"Ito kaya?" Itinaas ko ang kamay ko habang hawak ang isang libro.
Nandito kami ngayon ni Dale sa national bookstore, naghahanap ng pwedeng ipangregalo sa kapatid niya. Birthday daw kasi ng kapatid niya bukas.
"Nabasa na niya 'yan e." He chuckled. Sumimangot ako at binalik ang libro sa dati nitong lagayan bago naghanap ng iba pang libro. Mahilig daw magbasa si Dane, ang kapatid niya, kaya naman libro ang ireregalo sakaniya ni Dale.
"Ito! About supermans!" sambit ko at humarap kay Dale na katabi ko, naghahanap din.
"13 years old na siya Alina." He laughed again. Nahihiya ko tuloy na nilagay ang libro sa dati nitong lagayan, akala ko mga 7 years old lang yung kapatid niya!
Pumunta ako sa ibang section ng books at iniwan siya doon. Baka mayroon ditong pang 13 years old.
While looking around, a book caught my attention. Kinuha ko agad ito at lumapit kay Dale.
"Ito na talaga!" nakangiti kong sabi habang hawak ang Bible.
Pwede 'to sa 13 years old!
"Alina..." He looked away and covered his mouth to laugh. Ano nanaman?!
He faced me, smiling. "Mayroon ng ganyan sa bahay, nabasa niya na rin siguro."
I groaned. "He's a book addict!"
"Yup, more than you thought." He chuckled. Lumipat siya sa kabilang side ng mga books at ganoon din ako.
Pati na rin ang bodyguard ko. He's still six feet away from me. Buti at hindi siya nangangalay! Kanina pa siyang nakatayo!
My mouth formed an 'o' when I saw a book fit his age. Kinuha ko ito at binasa ang unang page.
This is interesting! It's about puberty.
"Dale!" I called him, "Promise! Ito na talaga!" excited kong sabi at binigay sakaniya ang book. Inabot ko sakaniya ang libro at kinuha niya naman ito, binuklat niya ito at binasa ang unang pahina. Napangiti naman siya habang binabasa ito.
"I'll get this." He said as he close the book.
Napangiti ako nang umalis na siya para bayadan ito sa counter.
I found myself taking little jumps in satisfaction. He ordered what I suggested!
I almost had a mini heart attach when someone coughed behind me. Agad akong umiwas ng tingin at napapikit ng mariin nang makita ang bodyguard na nakatingin saakin.
Tumakbo ako papunta sa labas ng national bookstore, hiyang hiya. That's so embarrassing. Nakita niya akong kinikilig!
Pagkatapos ni Dale bilhin ang libro ay ako naman ang sinamahan niya upang bumili ng chocolates. Paubos na kasi yung stocks ng chocolate ko sa bahay kaya bibili na ako ng bago. Habit ko na ang pagkain ng chocolates kapag nag-aaral e. It keeps me energized to study.
"What chocolates do you like?" tanong niya habang naglalakad kami sa grocery.
"Any chocolates with caramel." I said without looking at him.
"Does that include MilkyWay?"
I nodded and looked at him. "That's my favorite." Nginitian ko siya at binalik na ang tingin sa daan.
Hindi na uli siyang nagsalita at sinabayan lang ako sa paglalakad. I noticed that in our conversation, siya mostly ang nag fifirst move.
I also noticed that we got along easily since hindi naman awkward ang unang pagkikita namin kanina. Last time kasi sa cafe naiilang pa ako! Probably because of the first interaction.
YOU ARE READING
Through the Lens (Through Series #1)
RomanceAlina Dela Cruz an aspiring Halligre University student has always been loving to capture all little moments with her valuable camera given by her mother when she turned 16. Alina loves taking pictures of peoples but never took a picture of herself...