Chapter 13

13 2 1
                                    

sorry po for the late update ):

--

Two weeks have passed and it's my first day of school! Excited na'ko pero at the same time kinakabahan. Today is my first day of being a nursing student. Pinaghandaan ko 'to! Nag-advance study ako para may alam na agad ako pagtapak ng classroom pati para hindi na ako mahirapan sa mga dadating pang araw.

Last week I bought school supplies with Jian. Fine Arts ang kukunin niyang course. He's good in painting. Hindi lang halata. Fine Arts was also my option because I love taking photos but I also want to take care of patients same as my mother and brother. Kaya naman nang mapagisipan ko ito ng mabuti, mas pinili ko ang nursing.

Before leaving, I looked at myself again in the mirror. I'm wearing my nursing uniform and made my hair a bun, I smiled to myself while holding my bag hanging on my shoulders.

"Goodluck Alina!"

Nagpahatid lang ako sa driver ko papapunta sa HU. Yung bodyguard ko dati nilipat sa office ni Dad. Tita Harry visits Dad on his office last time e. Mabuti na nga lang at pinapaalis siya agad ng mga guard sa company. Hindi na rin siya pumupunta sa bahay dahil hinigpitan ni dad ang security sa bahay, sinabi niya na rin sa guard ng subdivision na huwag siyang papasukin kaya naman these past few days ay nakakahinga na ako ng maluwag.

I arrived at the school and ibinaba ako ni Kuya sa gate dahil sa dami ng tao. Some are wearing a nursing uniform like mine and some are wearing casual clothes and pants.

Dumaretso ako sa guard at tinanong sa guard kung saan mahahanap yung room ng mga nursing.

"D'on lang ma'am may nakasulat d'on na list ng mga students kung saang room yung pupuntahan."

Nag pasalamat ako kay kuya at dumaretso sa tinuro niya. HU is so crowded! It was so different when I last visited. Ang peaceful dati e. Ngayon puro ingay, tawanan at tunog ng kotse ang mayroon. Ang dami ring mga kotse na naka park sa parking lot. Parang nga kotse ng mga estyudante.

Dumating ako sa isang hallway at hinanap ang board kung saan nakalagay ang mga listahan ng pangalan. Sumiksik ako sa mga taong nakatingin sa board and looked at the nursing student paper and immediately find my name there.

"Dela Cruz... Dela Cruz... Dela Cruz!" I found my name! I belong in section A! Tiningnan ko sa taas ng paper kung saan ang room na ito at ang sabi ay sa second floor at room daw na katabi ng laboratory. Excited na'ko!

Umalis ako sa mga nagsisiksikang tao at nakita ang QR code ng map ng HU, dito daw mahahanap kung saan ang building ng mga students.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at in-scan ang QR code na nakadikit sa wall. Right after I scanned I saw the entire map of HU on my cellphone. Ang nursing building ay malapit lang sa entrance kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

There are two more building behind the nursing building, yung una ay ang medical technology building and for doctors na building. Magkasama pala sila. Buti at wala kaming kahati. Sa likod naman ng building ng mga doctor ay ang fine arts and architecture building. Ang building nila Jian.

Agad kong pinuntahan ang building ng nursing at sinundan ang daan na nasa map. Pagkapasok ko ay bumungad saakin ang malamig na hangin. Grabe, may aircon sa loob! Buti naman at may aircon kasi ang init sa labas! Ang daming daan bago makapunta dito!

I went to the stairs only to find so many people going up and down! Mostly nursing student! Ang naalala ko pumasok akong fresh? Bakit parang papasok akong haggard?!

Sumiksik ako sa mga estyudanteng paakyat at pababa para maka punta sa second floor. Buti nalang at naka aircon ang building kung hindi pawis na ako! Ang init pa naman ng suot ko. Thank you HU!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Through the Lens (Through Series #1)Where stories live. Discover now