Chapter 4

650 37 8
                                    

ISAAC

We have to finish our animation film at the end of our stay here. Araw-araw tuwing alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali, we have to gather in the meeting room and work on our projects. Pagkatapos no'n, pwede na naming gawin ang gusto namin after lunch. The resort also introduced us to a lot of activities that we can do here like surfing, snorkeling, kayaking, and more. Tuwing Friday naman, we have bonfire sessions.

Kinahapunan, kanya-kanya na ang lahat. Halos lahat ng magkaka-partner ay magkakasama habang nililibot ang buong resort. Ang iba ay naliligo sa dagat, nagpi-picture taking kung saan-saan, at 'yong iba ay nagkalat lang sa paligid. Sina Maya at Aki ay nagpapa-spa.

Nakaupo ako sa buhangin habang pinapanuod ang paglubog ng araw. Pinapanuod ko rin ang ilan kong kaklase na nagtatampisaw sa tubig. Kanina pa hinahanap ng mga mata ko si Bench pero hindi ko siya nakita. Siguro ay nasa kwarto niya.

Nabagot ako kaya tumayo na ako. Saktong pagtayo ko, bumangga ako sa isang tao. Bumagsak ang hawak niyang libro at cellphone sa buhangin na agad kong dinampot at pinagpagan.

"Sorry."

"Ano ba 'yan, De Jesus!"

Napagtanto kong si Rodney pala 'yon. Inabot ko sa kanya ang libro. Pinunasan ko rin ang screen ng cellphone niya. Hindi pala ito naka-lock kaya nang gawin ko 'yon, na-touch ang screen pataas and showed his recently opened apps. Natigilan ako nang makita ang isa roon. Ang gallery niya. It wasn't blurred. Nakita ko ang picture ni Bench habang nakaupo ito sa meeting hall kanina. Nagtataka akong tumitig roon.

"Akin na nga 'yan," kinuha niya ang cellphone nang padabog. "Hindi kasi nag-iingat, eh." Matapos sabihin 'yon ay tumalikod na siya at umalis.

Inis ko siyang tinitigan habang naglalakad siya palayo. Siya nga itong hindi tumitingin sa dinadaanan niya, eh. Siya pa 'yong galit. Saka, bakit may picture siya ni Bench sa cellphone niya? Hindi kaya totoo 'yong hinala nina Maya at Aki na may gusto rin si Rodney sa kanya? If that's true, lalo lang akong maiinis sa kanya. He even took a picture of him, secretly. Malala na siya.

Nagdesisyon akong maglakad na pabalik sa kwarto. Wala rin naman akong gagawin sa labas. Kapag wala 'yong dalawa, nababagot talaga ako. Niyayaya nila akong magspa kanina kaya lang ay ayoko. Bukod sa mahal ang bayad, hindi ko rin trip. Siguro ay magpapahinga na lang ako sa loob ng kwarto hanggang magdinner.

I was humming Taylor Swift's cardigan song habang palapit ako sa pinto. Binuksan ko 'yon at nagulantang sa nasaksihan. Si Amir 'yon habang nakahiga sa kama. Maging siya ay nagulat nang makita ako. He immediately stopped what he was doing and covered his thing with a pillow. I even saw what he was watching on his phone nang ilapag niya ito bago patayin.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. He's shirtless...and he was playing with his thing!

"Don't you know how to knock, at least?" inis niyang sabi sa akin. Mapula ang mga pisngi at parang napahiya.

"Bakit ako kakatok, e kwarto ko rin 'to?" inis kong sagot. Hindi ko na napigilang ilabas ang nasa loob ko. "Kasalanan ko bang malakas ang loob mong gumawa ng kababalaghan dito sa loob?"

Hindi siya nakasagot. Marahil ay alam naman niyang tama ako at mali siya. Umiwas ako ng tingin nang itaas niya ang shorts na nasa tuhod kanina. Nagsuot rin siya ng pang-itaas. Nagtungo na ako sa kama ko, naiinis pa rin.

Naalala kong bukas na nga pala ang unang araw ng collaboration naming dalawa at wala pa kaming napag-uusapan.

Nilingon ko siya. "About the project..." I said, hesitantly. Ako rin pala ang magfi-first move sa huli. Nakatayo siya at mukhang lalabas. Ni hindi man lang ako binalingan ng tingin. "Kailan tayo pwedeng mag-usap tungkol doon?" tanong ko.

