"Alina! Ito foods niyo!" Napatayo ako nang kumatok si Ate Rona sa kwarto. Kasalukuyang naghihilamos ngayon ng mukha si Kaycee at kachat ni Jian ang bago niyang kausap sa ig.
Nagpasalamat ako sa dinala ni Ate Rona at tinanong kung naka uwi na ba si Dad dahil mag gagabi na. Ang sabi niya ay hindi pa kaya pumasok na ako sa kwarto at nilagay ko ang lutong samyang sa small table ko, malapit sa bintana. Dadalhin nalang daw ni ate Rona ang tubig para hindi na ako bumaba. Ang dala niya kasi ay nakalagay sa tray, three bowls tapos isang bowl na may laman na samyang, sa tabi n'on ay mga chichirya at chopstick.
"Bango naman! Kaycee bilis kakain na!" sabi ni Jian na napatayo sa sofa.
"Teka lang! Tangina niyo kasi! Ang kapal!" Sigaw ni Kaycee mula sa banyo. Tumawa kami ni Jian at hinawi ko ang kurtina.
Napatakip ng bibig si Jian nang makita ang tanawin. "Hala! Ang ganda pala nito tingnan sa hapon!" kinuha niya agad ang cellphone sa bulsa niya at pinicturan ang view.
"Right? Mas maganda sa umaga kasi sunrise,"
"Wahh! Kaycee! Gising tayo maaga bukas!" sigaw niya kay Kaycee.
Tiningnan ko ang likod ko at nakitang lumabas na ng banyo si Kaycee, malinis na ang mukha. "Ang hirap tanggalin nung eyeliner! Bwisist ka-- Gago!" Gulat siyang lumapit kay Jian na nagmamasid sa bintana. "Ang ganda!"
"Picturan ko kayo, gusto niyo?" Sabi ko at um-oo naman sila. Pagkatapos ko silang picturan ay nagkasundo na kaming kumain habang tinitingnan ang tanawin. Dinala na rin ni Ate Rona ang tubig kaya naman pagkatapos namin kumain ay nag kwentuhan muna kami saglit.
"Jenga mamaya ha," sabi ni Kaycee, kumukuha ng samyang sa bowl.
"Jian sino ba 'yang ka chat mo?" tanong ko nang napatingin ako kay Jian.
Binaba niya ang cellphone niya bago mag salita, "Crush ko," sabi niya at nag kunwaring inilagay ang buhok sa likod ng tenga.
Sabay kaming napa-"ew" ni Kaycee.
"Ang bitter! Ikaw Kaycee porke may jowa ka ah!" Sinamaan ng tingin ni Jian si Kaycee, "Ikaw naman Alina kala mo walang crush!" Pag-irap saakin ni Jian.
"Nakakausap ko na crush ko 'no!" dere-deretso kong sabi.
Agad akong napatakip ng bibig sa sinabi ko.
Shet! Lowkey dapat 'yon!
"Ha?!" Napatayo sa kinauupan ang dalawa.
"Gago baka bukas, malaman ko nalang na kayo na pala ah!" si Jian.
"Okay tara na maglaro ng truth or dare! Ready na ang mga katanungan ko!" sabi ni Kaycee at kinuha ang jenga para maiayos na ito.
Ang tanga naman Alina! Nabigyan ko pa tuloy siya ng idea!
Baka kapag nag truth ako, tanungin niya kung sino ang kausap ko! Pero ang huling paguusap lang naman namin ay yung nag pasalamat siya. Yun lang! Boring!
"Tara muna kumain lalamig 'yan!" I said hoping that this will stop them from playing. Napa upo naman agad ang dalawa at dali-daling kumain.
Nang matapos kumain ay hinanda na ng dalawa ang jenga at wala na akong nagawa nang bumilog sila sa sahig.
Nagbato-bato pick ulit kami para malaman kung sino ang una. Nanalo si Kaycee kaya siya ang una, ako ang sunod at huli si Jian.
"Kada bunot, tatanungin kung truth or dare ha!" sabi ni Kaycee bago siya bumunot.
"Pano kapag nahulog yung tower?" I asked, curious.
"Gagawin both!" masiglang sabi ni Kaycee nang matanggal ang isang block. "Okay, truth!"
YOU ARE READING
Through the Lens (Through Series #1)
RomanceAlina Dela Cruz an aspiring Halligre University student has always been loving to capture all little moments with her valuable camera given by her mother when she turned 16. Alina loves taking pictures of peoples but never took a picture of herself...