Chapter 15

652 40 19
                                    

ISAAC

Ilang gabi pang naulit ang pagtakas at paglabas namin ni Amir ng resort papunta sa may talon. Kahit isang beses ay hindi kami nahuli ni Mr. Cunanan o ng kahit na sino. Kaya rin siguro gano’n kalakas ang loob kong sumama kay Amir sa bawat pag-aaya niya. Isa pa, nag-e-enjoy rin naman ako. 

Nakatulong rin ang anunsyo ni Mr. Cunanan tungkol sa extension ng animation project namin para hayaan ko ang sarili kong magliwaliw sa huling mga araw namin sa Calatagan. Nagbigay sa amin si Mr. Cunanan ng isa pang buwan bago ang pagpasok ng sunod na semester para matapos ang proyekto. Lahat kami ay masaya dahil karamihan, katulad namin ni Amir, nangangalahati pa lang sa ginagawang animated film. 

Sigurado akong sa loob ng isa pang buwan, matatapos na namin ‘yon ni Amir. Pero sa ngayon, hindi ko muna ‘yon iisipin. 

Nauna na si Amir sa labas at naghihintay. Nitong mga nakaraang gabi kasi, gano’n na ang naging teknik namin sa paglabas ng resort. Siya muna ang mauuna tapos susunod naman ako. Naisip namin na mas maingat kung gano’n ang gagawin namin. 

Habang pasimple akong naglalakad papunta sa likuran ng resort, hindi ko mapigilang makaramdam ng pananabik. Pang-apat na gabi na naming ginagawang tambayan ‘yong talon. Tuwing nandoon kami, pakiramdam ko, mas lumalalim ‘yong koneksyon namin ni Amir sa isa’t isa. Naging mas mahaba ang kwentuhan naming dalawa at mas nakilala ko pa siya. 

He’s a Scorpio, which explains why he acts like he does. Fearless, straightforward, and sometimes, aggressive. And like a Scorpio, he’s very creative and dedicated to his art. Hindi ko akalaing magkakasundo kaming dalawa knowing that I’m a stubborn Leo.  

They’re just signs, anyway. 

When I asked him why he chose our program, isa lang ang sinabi niya. Trip lang daw niya. Nagkataon lang daw na mahilig siya sa animation and other arts stuff. I didn’t believe him. Para sa akin, he chose Multimedia Arts because like the rest of us in class, nakita niya ang sarili niya roon and he loves it.   

Malapit ko nang sapitin ang back gate ng resort when I heard voices. Nang matanaw ang dalawang taong nakaupong nag-uusap malapit sa may dalampasigan, napahinto ako sa paglalakad para aninagan kung sino ang mga ‘yon. Nangunot ang noo ko nang mapagtantong si Bench ang isa roon. At kasama niya…si Rodney. 

Lights out na pero nasa labas pa rin silang dalawa. Pero hindi ‘yon ang pinakapinagtataka ko. Anong ginagawa nila habang magkatabi sa dalampasigan at tila seryosong nag-uusap? Umiral na naman ang kuryosidad ko. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? 

Namalayan ko na lang ang sarili kong marahang humahakbang palapit sa kinaroroonan nila. Nagtago ako nang mabilis sa likuran ng puno ng niyog. Doon, mas narinig ko nang malinaw ang mga boses nila. 

“I’m really sorry, Bench. Iyon lang kasi ‘yong naisip kong–”

“Forget about it. Hindi naman ako galit. Naiintindihan kita, Rod.”

“You understand me? Hindi ba dapat ay galit ka sa akin ngayon dahil sa ginawa ko? I…took pictures of you without your consent.”

“I know…and you should’ve asked me for money instead, if you really needed it. Tutulungan naman kita.”

“You mean it?”

“Yeah…bakit naman hindi?”

“B-but why?”

Sandaling natahimik sa pagitan nilang dalawa. I can’t see them from where I’m hiding pero nai-imagine ko na ang mga itsura nila. Lalong-lalo na ang mayabang na si Rodney. Malamang ay dahil sa mga narinig niya mula kay Bench, lalo siyang nagkalakas ng loob. Hindi lang ako makapaniwalang maririnig din ang mga ‘yon kay Bench. Bakit niya sinasabi ‘yon kay Rodney? At bakit handa pa rin niyang tulungan ito sa kabila ng ginawa nito sa kanya?

A Dark Cloud's Bright Side [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon