Prologue

143 10 9
                                    

"Alina! Tama na pag pipicture! Pumunta ka dito! Call Jian! Gumalaw galaw naman kayo at maya maya ay mag gogoodbye na tayo sa isa't isa!" Sigaw saakin ni Kaycee na nasa pool ngayon kaakbay ang jowa niya, matalik kong kaibigan si Kaycee at Jian. Si Kaycee, madaldal at medyo uto uto sa pag ibig. Sana 'di siya mauto ni Jap, ang jowa niya.

Tiningnan ko muna ang mga picture na kinuha ko. Napa "Yes." naman ako nang nakuhanan ko ng picture yung kanina ko pang sinusulyapan.

"Wait lang! Lagay ko lang camera ko sa cottage." Tumango naman siya sa sagot ko at dumaretso ako sa cottage. Nandoon ang iba kong kaklase at si Jian na nakatawa habang nag cecellphone sa upuan. Nakikipaglandian nanaman. Si Jian ang bakla kong kaibigan. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Kaycee dahil mula grade 7 ay mag kaibigan na kami. Alam ko na ang tipo niya sa mga lalaki ang 'yong may mga malalaking biceps, isa sa mga naging ex niya ay jejemon na hinihiling na bumalik siya sakaniya. Nakakakilabot! At... Agh! Too many to mention!

Binato ko siya ng tissue na nakita ko sa table. "Sino yon?!" Lumaki ang boses niya na kala mo'y hindi bakla.

"Ako? Bakit? Aangal ka?" Sabi ko habang nilalagay sa bag ang camera at kumukuha ng towel.

"Ay! Bakla! Tara na mag swimming! Ikaw iniintay ko eh," Biglang lumiit ang boses na sabi ni Jian.

"Tara! Kaya nga nandito ako, tinatawag na tayo ni Kaycee." Sagot ko at inilugay ang hanggang siko kong buhok na naka tali kanina.

Tumango naman siya at tumayo na din para kumuha ng towel. Inayos pa niya ang sarili bago kami pumunta sa pool. Nang nasa tapat na kami ng pool tumalon agad ako dito at narinig ang mga hiyawan ng mga tao sa pool, kaanina pa'ko init na init kaka picture!

"Alina naman! Naglalambingan yung tao dito e!" Sabi ni Jap, pinupunasan ang mukha dahil sa tumalsik na tubig kanina sa pagkatalon ko. Tinawanan ko lang siya at binasa pa lalo ng tubig.

Pumunta ako sa tahimik na bahagi ng pool at doon tumambay mag-isa.

Nang napagdesisyonan kong umahon, nakita ko na halos kalahati na pala ng section namin ay nandito! Nakita ko ang ibang mga kaklase na nag tatampisaw ng tubig sa isa't isa, ang mga mag jowa na nag bebebe time sa gilid at ang mga walang balak lumangoy na nakahiga lang sa poolside lounge chairs. Ang mga nandoon ay nag kwkwentuhan at kumakain pa.

"Goodluck everyone. Do well in you college life and I will surely miss you all. Lalo na ang mga kalokohan ninyo."

Iyon ang sabi saamin ng adviser namin nang mag tipon tipon kami sa cottage para mag message na sa isa't isa. Tapos na kasi mag swimming ang lahat. Kasama ito sa plano namin bago maging college. Ang mag swimming para i-celebrate ang graduation namin noong nakaraang linggo. Noong isang linggo pa namin ito plinano dahil ito na ang last days namin bilang highschool. At ayon nga! Natuloy naman at hindi naging drawing ang swimming namin.

"We will not forget you ma'am!" Sigaw ng isa kong kaklase mula sa likod.

"Ma'am, we are grateful na naging part ka po ng journey namin being highschool. Goodluck din po at promise! Bibisitahin ka po namin kapag may time." naiiyak na sabi ni Andi.

"Ma mimiss ka namin Ma'am!" si Jap. Tuloy tuloy sila sa pag sigaw ng kung ano ano nang yumuko si ma'am.

"Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!" They all chanted na sinimulan ni Marvin. Nang mag takip ng mukha si ma'am ay nagkumpulan na kami sa harap niya at nag group hug. Mamimiss ko 'to...

Nang maka get over na sa dramahan namin kasama si ma'am, sa mga kaklase naman kami nag paalam. Isa isa ko silang pinicturan kahit hindi naman sila nag papa picture.

Nag presenta kasi ako na picturan ang lahat. Hobby ko kasi ang kumuha ng mga litrato. Simula bata ako, nahiligan ko nang picturan ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. They even labeled me as 'Ms. Memory Keeper' dahil wala daw tigil ang pag pipicture ko. I dont take pictures of myself, I take pictures of people around me.

Through the Lens (Through Series #1)Where stories live. Discover now