Chapter 16

610 42 5
                                    

ISAAC

The last Friday of our stay in Bikini Top finally came. Bukas na ang nakatakda naming pag-alis pabalik sa Maynila. I don’t  know what to feel, honestly. Masaya naman ako dahil makakabalik na ako sa bahay pero mas lamang ‘yong lungkot dahil mamimiss ko ang lugar na ‘to. 

“Hindi ka lalabas?” tanong ko sa nakahigang si Amir sa kanyang kama. Wala itong pang-itaas habang unan ang dalawang palad at nakapikit. “May pa-fireworks display raw mamaya,” I mentioned as if it would change his mind. 

May maliit na salo-salo sa tabing-dagat. Walang bonfire ngayong gabi kundi fireworks display. Sagot ‘yon lahat ng resort. Pa-thank you sa isang buwan naming pananatili rito. Siyempre, dahil huling gabi na, may painom din. 

“Mas gusto ko pang matulog na lang kaysa manuod ng paputok,” ang masungit na tugon ni Amir nang hindi nagmumulat ng mga mata. Sabi ko na nga ba’t gising siya. “Busog rin ako.”

Kinunutan ko lang siya ng noo kahit hindi niya nakikita. Katatapos ko lang magbihis at mag-ayos ng sarili. Palabas na rin ako. Napansin ko kasing hindi pa rin siya kumikilos kahit oras na para pumunta sa dalampasigan. Ano na naman kaya ang problema ng taong ito at ganito na naman siya?

“Okay. Bahala ka,” sagot ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Naglakad na ako palapit sa pinto at aktong bubuksan na ‘yon pero binalingan ko ulit si Amir. “Ayaw mo talagang lumabas? May alak roon.” Kahit sinabi ko na ang paborito niyang salita, wala pa rin akong nakuhang tugon sa kanya. “Fine. Kapag nagbago ang isip mo at hindi ka na KJ, nandoon lang kami. Hihintayin kita roon.”

Lumabas na ako ng kwarto nang mapagtantong wala akong mahihitang sagot mula kay Amir. Kanina pa siyang umaga gan’yan. Halos walang kibo at hindi nagsasalita. Sasagot lang siya kapag tatanungin ko. Okay naman kami. Kahapon naman ay okay kami. Hindi kami gaanong nag-uusap simula noong gabing uminom kami sa bar, three nights ago, pero alam kong okay kami. Pero siya, mukhang hindi siya okay. 

Nang sapitin ko ang dalampasigan, may dalawang mahabang lamesa na naka-set up roon. Nakahanda na roon ang mga pagkain at inumin namin ngayong gabi. Nakaupo na rin pala roon halos lahat ng mga kaklase ko. Sa hiwalay na table, nakaupo na rin ang mga instructors kasama si Mr. Cunanan. 

Binati agad ako nina Maya at Aki at tinawag para maupo katabi nila. Salamat naman at ngayong gabi, walang seating arrangement na susundin. Okay lang kahit saan mo gustong umupo. Kahit sa buhangin pa. Kaya ‘yong mga magkakapartner, watak-watak. Kung mayroon mang magkasama maliban sa mga kaibigan ko, dalawang tao lang ‘yon. Sina Bench at Rodney. 

Naiinis pa rin ako tuwing nakikita si Rodney. Tuwing nakikita ko silang magkatabi’t magkasama. Hindi lang sila masakit sa mata, sa puso rin. Hindi naman gano’n kadali tanggapin ang lahat. I still have feelings for Bench…kahit ako lang ang nakakaalam, well, maliban kay Amir at sa dalawa kong kaibigan. 

“Awat na, Izzy.” Napatingin ako sa nagsalitang si Maya, inabot nito sa akin ang platong gawa sa nito na binalutan ng plastik-labo. “Masasaktan ka lang kung buong gabi mo silang titingnan.”

Hindi ko pinansin si Maya. Napatingin ako sa katabi niyang si Aki sa kaliwa nang iabot naman nito sa akin ang mga disposable na kutsara’t tinidor. “Game over na, friend. Talo ka na. Don’t play again.”

Nagngisian ang dalawa pero inilipat ko lang muli ang tingin ko sa kabilang table kung nasaan sina Bench at Rodney. Game over na ba talaga?

I know my friends are just concerned about me. I told them what I learned that night. Nangako silang wala silang pagsasabihan na hindi straight si Bench at may gusto siya kay Rodney.  Kaya lang, maya’t maya naman nilang ipinaalala sa akin na talo ako. Kahit alam kong ginagawa lang nila ‘yon para itigil ko ang katangahang ‘to, still, nakakainis pa rin. 

A Dark Cloud's Bright Side [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon