam ko. Hanggang unti-unti rin, kalahati na ng katawan ko ang nakalubog sa tubig. Palayo nang palayo mula sa pampang.
Nakapikit ako habang nagpapadala sa agos ng tubig. Iniisip pa rin si Amir at ang mga sinabi niya.
I like Amir but I’m not sure if that’s enough to forget Bench. Isa pa, why would I use him to forget Bench? He’s…argh, I don’t know!
T’saka, ano naman ang mapapala niya sa pagpiprisentang ‘yon? Hindi naman niya ako gusto. Kahit sabihin ko namang gusto ko siya, hindi naman ibig sabihin ay magugustuhan na rin niya ako. Malakas lang talaga ang trip niya. At straight si Amir!
Masyado akong nadala sa pag-iisip kong ‘yon kaya hindi ko namalayan ang lakas ng pwersa ng tubig na tinatangay ako sa mas malayo at malalim na parte ng dagat. Lalangoy na sana ako pabalik sa pampang nang maramdamang sumakit ang mga paa ko. Hindi ko na ‘yon maramdaman pagkalipas ng ilan pang segundo. Napamura ako bigla. Namumulikat ako!
I panicked.
Sa kagustuhang makaalis sa posisyon ko, pinwersa ko ang sarili kong lumangoy but ended up making the situation worse. Lalo lang lumala ang pamumulikat ko. Unti-unti kong nararamdaman ang paglubog ko sa tubig habang patuloy ako sa pagpupumiglas.
Ang tumatakbo na lang sa isip ko no’n, ayokong mamatay nang gano’n-gano’n na lang. Hindi pa ako handa. Hindi pa pwede!
Ilang saglit pa, I felt someone pull me. Marahas. Mabilis. Namalayan ko na lang ang sariling nagpapaubaya na lang sa kanya. I was saved.
BINABASA MO ANG
A Dark Cloud's Bright Side [Completed]
RomanceKung si Isaac De Jesus ang tatanungin, kung hindi rin lang ang kaklaseng si Bench Nelson ang magiging partner niya sa animation project nila, kahit sino na lang...huwag lang si Amir Evans. Date Started: April 22, 2024 Date Finished: May 31, 2024