ISAAC
“Mir, we're all here at the place. Nasaan ka na ba?”
Panglimang message ko na ‘yon kay Amir simula noong dumating kami rito sa nirentahan naming film-viewing house, isang oras na ang nakararaan.
Wala pa siya. Magdidilim na at kumpleto na kaming lahat rito. Siya na lang talaga ang kulang. Ano na naman kaya ang trip niya't balak pa atang magpa-late? Magsisimula na ang film-viewing pagpatak ng alas sais. Nasaan na kaya ang lalakeng ‘yon?
All our friends are here. Sina Aki at Maya, Bench and Rodney, pati na rin sina Lucifer at Sister. Ngayong gabi ang nakatakdang Animated Film Exhibit pero pinili naming magrenta ng isang lugar na malapit lang sa school para sabay-sabay na panuorin ang short animated films na ginawa namin.
Taliwas sa inaasahan, hindi napili ang short animated film namin ni Amir among other sections. Hindi ito napasama sa Animated Film Exhibit. Gano'n pa man, hindi ako nalungkot. After what happened three months ago, masaya na lang ako na okay na ang lahat. Okay na si Amir. Kasama ko pa rin siya.
I'm actually excited for tonight. Kaya lang, mukhang mababasag ang kasabikan kong ‘yon dahil sa pagka-bad trip ko kay Amir.
Habang naghahanda ng mga pagkain ang mga kaibigan namin, heto ako at busy sa pag-antabay sa cellphone ko bawat segundo. Inaabangan ang reply o pagtawag ni Amir. Kaya lang, mukhang uugatan na lang ako rito, hindi ‘yon mangyayari! Mano man lang ba ‘yong magsabi siya na male-late siya, ‘di ba? O kung on the way na ba siya at malapit na. Kaso wala, eh. Sinusundo talaga ng lalakeng ‘yon ang inis ko.
Also, why is everyone so calm right now? Wala ni isa sa kanila ang nagtanong sa akin kung nasaan na si Amir. Parang ako nga lang ang bothered at alalang-alala habang sila, patuloy sa pagkukwentuhan habang naghahanda para sa film-viewing. OA ba ako?
“Guys!”
Napalingon ako sa kinaroroonan ni Lucifer. Kaming lahat, actually. Hawak niya ang cellphone niya habang suot ang isang nag-aalalang ekspresyon.
“Hindi raw makakapunta si Amir ngayong gabi para sa film-viewing natin.”
Nang marinig ‘yon, nagulat ako at na-dismaya at ang nasabi ko na lang, “ano?!” Inis kong nilapitan si Lucifer at kinuha ang cellphone na hawak niya para tingnan ang message na galing nga talaga kay Amir. “What the…”
Dismayado kong ibinalik ang cellphone kay Lucifer. Maging ang mga kaibigan namin ay dismayado rin pero parang hindi naman gano'n ka-big deal para sa kanila base sa mga reaksyon nila.
“Sayang naman,” sabi ni Bench. Ngumiti siya sa akin. “Ituloy pa rin natin.” Sumang-ayon ang lahat sa sinabi niya.
Nangunot ang noo ko. Pino-proseso ko pa ang inis na nararamdaman kay Amir dahil imbes na sa akin, na boyfriend niya, siya magtext at sabihin ang dahilan kung bakit hindi siya makakapunta—kay Lucifer pa! I mean, what's up with him? Was it because I refused when he asked me last night to go on a date with him today? Iyon ba ang dahilan at ngayon, gumaganti siya?
Kagabi ‘yong huling pag-uusap at pagkikita namin ni Amir, sinundo niya ako pagkatapos ng shift ko sa Konbini 88 at niyayang magkape muna bago umuwi. Tumambay lang rin kami sa plaza sa may labas ng subdivision pagkatapos. Dapat sana ay ide-date niya ako ngayong araw pero tinanggihan ko nga dahil sabi ko, magkikita naman kami rito kasama ng iba. Kaya lang, hindi pala pupunta ang gago. Nagtatampo na naman siguro.
“Another message from Amir!” Nilingon ulit namin si Lucifer. This time, mas intense na ang pag-aalala sa kanyang itsura. “Masakit daw ang ulo niya…and he's not feeling well.” Doon na ako kinabahan.
BINABASA MO ANG
A Dark Cloud's Bright Side [Completed]
RomanceKung si Isaac De Jesus ang tatanungin, kung hindi rin lang ang kaklaseng si Bench Nelson ang magiging partner niya sa animation project nila, kahit sino na lang...huwag lang si Amir Evans. Date Started: April 22, 2024 Date Finished: May 31, 2024