ISAAC
Makulimlim ang tanghali at nakatambay ako ngayon sa pool area ng resort. Nakalublob lang ang mga paa ko sa tubig at wala akong planong magswimming. Kalalabas lang namin ng meeting hall at dito na ako dumiretso. Hinahanda pa kasi 'yong lunch namin. Sina Maya at Aki naman, tanaw kong nagtatampisaw sa dagat kasama ng iba.
Panglimang araw na namin ngayon dito sa Calatagan. Huwebes. Okay naman ang lahat. Bukod sa mas naging awkward ang hangin sa pagitan naming dalawa ni Amir after that short conversation, two nights ago. Tinabangan na rin ako sa kanya kaya malamig ko na rin siyang pinatutunguhan. Iyon naman ang gusto niya, eh.
Kahit sinabi kong sosolohin ko ang animation project namin, hindi ko pa rin ito magawang simulan. I don't know how to start. Wala namang binigay na tema si Mr. Cunanan para roon pero hirap pa rin akong makabuo ng konsepto. Ino-overthink ko rin 'yon nitong nagdaang dalawang araw.
My only ray of sunshine here at the resort is Bench. Simula nang mag-usap kami noong unang gabi namin sa resort, napapadalas na ang pag-imik niya sa akin. Kahit simpleng 'hi' o 'hello' lang o 'di naman kaya ay 'kumusta', malaking bagay na sa akin. Hindi tulad noon na bihira kami magkaroon ng ganoong interaction. May epal lang talaga palagi. 'Yong roommate at partner niya na si Rodney. Kaya rin hindi ako makalapit kay Bench ay dahil sa kanya. Pansin ko kasing kahit saan ito magpunta, nakabuntot siya. Nakakapikon.
Habang kinukuyakoy ang mga paang nakalubog sa tubig, nakatingala ako sa makulimlim na kalangitan. May namumuong maitim na ulap doon. Parang uulan dahil medyo kumukulog din. Kung uulan man ngayon, sana ay ngayong araw lang. Bukas kasi ay Biyernes na. Magaganap ang unang bonfire session namin dito sa Bikini Top bukas ng gabi. Lahat kami ay naglu-look forward na roon.
Nakatitig lang ako sa maitim na ulap sa kalangitan. Kung titingnan mo, parang ang bigat-bigat no'n. Para bang naghihintay lang ito ng tamang pagkakataon para ilabas lahat ng bigat na nasa loob nito. Hindi ko maiwasang ikumpara 'yon sa isang tao. Parang si Amir lang ang maitim na ulap na 'yon. Bukod sa mukhang galit katulad ng isang maitim na ulap, palagi ring parang ang bigat-bigat ng dinadala niya. Ang kaibahan lang, kung ano man 'yon, hindi niya inilalabas. Hindi niya binibitawan.
He's like a dark cloud on a sunny day.
Sa isang iglap, isang ideya ang pumasok sa isip ko. Dark clouds. Tama! I can use that concept for the animation project. Pwede akong gumawa ng storyline tungkol doon. May naisip na nga agad ako, eh. Akalain mo 'yon? Nakatulong din pag-iisip at paghahalintulad ko kay Amir sa sama ng panahong namumuo sa kalangitan ngayon. But it's all thanks to me and my creativity!
Inaya ako nina Maya at Aki na tumambay sa mini bar kinahapunan. Tumigil na rin ang ulan. Ililibre raw nila ako ng inumin kaya pumayag naman ako. Nakaupo kami sa mataas na upuan kaharap ang counter. Naabutan namin si Amir doon na mag-isang umiinom, dalawang upuan ang layo mula sa amin. Nakatulala lang at hindi kami pinansin. Kaya hindi rin namin pinansin. Actually, wala akong balak na pansinin siya.
Maraming foreigners na customers ang resort. Kaya itong mga kasama ko, hindi mapakali. Maya't mayang ngumunguso para ituro 'yong mga natitipuhan nila. May mga pagkakataon pa na pinagtitripan nila ako't inaasar sa mga foreigner na dumadaan. Maingay ang dalawa kaya rin siguro paminsan-minsan, napapalingon sa amin si Amir.
"Ayung naka-brief na afam doon sa banda roon, hindi mo bet, Izzy?" makulit na sabi ni Maya.
"Tigilan niyo nga ako," reaksyon ko nang makita ang tinuro niya. "Ang tanda-tanda na no'n, eh. Hindi ko kailangan ng sugar daddy." Humalakhak ang dalawa.
"Eh, itong isang palapit dito sa bar? Izzy, ang gwapo, shet. Aminin mo, gan'yan 'yong mga type mo!" sabi naman ni Aki.
Nang tingnan ko ang itinuro niya, foreigner pa rin na lalake 'yon pero mas bata kaysa sa itinuro ni Maya kanina. Nakasuot lang ng puting sando at board shorts. Gwapo at halatang malaki ang katawan. Akala ko nga ay artista.
BINABASA MO ANG
A Dark Cloud's Bright Side [Completed]
RomanceKung si Isaac De Jesus ang tatanungin, kung hindi rin lang ang kaklaseng si Bench Nelson ang magiging partner niya sa animation project nila, kahit sino na lang...huwag lang si Amir Evans. Date Started: April 22, 2024 Date Finished: May 31, 2024