CHAPTER ONE

29 0 0
                                    

"Happy Anniversary Hubby!" Sigaw ko ng biglang bumukas ang pinto ng aming bahay alam ko na sya ang papasok doon dahil nakita ko sa bintana ng aming kusina ang kotse nyang nagpapark sa gilid ng aming bahay.

Ramdam ko ang lamig na titig nya sa akin sinawalang bahala ko iyon at kinuha agad sa lamesa ang chocolate cake na binili ko sa Red Ribbon at agaran akong lumapit sa kanyang harapan.

"Sabay nating ihipan ang kandila ng cake natin hubby ko" Masayang ani ko sa kanya ngunit bigla nya na lamang ako nilampasan sabay panhik sa hagdan para makaakyat sa kanyang kwarto.

Nakatingin lamang ako sa kanya at napaupo sa sofa habang tumutulo ang aking luha "Bakit hindi mo ako kayang mahalin Liam?" bulong ko sa aking sarili.

Ilang minuto akong nakaupo sa sofa ng napag disisyunan ko na ligpitin at linisin ang mga pagkaing nakahanda sa mesa, inilagay ko lamang sila sa food container ng sa gayon magkasya sila sa ref.

Habang naglilinis ako ng kusina naalala ko na naman kung paano kami naikasal.

(F L A S H B A C K)

Isa akong Scholar student sa aming skwelahan may party noon samin para sa mga gagraduate na studyante hindi dapat ako dadalo noong araw na iyon pinilit lamang ako ng aking dalawang kaibigan.

"Sissy ko sumama ka na ano kaba minsan lang magpaparty ang paaralang ito at natyempo sating mga graduating student kaya wag mo na sayangin." Ani ni Sorine

Hindi kasi talaga ako sanay sa party Sorine, at tsaka kung sasama man ako wala akong maisusuot alam nyo naman ang buhay ko hindi ba?" Sagot ko sa kanya.

"Hay nako sa ayaw at gusto mo sasama ka at anong wala kang maisusuot andyan si olivia pahihiramin ka nun." Saad nya

Present hehe!Sulpot ni olivia sa amin tsaka ako niyakap at tinignan "Sama kana miks papahiramin kita ng damit para may maisuot ka." ngiting sambit nito.

Hindi ako sanay sa mga party kaya nasa isang sulok lamang ako at inom lang ng inom ng mga binibigay sa akin ng waiter habang ang dalawa kong kaibigan ay sumayaw malapit sa stage. hanggang sa may naramdaman ako na may lalaking umupo sa aking tabi.

Ayun lamang ang naalala ko sa party na iyon dahil kinabukasan bigla na lamang akong nagising sa sigaw ng babae pagmulat ko ng aking mata nakita ko ang mag asawang Ty.

Kilala ko sila dahil sila ang may ari ng skwelahang pinapasukan ko at sila din ang magulang ng lalakeng gusto ko.

Lumapit sa akin si Mrs Ty habang ang kanyang asawa'y lumabas kasama ang kanyang anak na si Liam Jace Ty.

"Iha halika mag bihis ka muna." ani ni Mrs Ty. sumunod naman ako sa kanya at tatayo na sana ng makaramdam ako ng kirot at sakit sa aking ibabang bahagi.


"Ano pong nangyayari at bakit po ang sakit ng katawan ko?" tanong ko sa ginang.

mamaya na natin pag usapan yan iha tulungan kitang tumayo ng makapag bihis ka muna ah" may pag-alalang sambit nya.

"Salamat po" magalang na ani ko sa kanya

Pagkatapos kong magbihis inalalayan ako palabas ni Mrs Ty Nakita namin ang dalawang lalaki na naguusap sa mahabang sofa kaya inalalayan akong pinaupo ni Mrs Ty sa bakanteng upuan.

At doon ko unang nakita ang galit ni Liam noong sinabi ng kanyang ama na ikakasal ako sa kanya.

(END OF FLASHBACK)

Umiiyak na pala ako habang inaalala ang mga nangyari noon. kung maibabalik ko lang edi sana hindi mangyayari ito.

Sa Limang taon naming pag sasama hindi man lang nabago ang trato nya sa akin.

Minsan uuwi syang lasing o kaya naman may kasama syang babae. Hinahayaan ko lamang iyon dahil alam kong hindi pa sya handa na maikasal lalo na kung sa taong hindi mo naman mahal.

Inaantok na ako ng matapos akong mag linis ng kusina kaya umakyat na ako para pumasok sa aking kwarto

Naghilamos muna ako ng aking mukha bago sumampa sa kama. nagdasal muna ako bago ako humiga sa aking kama.

The Martyr Wife (Series 1)Where stories live. Discover now