"Ate Rona, my friends are coming over today, may mga pagkain po ba d'yan?"
Narito ako ngayon sa kusina nag-iintay na maluto ang ulam na kakainin namin ngayon ni ate Rona. Kaming dalawa lang ngayon ang nasa bahay dahil nasa trabaho si dad at si kuya naman ay nasa ospital ulit.
Kinukulit ko si kuya doon sa tinutipuhan niya. Baka kasi pagbalik niya dito sa bahay, may girlfriend na siya! Speed lang!
Pero sabi naman niya ay hihingin pa daw muna niya ang permiso ng babae para manligaw.
Gentleman! Kuya ko 'yan!
"Bibili ako mamaya, ano bang gusto niyong kainin?" saad ni ate Rona at tinikman ang sabaw na niluluto niya.
"Hmm... Siguro po samyang tapos mga chichirya po. Gusto ng mga 'yun ang noodles eh," I laughed.
"Sige-sige, anong oras ba sila pupunta?"
"Baka po--"
Bago ko po maituloy ang sasabihin ko ay narinig ko na may nag doorbell. Tumakbo ako palabas dahil baka sila Kaycee na iyon.
Binuksan ko ang pinto namin at nakita ang dalawa sa labas ng gate. Ang aga nila! Akala ko maya-maya pa!
"Alina!" Sambit nila nang makita akong palabas ng bahay. Naka pajama sila at dala-dala ang maleta.
"Ang aga niyo!" I said as I open the gate for them to get in.
"Gagi te, ang konti na nga ng bahay dito naligaw pa kami!"
"Ang lawak kasi Jian, kaya ganoon!"
Iyan ang bungad nila nang pinapasok ko sila.
Madami pa silang sinabi at ang ingay nila! Mabuti at wala kaming kapitbahay.
Nang makarating kami sa pintuan ng bahay ay inalis nila ang kanilang tsinelas at kumuha naman ako ng house slippers para sakanila.
Pagkapasok na pagkapasok nila sa bahay ay kita ko kung paanong namangha ang mga mata nila.
"Ang ganda ng bahay niyo! Sana dito nalang ako forever." si Jian.
"Wahh! Parang mga bahay ng nasa teleserye!" sabi ni Kaycee, "Thank you Alina," sambit ni Kaycee nang ibigay ko sakaniya ang house slippers, nililibot niya ang tingin sa bahay habang sinusuot ito.
Tinawanan ko lang sila at inanyayahan na ilagay na ang kanilang gamit sa kwarto ko. Umakyat kami at para silang mga batang nagbubulungan, aniya pang rich kid daw na bahay.
Mabuti at ready ang kwarto ko sa pagdating nila, ako lang ang hindi!
"Lamig sis, antartica ba 'to?" Jian joked, looking around my room.
"Ay masyado bang malamig, wait hinaan ko," Kukuhanin ko na sana ang remote pero nag salita si Kaycee.
"Wag na okay na 'to!" sabi ni Kaycee.
"Naka-kain na kayo?" I asked.
"Oo, kumain muna kami ni mommy bago niya ako ihatid dito." si Kaycee. "Ikaw ba, Jian?
"Yes naman!"
"Okay, kakain lang ako sa baba, ayusin niyo nalang gamit niyo d'yan," I said and went to the door. "'Wag kayong makulit d'yan." sabi ko at nag 'okay' sign naman sila kaya bumaba na ako para pumunta sa kusina. Nakita ko si ate Rona na hinahanda na ang kanin, ang ulam ay nasa lamesa na.
"Nandito na sila ate, di ako prepared." I laughed and pulled a chair for me to sit.
Ate Rona also laughed and asked if they already ate, sabi ko naman ay nakakain na sila kaya nagsimula na kaming kumain. Noong tapos na ako kumain ay umakyat na ako sa kwarto, si ate Rona na daw ang bahala sa kakainin namin.
YOU ARE READING
Through the Lens (Through Series #1)
Roman d'amourAlina Dela Cruz an aspiring Halligre University student has always been loving to capture all little moments with her valuable camera given by her mother when she turned 16. Alina loves taking pictures of peoples but never took a picture of herself...