Chapter 4

16 8 2
                                    

"H-Huh?" Gulat akong tumingin sakaniya.

Shet!

Nag add siya sa'kin sa facebook?! Kelan?! Bakit hindi nag pop up yung notification?

Ano ba yan problema to facebook! 

Pero ang mahalaga, ginalaw niya ang baso! Does it mean na crush niya ako?!

Da freak?!

Nakaiwas tingin siya bago humarap saakin, "Never--" 

"Sure! I didn't know na nag add ka sa'kin! Sorry!" I laughed. Pinutol ko ang sasabihin niya dahil baka bawiin niya pa.

I saw a small smile from his lips before he looked away. Napaiwas din tuloy ako ng tingin sa nakita!

Ang pogi!

Kung dala ko lang ang cellphone ko ay harap-harapan pa kitang inaccept!

Pero did I say it too excited? Shet, mahahalata na crush na crush ko siya. Wag naman sana!

Pati shempre papapasukin ko 'yan sa facebook ko! 'Di tulad ng mga jejemon na nakatambay sa friend req--

"Tara na?"

Nagising ako sa realidad nang ayain niya na ako pabalik sa table. Tumango lang ako at nginitian siya.

Magkatabi kami ngayong naglalakad papunta sa table. My gosh! Paki suklay nga ng mahaba kong buhok!

Pagkaupo ko sa upuan at lumapit saakin si Kaycee. Si Kaycee lang kasi ang walang ginagawa.

"Anyare girl? Ba't kayo magkasama?" Biglang bulong ni Kaycee pagkalapit saakin.

"Ha? Basta." Maikli kong sabi at umiwas ng tingin.

"Tsk... Ba't mukha kang kamatis?" Concerned na sabi ni Kaycee. Inis ko siyang hinampas at umaray agad siya. She paused for a second and she looked like she realized something, "Shet so si Dale nga?! Kinikilig ka?!" mahina niyang sabi.

Kumunot ang noo ko, "Stupid! Dun ka na!" Tinulak ko siya palayo sa'kin.

Bakit ba palagi nalang tama si Kaycee? Kanina ang hula niya ay si Dale! She's really into it! Buti nalang at si Kaycee lang ang nakapansin sa aming sabay pumunta sa table.

"Kaycee nasa'n na ba daw si Jap?" Sabi ni Jian noong umupo na sa upuan si Kaycee.

"Papun-"

"What's up mga shokoy! Nandito na ang hari ng mga pogi!" Biglang sigaw ni Jap mula sa entrance ng cafe. Nakakahiya! Binigyan tuloy namin siya ng masamang tingin. Kita kong tumingin sakaniya ang ibang nasa table kaya napakain nalang ako ng donut na libre daw nila Marvin.

"Kadiri ka gago." Komento ni Marvin at nag kunwari pang nasusuka.

"Feeling mo!" Binato ni Jian si Jap na papalapit saamin ng tissue.

"Ang sama ng ugali niyo, palibhasa mga inggit kayo!" Jap said pulling a chair beside Kaycee.

"Ulol!" Sabay na sabi nila Jian at Marvin.

Natawa nalang kami nila Paulo at Dale. Si Kaycee naman ay nakayapos na agad kay Jap na katabi niya ngayon. Talagang sa harapan namin!

"Galit ako sa'yo." Ngumuso si Jap.

"Sorry na, nag tatawanan kasi kami kanina." Humigpit ang yakap ni Kaycee kay Jap.

"Para kayong tanga, 'dun nga kayo." Iritang tinuro ni Jian ang bakanteng lamesa sa tabi namin.

"Ayoko! Dito kami!"

"Edi wag kayong mag landian sa harapan namin! Tropa bonding muna!" sambit ni Marvin.

Through the Lens (Through Series #1)Where stories live. Discover now