ISAAC
Simula na ng second semester. Tapos na ang dalawang buwang bakasyon. Masaya akong papasok sa klase ngayong araw dahil sa dalawang bagay. Una, naipasa na namin ni Amir ang animation project namin kay Mr. Cunanan at pangalawa, ito ang unang pagkakataon na papasok akong naglu-look forward na makita si Amir.
‘Yong huling pagkikita namin ay three nights ago pa, doon sa party sa bahay ni Lucifer. Pagkatapos kasi no’n, hindi muna kami nagkita. Tapos na ang project namin kaya wala ng rason para araw-araw kaming magkita kahit pa sinabi niya sa akin na wala namang magbabago.
Sa pagiging abala ko rin sa trabaho nitong nagdaang tatlong araw, hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataong i-chat siya o tawagan. Siguro, may parte rin sa loob kong nahihiya sa kanya dahil sa loob ng dalawang buwan, araw-araw na kaming magkasama.
Masaya akong naglalakad sa hallway ng building namin para magtungo sa klase. Isang oras pa naman bago ang first period pero sadya kong inagahan. Aaminin kong excited rin ako ngayong araw. Namiss ko ang classroom namin. Namiss ko rin si Amir.
Nakakamanghang isipin na sa loob lang ng dalawang buwan, nagbago ‘yong pananaw ko sa kanya. Naging malapit ako sa kanya nang sobra. Nagustuhan ko siya. Parang kailan lang noong inis na inis akong makita siya sa classroom. Pakiramdam ko noon ay isang malaking pagkakamali na naging magka-partner kami sa animation project. Hindi ko lubos akalaing ‘yon pala ang magiging dahilan para magbago ang lahat.
Pagpasok ko ng classroom, naroon na rin halos lahat ng mga kaklase ko. Naging sentro ako ng atensyon nila. Ang unang hinanap ng mga mata ko ay si Amir sa upuan niya pero wala pa siya. Nang bumaling naman ako sa upuan ng mga kaibigan kong sina Aki at Maya, nakangiti ko silang binati but they didn’t greet me back. Instead, tumayo sila mula sa kinauupuan nila at naglakad para lapitan ako.
Nang isabit ang bag ko sa likuran ng armchair, napatingin ako sa paligid. Nakatingin pa rin ang mga kaklase ko sa akin habang hawak ang mga cellphone nila. Ang iba ay nagbubulungan pa. Napawi ang ngiti sa mukha ko. Anong mayroon sa kanila?
Naagaw lang ang atensyon ko nang nasa harapan ko na sina Aki at Maya.
“Izzy, ano ‘to?”
Iniharap ni Aki ang cellphone niya sa akin. Kunot-noo ko silang tiningnan bago ibaling ang tingin sa litratong naka-flash roon. Nagulat ako sa nakita.
“Sinend ‘yan kanina sa group chat natin ni Rodney. Mga isang oras na.” Hindi ko tinugunan si Maya. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa litratong ipinakita ni Aki pero dahil ‘yon sa gulat. Halos lahat ng mga kaklase namin, nakatingin sa akin at tila nagtataka…o nanghuhusga. “Magsabi ka nga ng totoo, Izzy. Kayo na ba ni Amir?”
Hindi ako nakasagot agad.
Ngayon ay hawak ko na ang cellphone ni Aki habang tinitingnan ang tagpong nakunan kasama si Amir. Litrato naming dalawa ‘yon habang magkatabing nakaupo sa wooden bench sa garden area ng bahay ni Lucifer, three nights ago.
Sumama ang loob ko nang ibalik kay Aki ang cellphone. Hinanap agad ng mga mata ko si Rodney. Wala pa siya. Instead, si Bench ang nakita ko. Ganoon rin ang tingin niya sa akin katulad ng iba.
That pervert! Nagawa pa niyang kunan kami ng litrato ni Amir noong gabing ‘yon? At ang malala pa roon, sa anggulong nakunan niya sa litrato, mukha kaming naghahalikan. Kuha ‘yon noong napuwing ako at lumapit si Amir sa akin para hipan ang mata ko. Kuha ‘yon sa likuran kaya’t medyo natakpan ang totoong ginawa ni Amir at kung titingnan mo ang litrato, para talaga niya akong hinahalikan.
“Izzy, tell us the truth,” sabi ni Aki.
“Kayo na ba talaga ni Amir?” tanong naman ni Maya. “And that you were making out in the garden area that night?
BINABASA MO ANG
A Dark Cloud's Bright Side [Completed]
RomanceKung si Isaac De Jesus ang tatanungin, kung hindi rin lang ang kaklaseng si Bench Nelson ang magiging partner niya sa animation project nila, kahit sino na lang...huwag lang si Amir Evans. Date Started: April 22, 2024 Date Finished: May 31, 2024