Nagising ako sa init ng sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. gumulong ako para maiwasan iyon pero bigla akong napahinto ng tumama ako sa isang matigas na bagay kaya iminulat ko ang aking dalawang mata.
Nagulat ako ng makita ko kung sino ang katabi ko.
Iminulat ni Liam ang kanyang mata at inis na tumingin sa akin "Ang likot mo naman!" Iritadong saad nya.
Bigla akong napalunok ng laway sa titig nya. Iginala ko ang aking paningin at napasapo sa aking noo ng makitang nasa loob ako ng kwarto nya.
"S-Sorry Liam." sabi ko sa kanya at lumayo ng kaunti.
Tinignan nya lang ako at tumayo kinukusot nya pa ang kanyang mata habang papasok sa banyo
Nahiga ulit ako sa kama at niyakap ang kumot na nagtatakip sa aking hubad na katawan. Sumilay ang ngiti sa aking labi ng mapagtanto na kasama ko ang syang matulog sa iisang kama.
Awang awa na siguro sakin ang Tadhana kaya pinag bigyan nya na matupad ko ang isa sa pangarap ko.
Alam ko na hindi nya gusto na may nakakasama sya matulog sa kwarto na ito, lalo na kung ako pa ang kasama nya. kaya nakakapagtaka na hinayaan nya na matulog ako rito.
Tumayo na ako at inayos ang kama nasa banyo pa rin si liam hanggang ngayon hindi na ako nagkapag paalam na umalis dahil baka hindi nya pa magustuhan kung madadatnan nya pa ako roon.
Pagkapasok ko sa kwarto ko dumiretso ako sa banyo para maghilamos wala pa akong balak na maligo dahil maaga pa naman. nag matapos na akong mag ayos ng sarili bumaba na ako sa kusina para makapag handa ng makakain.
Naghanda lamang ako ng toasted na tinapay at kape nagprito na rin ako ng bacon at egg ginawa ko na rin fried rice ang natirang kanin at inilapag ang mga ito sa mesa.
Maya maya lang ay narinig ko na ang mga yapak ni liam pababa ng hagdan kaya lumabas ako ng kusina para salubungin sya.
Tumingin ito sa akin "Kain ka muna." ngiting aya ko sa kanya. tumango naman ito at nauna ng pumasok sa kusina kaya sumunod ako rito at umupo sa tapat nya.
Kain lang sya ng kain at walang nagbalak bumasag ng katahimikan
Hanggang sa tumayo na ito at lumabas ng bahay. sinundan ko lamang sya ng tingin at hindi na nag balak na sundan pa sya palabas.
Kumain na din ako ng tira nyang pagkain at pagkatapos nag linis ako ng bahay pati ang kwarto ko nilinisan ko na rin kahit wala naman itong kalat.
Nang matapos akong mag linis nahiga ako sa kama at nakaramdam ng antok.
-------------
Nagising akong mag aalas otso ng gabi na kaya pumasok ako sa banyo para maligo at makapag handa na ng makakain.
Narinig ko na ang busina ng kotse ni liam pero ang hindi ko inaasahan na kasama nya ang apat nyang kaibigan.
Pumasok sila ng bahay at nakatingin lang sakin ang mga kaibigan nito.
"Hi!, Bakit familliar ang mukha mo sa akin?" tanong ng kaibigan nya na si James.
"Baliw, Nag aaral din sya sa skwelahang pinapasukan natin! asik sa kanya ni Caleb tumingin naman ito sa akin "Tama ba ako miss?" tanong nya.
"Oh pati nga ikaw hindi mo alam baliw ka rin eh!" balik sa kanya ni James kaya napangiti ako sa bangayan nilang dalawa.
"Tama na nga yan tignan nyo oh natatakot na sya sa mukha nyong dalawa!" sabat ni felix na tahimik lang kanina.
Napatingin naman ako kay Liam ng mag salita ito, "You cooked dinner?" tanong nito tumango naman ako.
"Pero pang dalawahan lang iyon, hindi ko kasi alam na may kasama ka." sagot ko rito.
"Ouch hindi tayo isinama sa pagkain ni miss beautiful!" kunwaring nasasaktan na ani ni James
"Saan ang masakit gamutin natin tapos isumbong natin sya sa pulis." ani ni Caleb.
Tumingin naman si Liam sa kanila "Will you please shut up!" bulyaw nya rito napatawa naman si Felix at Isaiah dahil nag anyong tupa ang dalawa.
"Mag hahanda na lang ulit ako ng pagkain para sa inyo ano bang gusto nyo?" tanong ko rito.
Napangiti naman sila at sabay na nagsalita.
"Adobo!" sigaw ni Caleb
"Sinigang!" sigaw ni James with matching palakpak pa.
"Ahm sorry pero kasi kulang ang sangkap sa sinigang pwede sa susunod na lang iyon?" ani ko kay James kaya lumungkot ang mukha nya.
"Huwag ka mag alala next time Sinigang naman iluluto ko para sayo."Ngumiti ito ng sabihin ko iyon kaya pumasok na ako sa kusina para ipagluto sila ng Adobo.
![](https://img.wattpad.com/cover/370280297-288-k412693.jpg)
YOU ARE READING
The Martyr Wife (Series 1)
RomansaIsang babaeng nangarap ng masayang pamilya ngunit sakit at paghihirap ang naranasan. tunghayan ang storya ni Mikyla Bernice Delacruz