"I'm not in the mood," masungit niyang sabi bago naglakad palapit sa pinto.

He's not in the mood? Really? Pero kanina noong ginagawa niya ang bagay na 'yon, sobrang nasa mood siya? Sa sobrang in the mood nga siya kanina ay muntik ko pang masaksihan ang paglabas ng kanyang tam...nevermind.

"Look, I know you don't like this set-up but–"

"I know you hate me." Nagulat ako nang bigla niyang sabihin 'yon. Nakatalikod siya sa akin habang kaharap ang pinto. "You don't have to act nice to me just because we're assigned partners."

Ha? I'm not being nice to him. Not at all. Hindi ba niya halatang naiirita ako sa kanya ngayon? T'saka, saan naman nanggaling 'yong hate na sinasabi niya? Maaaring hindi ko siya gusto pero hindi naman ibig sabihin no'n na kinamumuhian ko siya.

"We're not close, Amir. Pareho tayong aware sa bagay na 'yon. You probably hate this set up as much as I do but–"

"See? You really hate me," sabi niya nang humarap sa akin. Seryoso ang mukha.

Umiling ako sa kanya. "I was talking about us being partners, not you, Amir."

"Pareho lang 'yon," sabi niya. "Hindi ko rin naman piniling maging ka-partner ka kaya pareho lang tayo ng nararamdaman." Nag-iwas siya ng tingin at binuksan na ang pinto. "Kung gusto mo, magsolo ka na lang sa project. Kaya ko rin namang mag-isang gawin 'yon."

Hindi ako nakasagot nang marinig lahat 'yon kay Amir. Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Naiwan akong tulala. Anong problema no'n? Ang init ng ulo niya. Dahil ba nahuli ko siyang gumagawa ng milagro at naistorbo ko siya? Iyon ba?

Kung may choice naman talaga ako, pipiliin ko na lang magsolo kaya lang, hindi papayag si Mr. Cunanan. It's either I work with Amir on this project or do nothing at all.

Napaisip rin ako kung ganoon ba talaga ako kahalata na hindi ko siya gusto para sabihin niya ang sinabi niya kanina to the point that he thinks that I hate him? O talagang malakas lang siyang makiramdam?

One hour before lights out, naisipan kong maglakad-lakad naman sa may dalampasigan. Iniisip pa rin kung paano magwo-work ang animation project na 'to with Amir being a jerk. Simula kanina ay hindi na kami nag-usap o nagpansinan.

Sa paglayo ng paglalakad ko, natanaw ko ang taong hindi ko inaasahang makikita rito sa dalampasigan. Si Bench.

Nakaupo siya sa buhangin habang nakatutok sa drawing tablet niya. He's drawing something. Marahan akong naglakad palapit sa kanya nang hindi niya napapansin. Dinodrowing pala niya ang view ng dagat at buwan ngayong gabi.

I watched him as he kept on drawing. Kahit ang lapit ko na, hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin. Ganitong-ganito siya palagi kapag may ginagawa. Focused. Napapangiti na lang ako tuwing pagmamasdan ko siya.

He's wearing a blue tie dye shirt and cream-colored shorts. He's also wearing a blue crocs slippers. Kahit gabi na ay nagliliwanag pa rin siya dahil sa kulay ng kanyang balat. Maputi.

Ang sarap niyang panuorin.

Napaatras ako nang bigla siyang mag-angat ng tingin sa akin. Nataranta ako kaya't aalis na sana. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumapit pa talaga kay Bench. Para siyang isang magnet at bakal naman ako, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapalapit sa kanya.

"Isaac..."

Natigilan ako sa paghakbang paalis nang marinig kong tawagin ni Bench ang pangalan ko.

Hindi ko alam ang sasabihin habang nakaharap sa kanya. Bigla akong tinamaan ng hiya...at kilig. He knows my name. Of course, he does. We're classmates! Hindi lang ako makapaniwala na maririnig siyang bigkasin 'yon. Hindi rin ako sanay.

"Hi..." nahihiya kong bati kay Bench.

Ngumiti siya. "Come sit with me."

Nang marinig ang sinabi niya, parang sasabog ang puso ko sa kilig na nararamdaman.

( ꈍᴗꈍ)

A Dark Cloud's Bright Side [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon