Chapter 1

50 7 2
                                    

Narito ako ngayon sa kwarto, nakasandal sa gaming chair at nakatulala sa picture namin sa laptop. Ang heart pose ni Jap at Kaycee, ang matamis na ngiti ni Andi, ang nakapikit sa picture na si Marvin, ang seryosong mukha nila Karl at Nicko, ang nakadilang pose ni Jian at ang pagakbay sa akin ni Dale na kala mo'y sobrang close namin! Ni hindi ako naka ngiti at kitang kita ang gulat sa mukha ko habang siya... gwapo pa din at maliit na ngumiti.

Sa nangyari kahapon, hindi ako nakatulog sa pag-iisip ng mga hindi kapanipaniwalang bagay tulad ng...

Kung crush niya ba ako?

Kung may meaning ba 'yong pag akbay niya sa'kin?

Kung meron, bakit 'di niya ako chinachat?

O 'di kaya naawa lang sa'kin? Kasi para akong tangang nag hahanap ng pwesto?

O baka naman nainis at di na nakapagtimpi?

Hindi! Erase! Erase! Nakita ko nga siya kahapon na kasama si Cy eh bakit ako mag aassume? Dun na siya!

Pero bakit kasi siya umakbay?!

Napasabunot nalang ako sa sariling buhok sa pag iisip ng mga bagay bagay. Walang meaning 'to! Hindi dapat siya ang iniisip ko! Ang admission ko dapat sa HU ang iniisip ko!

Last week ako nag take ng exam at next week pa daw ako makaka receive ng letter kung accepted or rejected ba ako sa university. Dream university ko ang Halligre University kaya I really hope I get in!

Umalis ako sa pagkasandal sa upuan at nag cellphone para ma distract din ako kahit papano.

Nang ma-open ito ay nagulat ako! Punyeta! 5 Notifications! Dali dali akong nag tipa ng reply sa mga nag chat.

From: Jian lang sa gilid
send pic!!! bagal naman ni bakla

To: Jian lang sa gilid
Wait sorry! Kakagising ko lang!

Pagsisinungaling ko. Aba! Ayaw ko namang sabihin na kaka isip ko kay Dale ay nakalimutan ko nang i send ang mga pictures. Ni walang may alam na crush ko si Dale!

From: Ms. Pres
Alina thank you for capturing our moment yesterday! Pasend na din ng picture sa gc. I know they're dying to see the pictures

To: Ms. Pres
Hi pres!! Wait lang! Aayusin ko lang sa google drive!

Agad na nag seen si pres at nag type ng reply.

From: Ms. Pres
Take your time :)

I reacted heart to her message and nireplyan naman si Jap.

From: Jap
PARE YUNG PICTURE NAMIN NG JOWA KO NASAN
ISAMA MO NA YUNG PICTURE NIYA NA SIYA LANG MAG ISA
ay capslock pala xD xD

To: Jap
Pakyu ang landi mo
Sesend ko mamaya, aayusin ko lang sa google drive

Dali dali kong nilipat sa google drive ang sandamakmak na picture at nag intay ng ilang minuto. Nang nailipat na lahat sa google drive ay ipinasa ko na sa gc naming magkakaklase ang mga litrato. Ni hindi ko na na check kung kompleto ba 'yong sinend ko!

To: Grade 12 STEM 💚
Sent an attachment.
Sorry nalate! Bagong gising lang!!

Ang bibilis magseen! Inabangan talaga!

From: Andi (Grade 12 STEM 💚)
Thank you ulit Alina!

From: Kaycee (Grade 12 STEM 💚)
THANK YOUU BFF THE BEST KA TALAGA MAG PICTURE ANG GANDA KO

From: Jap (Grade 12 STEM 💚)
SALAMAT ALINA ANG GWAPO KO TALAGA SA CAMERA MO, MAY PANG PROFILE NAKO XD XD

I reacted heart to their message at ang ibang kaklase ko ay hineart ang message ko. Mabilis kong hinanap ang pangalan ng lalaking kanina ko pang iniisip at nadismaya lang nang hindi makita ang pangalan niya sa mga nag heart react.

Ano ba yan! Panget ng style! Nag basa nalang ulit ako ng mga chat sa gc.

From: Marvin (Grade 12 STEM 💚)
Sa camera lang ni Alina, Jap. Hahahahahaha

From: Kaycee (Grade 12 STEM 💚)
EXCUSE ME?!?? ANONG SA CAMERA LANG NI ALINA?!?? PATI SA MATA KO ANG POGI POGI NG BEBE KONG YAN!

From: Jian (Grade 12 STEM 💚)
ang lalandi ampota wag na wag kayong mag papakita sakin

From: Andi (Grade 12 STEM💚)
Jian! Nandito si ma'am!

Malakas akong tumawa sa sermon ni Andi kay Jian. Mga mahaharot naman kasi talaga!

From: Cy (Grade 12 STEM 💚)
cute mo dito Marvin, sleepwell
Sent a photo.

Clinick ko ang picture at nakita ang naka zoom na picture ni Marvin na naka pikit sa picture pero nakatawa. Malakas akong napatawa at lalo pang natawa sa reply ni Marvin.

From: Marvin (Grade 12 STEM 💚)
Alam ko namang cute ako! Siguro crush moko kaya mo tinitingnan ang picture ko... 😜 Nahiya ka pa talagang mag pa picture sakin kahapon hahahhahah

From: Cy (Grade 12 STEM 💚)
ew, as if! 🙄

From: Marvin (Grade 12 STEM 💚)
Kunwari ka pa 😂 Baka kinikilig ka na dyan hahahahhahahah

From: Kaycee (Grade 12 STEM 💚)
BAWAL ANG MGA ASSUMING SA GC NA TO

Oh no, kaka assume ko lang kanina.

To: Grade 12 STEM 💚
Hala? Bakit mo'ko pinapaalis? Nananahimik ako dito

Natawa ako sa sarili kong reply, atleast honest! Madami ang nag haha react sa bardagulan ng dalawa, buti at hindi online si ma'am, kung online siya, tahimik ang gc.

Nagtipa ulit ako ng reply nang may maalala. Wala pa akong ginagawa ay natatawa na agad ako.

To: Grade 12 STEM 💚
May mas malala pa diyan HAHAHAHAHAHAHA
Sent a photo.

Sinend ko ang picture kahapon ni Marvin na nangungulangot sa pool. Malakas akong tumawa habang naka hawak sa tiyan. Siguro kung may tao dito sa bahay at pumasok sa kwarto ko, mapagkakamalan na akong baliw. Patago ko pa 'yong kinuha dahil ipopost ko sana 'yon sa birthday niya.

Napatigil ang tawa ko nang makitang nag seen bigla si Dale!

Kinusot kusot ko pa ang mata ko para tingnan ko siya ba talaga yung bilog na nag seen, at siya nga! Punyeta! Wait lang naman! Hindi ako ready! Mag papalamon na'ko sa lupa! Ibabaon ko na sarili ko!

Sa 'di malamang dahilan, nakita ko nalang ang sarili na tinitingnan kung sino ang nag heart react doon sa google drive na sinend ko.

Impit akong sumigaw nang hineart ni Dale ang sinend ko!

Wala na! Crush niya ako! Sure na'ko! Hindi ako nag kakamali!

Tumayo ako at sinubsob ang sarili sa unan para sumigaw. Nakita niya picture namin! Iisa lang kasi ang picture na meron kami. Iyong naka akbay lang siya sa'kin, ang iba ay palihim kong picture sakaniya 'nong nasa pool siya.

Agad akong bumangon sa naalala.

"Shit. Shit. Shit!"

Dali dali kong kinuha ang cellphone at binuksan ang google drive. Hinanap ko agad ang picture niya na solo siya sa pool.

"Tangina!"

Nasama yung palihim kong picture sakaniya sa google drive!

Through the Lens (Through Series #1)Where stories live. Discover now