Chapter 12

669 44 6
                                    


ISAAC

Mabilis naming dinala si Amir sa clinic ng resort. 

Halos ayaw umalis ni Bench sa clinic kasama ko habang wala pa ring malay roon si Amir. Kung hindi lang siya tinawag ni Mr. Cunanan ay hindi ito aalis. Nag-aalala rin siya para kay Amir. Ang sabi ng nurse kanina, masyadong napagod ito dahil sa ginawa naming activity kaya siya nahimatay. Nabanggit ko ring kanina pa masakit ang ulo ni Amir. Posible raw na may migraine episode ito at ang halo-halong pagod at sakit ng ulo ang naging dahilan ng pagpass out niya kanina. 

Habang nasa clinic, ginamot ko na rin ang sugat na natamo ko sa pakikipag-away kay Rodney kanina. Hindi ko iniwan si Amir at naupo lang sa couch. Ang sabi kasi ng nurse, maya-maya lang, magkakamalay na siya. Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan bago nangyari ‘yon. Pagkagising ko, wala na si Amir sa loob ng clinic. 

Lumabas ako at babalik na sana sa kwarto namin sa pag-aakalang nandoon na siya pero bago pa ako makarating roon, natanaw ko si Amir sa may dalampasigan, may kausap na matandang lalake. Mukhang local lang ‘yon rito sa resort. Nainis nga ako dahil hindi man lang niya ako ginising at iniwan lang ako sa clinic nang mag-isa. Ngayon ay makikita ko siya na parang walang nangyari at nakikipag-usap na. Ano kayang pinag-uusapan nila?

Hindi na ako lumapit pa. Pinanuod ko lang si Amir habang kausap ang matandang lalake. The old man was pointing at the boat beside him. Nakita kong tumango-tango lang si Amir bago tuluyang umalis ang kausap. Amir then turned to my direction and saw me. Seryoso itong naglakad palapit sa akin. 

“Gising ka na pala,” walang kabuhay-buhay niyang sabi sa akin nang makalapit. 

Kinunutan ko siya ng noo. “Bakit hindi mo ako ginising?” tanong ko. “Saka, okay ka na ba? Kumusta na ang pakiramdam mo? Hindi ka na ba nahihilo or anything?” nag-aalala kong tanong kay Amir. “Nahimatay ka kanina.”

“It’s just the headache…and maybe because I didn’t get enough sleep last night,’ seryosong sagot niya sa akin at nagsimulang maglakad paalis. “Okay na ako. Ipapahinga ko lang ‘to sa kwarto ulit,” sabi pa niya. 

Hinayaan ko na lang siya at hindi na sumagot. Mukhang okay naman na siya kaysa kaninang umaga. Siguro nga ay dahil lang ‘yon sa sakit ng ulo niya at sa mga nangyari kanina. Kahit papaano, nabawasan ang pag-aalala ko. 

Sumapit na ang gabi. Naging awkward ang hapunan sa may dining hall dahil sa nangyari sa dalampasigan kaninang umaga. Hindi kami nag-usap ni Rodney pagkatapos no’n dahil hindi ko siya kayang kausapin pagkatapos ng ginawa niya. Halata ring galit ito sa akin. And even if that never happened, galit pa rin naman ako sa kanya dahil sa mga nakita ko sa cellphone niya. He’s a pervert. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon para sabihin ‘yon kay Bench.  

Even Maya and Aki were mad at Rodney because of what happened earlier. Lalo pa’t magkaka-team kami kanina. Bukod sa hindi nila matanggap ang pagkatalo, naiinis rin sila para sa akin dahil sa ginawa nito. I just told them that I was okay. 

Maaga akong nakatulog dahil na rin sa pagod na dulot ng maghapon. Ganoon rin Amir na hindi na naghapunan dahil tulog pa rin mula noong makabalik ito sa kwarto. Sinusulit ang mga nawalang lakas kanina. 

Nagising ako nang marinig ang pagsara ng pinto ng kwarto. Wala na si Amir sa kama niya. Nang tingnan ko ang oras mula sa cellphone ko, alas-dose na ng hatinggabi. Pupungas-pungas akong bumangon mula sa kama at tumayo para sumilip sa bintana. Nakita kong naglalakad si Amir papunta sa may dalampasigan. May dala itong isang eco bag na hindi ko alam kung ano ang laman. Saan naman kaya pupunta ang lalake na ‘yon sa mga oras na ‘to?

Dali-dali akong lumabas at palihim siyang sinundan. Maingat at marahan ang bawat paghakbang ko papunta sa may dalampasigan. Lumapit siya sa isang bangka. Iyon ang bangkang nakita ko kaninang tanghali. Tinanggap niya ang telang nakatabon sa likuran noon at inilagay ang eco bag na dala. Tinabunan niya ulit ito bago naglakad papalayo. 

A Dark Cloud's Bright Side [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon