Chapter 19

591 39 3
                                    

ISAAC

Kinakabahan akong huminto nang nasa tapat na kami ng bukas na gate ng bahay ni Lucifer. Maririnig ang ingay ng magkahalong tunog ng musika at tawanan mula rito sa labas. I suddenly feel nauseous.

"Sabi ko naman sa 'yo, huwag na tayong pumunta." Nilingon ko sa likuran si Amir. Nakapamulsa at nakatingin sa akin nang seryoso. Mukha rin siyang nag-aalala. "Masisira lang ang gabi mo 'pag nakita mo 'yong dalawa," dagdag pa niya.

Huminga ako nang malalim bago siya tuluyang hinarap. "Hindi lang ako sanay sa mga party, Amir. Kaya ako kinakabahan. Sigurado naman akong hindi lang mga kaklase natin ang inimbita ni Lucifer," sambit ko. A part of that was also because of Bench and Rodney dahil tama siya, posibleng masira ang gabi ko 'pag nakita ko silang dalawa. "Pero gusto kong pumunta," paglilinaw ko. Sinenyasan ko si Amir na pumasok na kami sa gate pero bago pa ako tuluyang makahakbang, hinawakan niya ang kamay ko.

"Are you really sure about this?" tanong niya sa akin. "If you're just doing this for me, please, you don't have to." Seryoso niya akong tiningnan sa mga mata ko. "Ayokong dahil sa akin, makita mo 'yong mga taong ayaw mong makita."

Inilingan ko si Amir at nginitian. Hinawakan ko rin ang kamay niya. "I'm doing this because I want to." That was a partial lie. Tama naman siya. I'm doing this because of him. Ayokong bumalik agad siya sa bahay nila. And because I felt bad for him. "T'saka, makikita at makikita ko rin naman ang mga 'yon, Amir. Malapit na rin ang pasukan. Wala namang rason para iwasan ko pa sila. In fact, I shouldn't be avoiding them," I realized.

Ngiti at pagtango lang ang isinagot sa akin ni Amir bago tuluyang bitawan ang kamay ko. Tuluyan na kaming naglakad papasok ng gate hanggang marating ang malaking pintuan ng bahay ni Lucifer. When we opened the door, bumungad sa amin ang dagat ng mga taong nagkakasiyahan. Magulo, maingay, at madilim. Ang tanging ilaw lang ay 'yong disco lights na patuloy sa pagfa-flash sa buong paligid.

Hinanap ng mga mata ko ang mga kaklase namin, particularly, si Lucifer. May mga nagsasayaw na at lasing. Kanina pa nagsimula ang party at anong oras na rin kaya hindi na nakapagtataka. Ang iba ay kung hindi nakaupo sa isang tabi at umiinom, nakatayo at nakikipagkwentuhan. May makikita ka ring naghahalikan sa gilid na parang may mga sariling mundo. Karamihan sa mga nandito ay hindi ko kilala. Iilan lang ang mga kaklase kong nakita dahil baka kanina pa silang nakaalis.

And just when I thought wala na sina Bench at Rodney sa party, nagkamali ako.

Habang hinahanap si Lucifer, lumapit sa amin ni Amir si Rodney, mukhang lasing na at may dalang inumin. "What are you two doing here?" nakangising tanong niya. "Imbitado ba kayo?" mayabang pa niyang dagdag.

Palapit sa likuran niya si Bench at agad na nagtama ang mga mata namin. He looks...dashing as always.

"Fuck off, Trinidad. Hindi mo party 'to kaya wala kang pakealam kung imbitado kami o hindi," asar na sagot sa kanya ni Amir.

"Aba, ang yabang mo, ah?"

"Bakit? May angal ka?"

Kakasa na sana si Rodney pero agad na pinigilan ni Bench. "Rod, stop." Tiningnan niya si Amir bago bumaling ng tingin sa akin. Ngumiti siya nang maliit. "Let's just enjoy the party, okay?"

Kumalma si Rodney matapos sabihin 'yon ng katabing si Bench pero ang katabi kong si Amir, ayaw paawat. "Sabihin mo lang kung gusto mo ng gulo, pagbibigyan kita."

Hinawakan ko ang braso ni Amir. Lalapit pa kasi sana ito sa dalawa. "Huwag mo nang patulan 'yan, Amir," bulong ko na pinakinggan naman niya.

Bago pa makabanat ulit si Rodney sa amin, naramdaman ko na lang ang biglang pag-akbay ng kung sino sa balikat ko. Ganoon rin sa balikat ni Amir. Si Lucifer pala 'yon. Amoy alak at mukhang lasing na lasing na.

A Dark Cloud's Bright Side [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon